CHAPTER
THIRTEENMeet the Parent
Sinuot ko nga ang pink dress na ipinadala niya at nag-high heels din ako. Umaabot ang dress hanggang ibabaw ng tuhod ko. Parang muscle tee iyong datingan niya. May design na puting parang pakulambong burda sa dibdib at flowing na pababa pagkatapos ng kulay puting belt. Nag-apply rin ako ng light makeup tulad ng dati.
Dumating siya tulad ng sinabi niyang oras. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya. Tiningnan ko siya at cool na cool na naman siya. Nakakainis samantala ako dito, halos 'di na makahinga sa sobrang kaba.
Sa buong byahe, iniisip ko kung paano ako napasok sa kalokohang ito, o kung may pag-asa bang makaalis ako dito. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako pumapayag dito.
Bumaba na kami matapos ang ilang minuto nang makarating kami. Aba ka nga naman, restaurant namin 'to eh. Sofie's, ipinangalan kasi 'to sa'kin, eh.
"Don't tell me, hindi mo alam.." parinig ko sa kanya habang naglalakad na kami papasok. Kumunot naman ang noo niya. "Ah, hindi mo nga alam. Okay. Ayoko kasi ng pink."
Mukha naman siyang nagulat sa sinabi kong iyon. "Bakit mo pa sinuot kung ayaw mo naman pala ng pink?"
"Huh? Eh, ikaw naman kasi, gusto mo lagi nasusunod.." parang batang nagtatampo na saad ko. Bwisit. Pwede ko naman palang huwag suutin!
"Next time, if you really don't like something, just tell me.." napangiti ako sa sagot niya. "I can change it."
Nakarating na kami sa loob at binabati ako ng lahat ng empleyado kaso hindi naman yata alam nitong si Ronnel na kami ang may-ari ng restaurant na 'to kaya hindi niya napapansin iyon. Binabati rin naman kasi siya at binibigyan ng makahulugang ngiti.
"Dad.." bati niya sa lalaking nasa late 40's na ang edad. Lumapit kami sa table nila sa VIP area. Ngumiti ako sa kanya at gano'n din siya.
"Good evening po.." bati ko.
"Girlfriend ko, Dad," pagpapakilala agad sa akin ni Ronnel nang walang patumpik-tumpik. Grabe, ha. May lakad yata 'to, ah. Yumuko na lang ako nang bahagya bilang pagbibigay halang saka tumunghay.
"Sofia Reyes po, nice meeting you, sir," inilahad ko ang aking kamay na agad nanan niyang tinanggap.
"Nice meeting you, too, hija. Sofia Reyes? Kayo ba ang may-ari nitong Sofie's?" Medyo nakakunot ang noong tanong niya kaya ngumiti na lang ako. Alam ko na kung saan naman ni Ronnel ang pagkunot-kunot ng noo niya.
"Opo, kami nga po.." pagkumpirma ko. Napatango naman siya habang nakangiti.
Umupo na kami sa wakas. Dumating ang mga waiter upang ilagay ang mga in-order ng ama ni Ronnel. Kabadong-kabado ako dahil baka magkamali ako, pero pinalaki ako ni Dad na pumupunta sa mga formal gathering kaya siguro naman kayang-kaya ko 'to.
"Y'kay?" Naramdaman ko ang kamay ni Ronnel sa braso ko habang nakatitig ako sa wine flute na may lamang tubig.
Nilingon ko siya. "Ayos lang."
"How old are you, hija?" Agad na nabaling ang tingin ko sa kanya nang tawagin niya ako.
"Fifteen po."
"Fifteen, very young.." makahulugang tumingin siya kay Ronnel na katabi ko kaya nilingon ko ang nahuli at seryoso lang ang ekspreyon niya. Ibinaling ko muli ang atensyon sa ama niya. "Anong kukunin mo sa senior high?"
"Ah, ABM po," marahang sagot ko.
"Oh, magkatulad pala kayo nitong si Ronnel. Sabagay, your family owns a hotel and restaurant company, so natural lang na ikaw ang magmana nito, right?"
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...