CHAPTER
FIFTEENFirst Date
Naring ko ang pag-ring na naman ng cell phone ko. Kinuha ko agad ang ito dahil alam kong si Ronnel na naman 'to.
"Happy birthday.." nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napatingin sa orasan sa gilid.
12:10 AM
'Yun ang saktong oras na ipinanganak ako ni Mom noon! Natawa na lang ako. Sobrang ewan talaga nitong si Ronnel.
"How did you know?" Ang galing niya kasi alam niya pati 'yun. Baka may copy siya birth certificate ko.
"I know all about you," napangiti naman ako sa pagyayabang niya. Alam niya kaya talaga?
"Weh? So saan ako ipinanganak?" Hamon ko sa kanya.
"Sa South Korea.." rinig ko sa tono ng boses niya na proud siya na alam niya ang bagay na 'yun.
Napailing na lang ako kahit 'di niya ako nakikita. Sus. Ang akala mo naman exact address 'yung ibinigay niya.
"Nice one, ah! Natignan mo na yata ang birth certificate ko, eh," natatawang pang-aasar ko sa kanya saka napahikab. "Sige na Mr.Dela Vega matulog na muna tayo ulit, ha?"
"Okay!" Parang bata ang mokong. "I'll pick you up at six in the evening."
"Okay, good mornight.." paalam ko na sa kanya.
"Good mornight. I'll end this call, just sleep now.." sinunod ko naman siya at hindi na pinutol ang tawag niya.
Mukhang kailangan ko nang masanay sa ganito. His morning call everyday. Napangiti na lang ako sa ideyang hanggang sa hilahin na naman ako ng antok.
Hapon na ako nagising dahil sa ewan, kaya nga, ang breakfast at lunch ko ay pinagsama ko na. Naghahanap na ako ngayon ng susuutin at halos lahat na nga ng dress ko nakalabas na dahil lang sa lecheng date na ito. Wala naman kasi akong mapili, alam ko naman na maganda ako pero ayoko namang magmukhang katulong kapag katabi ko si Ronnel.
Gan'to talaga ang mga babae. Ang dami-daming pwedeng suutin na damit, nahihirapan pa ring mamili. Ewan ko nga ba kung bakit.
Sa huli, white tube dress, an inch above the knee, flat shoes ang suot ko at inilugay ko na lang ang buhok ko. Nag-apply din ako ng light make up tulad ng lagi kong ginagawa. Nag-spray ako ng perfume saka marahang hinawi ang buhok kong kinulot ko ang laylayan kanina.
Huminga muna ako ng malalim nang marinig ko ang tunog ng doorbell, saka marahang pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang lalaking nakapolo na dark blue, pants at sneakers na kahit 'yun lang ang suot niya mapapatulala ka talaga sa kanya.
"Hey.." bati niya na naging dahilan ng pagbabalik ko sa realidad. Nakangiti pa siya nang pilyo kaya kumunot ang noo ko.
"Ano na namang ngiti 'yan?" Nakakaloko kasi eh. Parang may gagawing hindi maganda.
"Nothing. I'm just wondering, how many hours did you prepare?" Lalo naman kumunot ang noo ko at napanguso na. Pa-cute lang ang peg.
"Hours? I just prepared for almost thirty minutes and not an hour nor hours," medyo inis na pagkaklaro ko kasi feeling ko ang bagal kong kumilos dahil sa tanong niya.
Matagal na ba 'yun? 'Yun na nga ang pinakamabilis ko. Ang hirap kayang makuntento sanpaglalagay ng makeup.
"So you took only thirty minutes to make yourself as beautiful as that? Effortless, ha?" Pambobola niya.
Naiwas ko tuloy ang mukha ko kasi napapangiti ako nang wala sa oras at alam kong namumula na ako. Kahit naman medyo hindi maganda ang tono niya, it was still a compliment.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...