CHAPTER
ELEVENHa?
"Okay, this is what you with this . . now if you do this . . you'll get that," Napahalumbaba na ako dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Ma'am Science. Mustra siya nang mustra sa unahan na para bang nagma-magic siya doon, wala naman akong nakikita.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Ang creepy siguro pakinggan pero feeling ko may nagmamatyag sa akin. Wow. Nagmamatyag 'yung right word talaga. Hindi lang basta nakatingin.
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang makita ko kung sinong nagmamatyag sa akin. Anong ginagawa niya dito?
"Ma'am!" Tumayo ako habang nakataas ang kamay. "May I go out?"
Nang pumayag si Ma'am ay dali-dali akong lumabas sa room at nagpunta sa puno kung saan ko siya nakita kanina. Tumigil ako sa harapan niya at nakita ko sa mga mata niya ang saya. Masaya talaga siya, ha? Sabagay, itong ganda ko talaga ay kasiya-siyang makita.
"Sabi ko na pupunta ka.." sabi niya sabay yakap sa akin. Napapikit ako nang mariin. Ayoko mang aminin pero nakaka-miss pala.
Ako na ang bumitaw sa yakap na 'yun. I didn't want him to think na okay lang sa akin na basta-basta na lang niya ako niyayakap.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin. Nakakaaswa kasi 'yung mukha niya. Bwisit.
"Gusto ko lang sana kitang makita.." napalingon ako at nagtama ang mga mata namin. Seryoso siya kaya natawa ako ng mapait.
"Gusto mo lang pala akong makita, bakit may payakap-yakap ka pa? Wow. Bakit wala na ba kayo, Clark?" Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya kaya natawa na naman ako ng mapait. "Ilan ba sila? Lima? Pito? Sampu? O higit pa?"
Hindi siya makasagot, siya si Mr.Timer. Ilan bang babae ang pinagsabay-sabay niya? Ewan. Eleven yata kami noon at akalain mo 'yun, ako daw ang mahal niya! Maniniwala na sana ako kung dalawa lang kami kaso eleven, eh!
Feeling niya kasi ang pogi niya! Puta lang. Nakakahiya sa kanya.
"Wala ka na bang kailangan? May klase pa ako.." naglakad na ako palayo pero agad na napalingon sa sinabi niya.
"Mahal pa kita.." nakayuko siya habang sinasabi niya 'yun nang makalingon na ako sa kanya.
"Ha?" Pagbibingi-bingihan ko.
"Mahal pa kita, Sofia.." tumunghay na siya ngayon.
"Narinig ko. Pero sana narinig din ng puso ko kasi alam mo nabingi yata 'to noong ipagtapat mo sa akin kung ilan kami sa buhay mo. Binging-bingi na ako.." sabi ko at naglakad ako palapit sa kanya. Tinap ko ang balikat niya. Grabe 'yung linya ko. Kahit sa akin, tagos. Nabingi talaga si heart.
Gusto ko sana siyang bangasan kaso tap na lang muna sa balikat. Baka sabunutan niya ako. Lugi ako kasi haba ng hair ko.
"May naghihintay na karma sa'yo, kung totoo man ang sinabi mo na mahal mo pa rin ako. Pwes, ito na yun. Ang karma mo.." sabi ko patuloy pa rin na tinatap ang balikat niya.
"May iba na ba?"
"Ha?" Sa simpleng tanong niya. Naubusan ako ng sasabihin.
May iba na ba? Sino? Kailangan ba may sabihin akong pangalan? Kasi, I mean, magmumukha akong talunan kapag wala pa akong iba! Kailangan ko namang makaganti sa kanya kahit paano. Bwisit!
"May iba na ba?" Ulit niya sa tanong niya kanina. Natigilan ako, anong isasagot ko?
"Oo.." 'yun na lang ang lumabas sa bibig ko at huli na, bago ka ma-realize na nasabi ko pala 'yun.
"Sino?" Napatitig ako sa mata niya.
Sino?
"Ha? Ah . . ano . . hmm.." anong sasabihin ko? O, sino ang isasagot ko?
"Hindi mo naman kailangang sagutin 'yun.." siya naman ang nagtap sa balikat ko. Pwede ko naman palang hindi sagutin, pinag-isip niya pa ako! "Sana maging masaya ka sa kanya, kapag sinaktan ka niya. Sabihin mo lang, sasapakin ko talaga yun."
"Oo na, sige na may klase pa ako," natatawa na lang ako na umiling. Sana sinapak din niya 'yung sarili niya noong niloko niya ako.
Tumango na siya kaya naglakad na ako palayo sa kanya pero nagsalita ulit siya.
"Sana kahit magkaibigan lang Sofia, pagbigyan mo ako?" Paghiling niya kaya masaya ko siyang nilingon at sumagot.
"Oo naman!" Ngumiti din siya kaya nagpatuloy na ako sa pag-alis. Gusto kong sabihing ayokong makipagkaibigan dahil walang magkasintahan tapos magkaibigan ang next. Wow. Ano kami? Walang gano'n.
Naglakad na ako pabalik sa room nang may humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.
"Ronnel.." sa unang pagkakataon, nasabi ko ang pangalan niya. Nakita ko ang pagngiti niya dahil do'n.
"Are you okay?"
"Ha?" Napakurap ako nang ilang beses. Nabibingi ba talaga ako o mabagal lang sadya mag-process ang utak ko ngayon?
"Ang sabi ko kung okay ka lang?"
"Ha? Ah, oo. I'm okay.." hinawakan niya ang braso ko kaya naman nailang agad ako at binawi 'to. "Bakit naman ako hindi magiging okay? Mauna na ako, may klase pa ako eh. Bye.."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Hindi ako pwedeng tumakbo. Bawal, eh. Baka magka-sprain din ako!
Hinihingal ako na tumigil sa pinto ng room namin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko hindi lang 'to dahil sa pagmamadali ko pero bakit? Bakit kailangan ko 'tong maramdaman?
Napasandal ako sa pader dito at hinahabol pa rin ang paghinga ko. Handa na ba ako? Handa na ba ako ulit sa ganitong pakiramdam? Pero, ayoko pa.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Novela JuvenilPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...