CHAPTER 35: Explain

5.5K 126 4
                                    

CHAPTER
THIRTY-FIVE

Explain

"Sofia!" Narinig ko si Ronnel pero hindi ako nagdalawang-isip na hindi tumigil.

Hello, nag-walkout kaya ako! Kaya't bakit naman ako titigil?

"Sofia, stop, please!" Bigla na lang akong napatigil. Hindi ko alam kung bakit parang awtomatiko 'yung paa kong napapasunod niya.

Bakit ba palagi niya na lang ako napapasusunod? Bullshit!

"Sofia.." napapikit na lang ako nang mariin dahil sa pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. He would always be my weakness.

"Ronnel.." tawag ko sa kanya habang nakayakap pa rin siya.

"Sofia, I'm so sorry. Please, forgive me," mas isiniksik pa niya ang sarili sa akin. "Mahal pa kita. Mahal na mahal. Sorry, naduwag ako."

"Sige lang," sabi ko na lang sa kanya kahit medyo labag sa loob ko dahil parang nagiging mahina pa ako sa paningin niya.

"My Mom . . she told me that she and your mother were best friends back then. To cut story short my princess, they fell in love with your father at the same time. My mother was jealous. Pinili ng Mom mo na makipaghiwalay kay Tito, but everything got twisted when my mother saw them kissing. Sofia, whatever their story is, hindi tayo 'yun. Iba tayo sa kanila. Labas na tayo do'n, 'di ba?," mas humigpit pa ang yakap noya sa akin.

"Pero bakit mo ko iniwasan? Kailangan ba talaga 'yun? "

"May sakit si Mom sa puso. Hiniling sa akin ni Dad na kung pwede kitang iwasan muna para lang maging okay kahit pa'no si Mom. I want to say no, but they are my parents. I hope you understand."

Napabuntong-hininga naman ako.

"I'm sorry. Hindi ko nasabi sa'yo, sorry.." malambing ang boses niya na talaga namang nagmamakaawa na. "Hindi na mauulit, prinsesa ko. Promise. Sorry."

"Bitawan mo ako," utos ko na halatang ikinagulat niya. "Ronnel, please.."

"No! Sofia, I can't. Sorry! Sorry. Please, patawarin mo na ako.." mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin. 'Yun planong hindi na ako makahinga. May balak pa yata siyang patayin ako.

"Paano ko mayayakap ang prinsipe ko kung hindi mo ako bibitawan?" Tanong ko na naging dahilan nang pagluwag ng pagkakayakap niya sa'kin.

Humarap agad ako sa kanya at niyakap siya. Na-miss ko itong ungas na ito. Ang drama kasi, eh!

"I missed you.." bulong ko.

"I missed you, too," humiwalay siya ng yakap sa akin at hinalikan ako sa noo.

Hinalikan niya rin ako sa mga labi ko at saka pinaglapat ang noo namin.

"I love you.." bulong niya na para bang isa 'yung sikreto na sa pagitan lamang naming dalawa.

Hinawakan ko naman ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"I love you more," sagot ko at hinalikan niya ulit ako sa noo.

Kahit gaano nga naman kalaki o kaliit ang kasalanan ng taong mahal mo sa'yo, patatawarin at patatawarin mo ito.

Mahal ko siya. Mahal na mahal pero  alam kong darating na 'yung time na kailangan kong magsakripisyo at makitang nasasaktan siya. Sana nga lang matagal pa.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon