CHAPTER 23: Acceptance

6.9K 139 3
                                    

CHAPTER
TWENTY-THREE

Acceptance

Lumipas ang isang linggo. Hindi siya nagpakita sa akin kahit isang beses man lang. Hindi ko hinayaang mapahamak ako dahil alam kong dadating siya. Dadating siya para tulungan ako. Hindi ko malaman kung manghihinayang ba ako sa sitwasyong iyon o ano. Itinatatak ko na lang sa isip ko na ayokong humingi ng tulong dahil alam kong mas masasaktan siya dahil nasasaktan ako.

Wala akong ginawa noon kundi ang mag-shopping, mag-bar, magliwaliw at 'yun lang. Wala ng iba pa.

Linggo na, bukas kakausapin niya na ako at pakikinggan ko naman siya. Handa na ako, kaya ko na. Handa na ba talaga ako? Kaya ko na ba talaga? Bahala na.

Naalimpungatan ako sa pagtunog ng cell phone ko. Napatingin ako sa orasan ko, 12am na. Morning call niya ba 'to? Hindi ako nagsalita nang sagutin ko ito.

"Lumabas ka sa building na 'to, your one week is over.." diretsahang sabi niya bago ko narinig ang nakakainis na pagkamatay ng linya.

Dali-dali kong isinuot ang tsinelas ko at tumakbo palabas ng condo ko. Muntik pa akong madapa at napamura nang matapilok pa ako. Napasimangot ako. Nag-elevator ako at dali-daling tumakbo palabas.

Hindi pa rin siya nagbabago, on time talaga siya. Pero natigilan ako nang wala naman akong naabutan. Wala siya dito sa labas, eh. Niloloko ba ako no'n?

"Sofia!" Sigaw niya kaya luminga agad ako sa paligid. Hinanap ko kung nasaan siya pero hindi ko talaga makita.

"Ano?" Sigaw ko at panay ang libot ng tingin sa paligid. "Nasaan ka ba?"

"Nasa kaliwa mo ako!" Lumingon naman ako sa kaliwa ko pero wala naman. Tumingin ako sa kanan, baka nalito lang ako pero wala pa rin! Ibinalik ko ang tingin sa aking kaliwa.

"Huwag mo nga akong lokohin!" Sigaw ko na naman at nauubusan na ako ng pasensya. "Nasaan ka nga?"

"Sana mapatawad mo ako. Sana pakinggan mo ako. Nag-dare lang kami kaya nagawa 'yun ni Jane, 'yung De Puta na sinasabi mo?" Natatawa pa siya habang sinasabi 'yun. Ang akala mo naman nakakatawa 'yun.

'Naka-microphone din siya, nasaan ba 'yun?

"My princess, sorry. Alam ko marami na akong beses na nag-sorry at hindi mo tinanggap 'yun pero sa pagkakataong 'to . . sana patawarin mo na ako," bumuntong hininga siya kasabay nang pagkunot ng noo ko. "Hindi ko nagustuhan ang halik niya, mas masarap pa rin talaga 'yung sa'yo. Sorry my princess, sorry. Please?"

Namula naman ako sa sinabi niya. Lintik talaga 'to!

"Oo na nga!" Sigaw ko dahil hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. "I accept your appology! Ikaw na ulit ang prinsipe ko! Lumabas ka na nga d'yang gago ka!"

"Nasa kaliwa mo nga ako.." lumingon naman ako sa kaliwa ulit pero wala talaga. "Sa puso mo kasi.."

Napalingon agad ako sa likod ko nang marinig ko siya do'n kaya tumakbo agad ako papunta sa kanya at niyakap siya. Gumanti din naman siya agad.

"Oo nga. Nandito ka nga pala!" Naiiyak na sabi ko. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Naamoy ko na naman ang amoy niya. Ang bango-bango. Sobrang nakaaadik.

"I missed you, my princess. I really missed you.." mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

"I missed you too. I really missed you, too.." gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Gago talaga 'tong lintik na 'to, eh, kaya na-miss ko, eh. Para lang isang taon kaming hindi nagkita pero isang linggo lang naman.

"Eh, 'di may girlfriend na akong babalikan?" Tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Oo naman, nandito lang si girlfriend. Ang prinsesa mo," hinalikan niya ang gilid ng ulo ko at humiwalay ng yakap sa akin.

"Thank you for accepting my appology," sabi niya at hinalikan ako, gumanti rin ako sa bawat halik niya.

"Basta ikaw.." sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

At sabay naming sinalubong ang pagsikat ng araw. Bagong araw, bagong pag-asa. Ang pagbawi niya sa akin ay nagawa na niya. Napangiti na lang ako habang pinapanuod ang pagsikat ng araw kasama ang taong 'to, si Ronnel Dela Vega.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon