CHAPTER 28: Vacation 2/2

6.1K 146 0
                                    

CHAPTER
TWENTY-EIGHT

Vacation 2/2

Huling gabi na agad namin dito at bukas na agad kami uwi namin kaya nga pinili naming magpuyat nang todo this night. Nandito kami ngayon sa loob ng resort dahil maglalaro daw kami. Anong laro? Truth or dare, pero hindi spin the bottle. Kung sino ang gusto ng taya ay siya ang sunod na tatanungin. Madaya lang kasi parang gantihan ang magaganap dito.

"Okay, si Pres. sunod sa akin.." napalingon naman kami kay Mhe na umiinom at panay pinipigilan ni Kyle.

"Okay! Truth ako! Truth! Truth!" May tama na talaga siya. Panay ang wagayway ng kamay niya sa unahan niya at pilit naman siyang pinipigilan ni Kyle sa maaari niyang gawing eskandalo. Well, good choice.

"Mahal mo ba si Kyle?" Napatingin naman si Mhe sa katabi niya at natawa. Halos matawa rin ako. Kailangan pa bang itanong 'yun? Kapag boyfriend mo, minamahal 'yan. Kahit hindi agad pero dapat.

"Ito mahal ko? Hindi!" Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha ni Kyle. Baliw talaga! Lasing na.

Tumayo na ako para iakyat siya. Nalalakad na ako papunta sa kanya nang magsalita ulit siya.

"Kasi mahal na mahal na mahal na mahal! Pa-kiss nga baby ko!" Nagtawanan na lang kami nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ni Kyle at lantakan ng halik ang labi nito.

Bumalik na lang ako sa pwesto ko dahil okay lang naman pala ang lahat, eh.Wala si Ronnel ngayon at nakatulog sa kwarto dahil nakainom ang mokong.

"Oh, ako ba sunod na pipili?" Tanong ni Mhe at iniikot ang mga mata niya. Kunwari pa naghahanap. "Si Sofia na syempre!"

Nalipat naman sa akin ang tingin. Mga baliw talaga.

"Truth," sagot ko agad dahil ayokong tumayo sa dare.

"Dare na lang!" Pinaningkitan ko naman ng mata si Mhe. Akala ko ba may choice dapat ako?

"Akala ko may choice ako?"

"Dahil ako ang taya, wala kang karapatang tumanggi. Dare lang. Dare-"

"Oo na!" Napilitan pa!

"Tumayo ka dyan at puntahan mo si Ronnel sa kwarto kapag naisama mo siya sa baba, itulak mo sa pool!" Nanlaki naman ang mga mata ko! Seryoso? Lasing kaya 'yun!

"Paano kung hindi ko magawa?" Tanong ko at nakita ko naman ang demonyang ngiti niya.

"Iinom ka seven glasses ng tequila, straight!" Sagot niya kaya umupo ulit ako at kinuha ang baso.

Sinimulan ko na ang pag-inom. Madali lang 'to sa akin. Kaya ko 'to. Uminom lang ako nang uminom. Nakakatatlo pa lang ako nang maramdaman kong parang masusuka na ako pero tuloy lang hanggang makapito ako pero 'di ko na talaga nakaya dahil nasusuka na ako. Nagtatakbo na ako papunta sa kitchen. Kailangan ko lang ng lababo!

"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Nakasalubong ko si Ronnel pero 'di ko na nakayanang tumigil.

Masusuka na talaga ako!

"Anong nangyari?" Tanong niya pa rin at hinihimas na ang likuran ko habang suka pa rin ako nang suka.

"Sofia.." napalingon naman siya sa nagsalita at kahit ako pero nasuka na lang ulit ako. Kadiri na! "Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?"

Napatigil naman ako sa pagsuka at napatitig kay Harry. Anong hindi ko pa nasasabi?

"Ano? What is it?" Tanong ni Ronnel at tumingin sa akin. Hindi naman ako nakasagot dahil malay ko ba!

"Na buntis ka.." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Harry.

"Ano?" Sigaw ko. Nawala yata epekto sa akin ng alak. "Anong buntis?"

"B-Buntis ka?" Naguguluhang tanong ni Ronnel.

"Hindi, ah!"

