CHAPTER
TWOLiving Independently
"Ano namang nangyari ha? Natakasan na naman kayo! Mga wala talaga kayong kwenta!" Dinig na dinig ko na agad ang boses ni Dad kaya napangisi na lang ako. Nasa labas ako ngayon ng pintuan namin dito sa mansyon, pinapagalitan na naman ni Dad ang mga bodyguard ko. As usual. Walang bago.
Huminga muna ako nang malalim at saka binuksan ang malaking pintuan.
"I'm home!" Maligayang sabi ko at lumapit kay Dad at hinalikan siya sa kanyang kaliwang pisngi.
Mukha silang nakakitang lahat ng ahas sa harapan nila na malapit na silang tuklawin dahil natigilan silang lahat at 'yung iba nakanganga pa, kaya lalong lumawak ang pagkakangisi ko. Hindi pa ba sila nasanay sa akin?
"Dad . . yohoo!" Iwinagayway ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha ni Dad.
Mukhang effective naman dahil napakurap na siya ng ilang beses.
"Saan ka na naman nagpunta, ha, Sofia?" Sigaw ni Dad na hindi naman umepekto sa akin. Sanayan lang talaga 'yan. Nagkibit-balikat ako at itinaas ang dalawang kilay ko.
"Sa bar lang, Dad.." parang wala lang na sagot ko.
"Sa bar lang!Sofia, ano naman 'tong pinaggagawa mo? Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Tiningnan ko lang siya at hinintay na matapos ang drama niya.
Ganito si Dad, eh. Masyadong mahabang magsermon tapos madalas paulit-ulit na lang. Minsan kasi nakakalimutan niyang nasabi niya na ang isang bagay, kaso madalas gusto niya lang talagang ulit-ulitin. Saya.
Matapos nga ang ilang minuto ay natapos na rin siya sa wakas! Ako naman ay nagsimula ng maglakad paakyat ng hagdanan pero agad na napatigil dahil sa naalala ko.
"Dad, remember what we've been talking about last night?" Tanong ko at humarap na sa kanya na naguguluhan ang ekspresyon ngayon.
"What was that?" Tanong naman niya. Sabi ko na ulyanin na si Dad, eh!
"About living idependently thingy?" Agad naman na tumaas ang dalawang kilay niya. Naalala na niya. "I think I'm ready for that."
"Huh? Why all of a sudden? Are you sure about that, Sofia?" Paninigurado niya. Matagal ko na 'tong pinag-isipan, actually, kaya alam kong kerie ko na 'to!
"Yes, Dad. Can I?" Pagpapaalam ko dahil kailangan ko pa rin ng permission niya.
Tumango na lang si Dad nang nakangiti kaya masaya na akong nagpatuloy sa paglalakad sa hagdanan patungo sa kwarto ko.
Matagal na naming pinag-iisipan ng Dad ko na tumira na ako nang mag-isa sa condo pero lagi akong hindi pumapayag. This time, I decided to give it a shot. Magiging malaya na rin naman ako sa paglipat at pagtira ko sa condo nang mag-isa. Saka, malaki na ako. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na wala si Dad.
Kinabukasan nga ay maaga pa lang ay nagbalot na ako ng mga gamit ko. Ura-urada kasi ang Dad ko kaya gano'n. Minsan naisip ko na gustong-gusto niya na talaga akong palayasin sa pamamahay na 'to. Hindi niya lang magawa dahil nga anak niya ako.
"Mag-iingat ka do'n anak, ha? Malapit lang 'yun sa university niyo kaya don't worry hindi ka naman masyadong mahihirapan sa pagbyahe," pang-limang beses niya na yatang bilin sa akin.
"Yes, Dad. Sige, mauna na ako," niyakap namin muna ang isa't isa bago ako tuluyang umalis.
Kung nagtataka kayo kung bakit si Dad lang ang kasama ko sa bahay o buhay, 'yun ay dahil na rin sa wala na ang Mom ko. Iniwan niya kami ng Dad ko when I was thirteen years old. Naaksidente ang sinasakyan ni Mom habang nagda-drive papunta sa graduation ko noon, kaya nga I had been hating the day I graduated. Nadala pa siya sa hospital pero huli na ang lahat.
Nainis ako ng araw noon sa mga rules o batas na 'yan, dahil kasi dyan naaksidente siya. Nagmamadali na kasi si Mom noon kaya naman mabilis ang pagpapatakbo niya. May nakakita sa kanya police officer at tetikitan sana si Mom pero hindi na nakahinto si Mom sa pagmamadali. Hinabol siya nito at 'di napansin ni Mom ang palapit na truck sa kanyang kotse.
Kaya simula noon, I started to hate the rules. Pero may ilan pa rin akong sinusunod, pili lang nga lang. Para bang ang iba para sa akin ay walang kwenta. Iyong ginawa lang dahil mema. Mema-sabi lang na batas.
Wala pa ngang ilang minuto ay nakarating na ako sa building kung nasaan ang condo unit ko. Sumakay ako sa elevator at pumunta sa 9th floor ng building. Pagkabukas ay lumabas na ako at binuksan ang condo ko with password 'to syempre.
Pagkapasok ko ay agad akong nahiga sa kama dito at ipinikit ang mga mata. Hindi ko na pinansin ang disenyo ng unit ko. Ang mahalaga sa akin ay makatulog ako nang maayos ngayon. Saka, alam naman ni Dad kung anong taste ko sa isang kwarto. Alam kong ginawa na lahat ni Dad para maging at home ako dito.
This would be the start of my new life, living by myself. Living independently.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...