CHAPTER
THIRTY-NINEThird Month-Anniversary
Third month-anniversary na namin at parang ewan ang regalo ko sa kanya. Isang kwintas 'yun, actually pareho kami ng kwintas. Bumili din kasi ako para sa akin. Wala. Trip lang. Mala-couple necklace ang peg ko. Hindi naman sa gipit na ako sa pera kaya 'yun lang ang nabili ko, kundi gipit na ako sa oras. Saka, ang mahal kaya no'n. Buti sana kung tigsisingkwenta lang 'yun, eh.
Nandito nga kami ngayon sa ilalim ng isang puno dito sa field. Pinagmamasdan niya 'yung kwintas na bigay ko sa kanya at 'yung para sa akin. Bigla ko namang nakita nag pag-form ng ngiti sa labi niya.
"Thank you.." tumayo siya at isinuot sa akin ang kwintas ko. "This is mine, and this will be for you."
Kinuha ko ang isang maliit na box na iniabot niya. I could sense what was this. Binuksan ko naman 'to -
Tada!
Singsing naman! Tumingin ako sa kanya nang naguguluhan.
"Promise rings.." itinaas pa niya ang kaliwang kamay niya at nakasuot 'yung isa sa kanya.
"Thank you," ngumiti ako at kinuha ang singsing sa lalagyan nito.
Hinubad ko naman ang kwintas ko.
"What are you doing?" Napatingin naman ako sa kanya at halata sa mukha niya ang pagkalito.
Hindi ko siya sinagot at isinuot na lang ang singsing sa kwintas. Tiningnan ko siya at nakakunot pa rin ang noo niya. Cute.
"Sabi kasi nila, inilalagay ang singsing sa kaliwang kamay para malapit sa puso natin pero syempre itong akin sa kwintas para mas malapit sa puso ko.." then I flashed my sweetest smile. Pang-Miss Universe na ngiti. Kulang na lang ay kumaway ako sa kanan para mas feel.
Napangiti na lang din siya at kinuha ang hawak ko. Siya na ang nagsuot sa akin. Hinubad niya rin naman ang singsing niya at ginaya ang ginawa ko.
"Happy third month-anniversary.." bati namin sa isa't isa.
Maya-maya rin ay bumalik na kami sa mga klase namin. Kahit gustuhin pa naming mag-momet doon ay may mga kailangan kaming gawin today. First of all them was to do our responsibility as students. Kahit pa wala naman talaga kaming ginagawa kundi ang mag-practice ng aming graduation. Pero no'ng homeroom namin ay iba ang pinag-usapan namin.
Tungkol sa Graduation Ball. Next week na daw 'yun at nakakatamad.
"Pupunta ka ba sa grad ball?" Tiningnan ko naman si Mhe, gamit ang pinakaboring kong itsura.
"I-D-K."
"Huh? Sa bagay . . pwede kaya do'n sina Ronnel?" Humalumbaba pa siya at parang timang na nag-i-imagine.
"I-D-K and I-D-C."
"Hindi naman halatang tinatamad ka ano? Pati ba naman simpleng 'I don't know' at 'I don't care', kinakatamadan mo pang bigkasin nang buo!" Puno ng sarkastiko niyang pahayag.
Napailing na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagdeday-dream niya. Ano kayang iniisip nito?
"Hey.." sino 'yun? Hindi ko na lang siya pinansin at nanatili lang nakaub-ob dito.
Nakaramdam ako nang may kumulbit ulit sa'kin.
"Hey.."
Kulbit ulit.
"Hey.."
Naiinis kong inaangat ang ulo ko at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng boyfriend ko.
"What happened to you?" Nakangiti niyang tanong. Bakit naman kaya ganyan ang ngiti niya?
"Wala lang.." bored na sagot ko.
Teka! Bakit nakapasok 'to dito? At nasaan ang magaling naming adviser?
Tumabi siya sa akin at hinalikwat ang loob ng bag ko. Pinanood ko lang naman siya habang ginagawa niya 'yun.
Ano bang hinahanap nito?
"Hey.." napalingon kami sa biglang pagsasalita ni Mhe. "Ano 'yan?"
Nginuso niya naman ang suot naming kwintas at singsing habang tuloy pa rin ang katabi ko sa paghahanap.
"None of your business," napasimangot naman siya sa naging sagot ko.
Naramdaman ko naman na may nagsusuklay ng buhok ko. Lumingon naman ako at nakita si Ronnel na busy sa pag-aayos ng mga sabit dito.
"Mukha na ba akong bruha ha?" Biro ko habang nakatingin sa kanya.
"Nope. You're always beautiful, kahit na mukha ka pang pulubi," hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa sinabi niya o ano pero sa huli, napangiti na lang ako.
Maya-maya ay naramdaman kong pinuyudan niya na ito. Medyo messy ang pagkakaayos pero maganda, I mean bagay naman. Okay naman. Pwede nang pagtyagaan.
"Thanks," sabi ko nang matapos siya.
"Welcome, my princess.." masayang tugon niya at inaayos-ayos pa talaga ang buhok ko.
"Ayie! Kayo na nga ang sweet!" Singit ng baliw kong best friend.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at nag-peace sign lang siya, baliw talaga!
Mabilis ngang lumipas ang buong araw, hindi kami nag-date ni Ronnel bagkus ay kumain kami sa bahay nila kasama ang parents niya at ni Dad ko.
Masasabi ko sa three months namin, naging masaya ako. Naging malayang magmahal at natutong magpahalaga sa ibang tao. Sana wala na nga lang katapusan ang sayang tinatamasa ko ngayon, I know that it sounded selfish but that was what my biggest wish for now.
Happiness.
I wished it would never end.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...