"Sofia, huwag ka nang magsinungaling sa kanya-"

"Harry, shut up! Hindi 'yun-"

"Sofia, s-sinong ama?"

"Anong ama? Wait nga-"

"Ako, pare. Sorry, hindi naman namin sinasadya. Nadala lang-" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil sinuntok na siya ni Ronnel. Napatili naman ako sa gulat

"Walang hiya kang gago ka!" Sigaw niya.

Patuloy lang siya sa pagsuntok kay Harry at dahil sa asar pa ako ay hindi muna ako umawat. Nang mapansin kong bugbog-sarado na si Harry saka ko lang inawat si Ronnel.

"Bakit si Sofia pa, ha? Putangina ka! Sumagot ka!" Hinawakan ko na si Ronnel sa braso niya dahil galit na talaga siya.

Hindi niya ako nililingunan o tinatanong man lang. So, heto ba 'yun? Kung totoo ang sinabi ni Harry, hindi niya makakayang pagbuhatan ako ng kamay?

"Ronnel.." tawag ko pero 'di niya ako nililingunan. "Ronnel!"

Nilingon na niya ako. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Nanikip ang dibdib ko sa isiping nasaktan ko siya nang sobra.

"Okay lang, Sofia. Okay lang.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Napabuntong hininga na lang ako at niyakap siya. Ang drama talaga ng boyfriend ko. Ang cute pa kapag naiyak.

Bigla na lang tumawa si Harry kahit mukha na siyang pasa na tinubuan ng mukha. Inirapan ko siya.

"Dare lang 'yun pare!" Pinanlakihan ko na si Harry ng mata kaya nag-peace sign sya at umalis na.

"Huh? Anong dare?"

"May baliw kang kaibigan."

"A-Anong ibig mong sabihin?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Naglalaro kasi kami ng truth or dare, okay? Ayon, dare lang 'yung mga sinabi niya sa'yo."

"Talaga? Hindi 'yun totoo?" Nakita ko ang saya sa mga mata niya kahit umiiyak pa rin 'to. Baliw talaga!

"Oo nga! Nakainom kasi ako kaya nasuka ako, ikaw naman kasi ang drama mo!" Hinampas ko pa nang mahina ang dibdib niya. Ang daming drama sa buhay, eh.

"Huwag mo nang uulitin 'yun ha?" Niyakap naman niya ako kaya tumango na lang ako.

Pumunta na lang kami sa kwarto namin at matutulog na lang. Nahiga na kami at niyakap na naman niya ako. Medyo naiilang ako pero hinayaan ko na lang.

"Please, Sofia, huwag mo akong iiwan, ha?" Bulong niya habang nakayakap sa akin. Parang may tama pa ang isang 'to, ah.

"Basta ba, huwag mo akong bibigyan ng dahilan.." sagot ko na lang dahil ayokong mangako.

"Hinding-hindi kita bibigyan. Kapag umalis ka, hindi kita hahabulin. Hahayaan muna kitang madapa at bigyan ka ng dahilan para bumalik sa akin. Tandaan mo lang, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ka ulit dahil sa kahit anong istorya ang prinsipe ay para lamang sa mga prinsesa at ikaw, ikaw ang prinsesa ko.." mas humigpit pa ang yakap niya sa akin matapos niya itong sabihin sa akin. "I love you."

"I love you too.." sagot ko at unti-unti ko nang naramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

Nagising ako dahil sa pakiramdam na para bang may nakatitig sa akin. Binuksan ko ang mga mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ronnel. Ngumiti siya kaya gano'n din ako.

"Good morning.." napatingin ako sa wallclock dito.

12am na pala. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Good morning din," sabi ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib niya.

Hindi ko kasi kayang magsalita sa harap ng ibang tao nang hindi man lang nagtu-toothbrush. Lalo naman sa lalaki na ito. Kagigising lang para nang nag-toothbrush. Ang bango ng hininga!

"Just go back to sleep again.." naramdam ko ang paghigpit ng yakap niya kaya naman mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib niya.

Ito 'yung isa sa mga mami-miss ko sa kanya. 'Yung tuwing 12am babatiin niya ako ng 'Good morning'.

Mamimiss ko din 'tong bossy rich boyfriend ko. Sobra.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon