CHAPTER 38: Sorry

5.7K 127 1
                                    

CHAPTER
THIRTY-EIGHT

Sorry

Nang matapos ang lahat ay napagpasyahan naming umalis na ng bahay nila. Kahit kasi medyo okay na kami ng Mom niya ay parang hindi ko pa rin ramdam na welcome ako sa bahay nila. Yeah, may gano'ng epeks talaga. Magkahawak ang kamay ay naglakad kami palabas sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung bakit. Hindi lang ba ako sanay o sadyang habang buhay na ganito na ang epekto sa akin ni Ronnel. Hawakan ko lang ang kamay niya, pakiramdam ko lumulutang na ako sa alapaap, lumilipad ang mga paro-paro sa loob ng tiyan ko habang hindi magkaintindihan ang puso ko kung paano ba ang tamang pagtibok.

"Sofia.." tawag maya-maya sa akin ni Ronnel kaya agad akong lumingon sa kanya. Naputol tuloy ang pag-iisip ko.

Ang gwapo ng boses niya. Tapos, tinatawag pa niya ang pangalan ko.

"Ano 'yun?" Tanong ko sa kanya. Medyo nagulat pa ako nang kunin niya ang kaliwa kong kamay. Pinagdaop niya ang dalawa kong palad habang nakakulong sa kanya.

"Sorry.." pagkasabi niya noon ay niyakap niya agad ako nang sobrang higpit. Gumanti din naman ako kahit medyo mabagal takbo ng utak ko at hindi siya maintindihan.

"Ano na naman bang sino-sorry mo? Don't tell me nakipaghalikan ka na naman sa ibang babae!" Hinampas ko nang bahagya ang kanyang likuran at naramdaman ko naman ang pagtawa niya.

"Syempre hindi. Hindi ko na uulitin 'yun. I-It's about what happened last week. I can't believe that I did that to you. I'm so selfish."

"Ano namang selfish doon? It was for your Mom."

"Kahit na.."

"Huwag mo nang isipin. Masyado kitang mahal para hindi patawarin."

"Mas mahal kita."

"Sus," tumawa ako at ipinatong ang baba ko sa kanyang balikat. Ginawi ko rin ang kamay ko sa kanyang buhok at marahang pinaglaruan iyon. It was so soft, just like his personality.

Sa unang tingin mo sa kanya, mukha siyang mayabang na mayaman. Oo nga't given na 'yung sobrang gwapo niya pero 'yung aura niya nagsusumigaw naman sa kayabangan at awtoridad, pero kabaligtaran pala noon ang ugali niya. He was so kind, forgiving and loving. Ang swerte ko lang na boyfriend ko 'tong ungas na 'to. Kahit pa medyo bossy pa rin siya, sige, ako na ang mag-adjust.

Alam ko rin na maiintindihan niya ako. Kung totoo nga na mas mahal niya baka sakaling maintindihan niya kung bakit gagawin ko 'yun. I just hoped that he would understand me when that time came.

Matapos ang aming yakapan portion ay inihatid niya na ako sa condo ko. Pagdating ko ay agad akong pumasok ng banyo at nagbababad sa bath tub.

Nakapikit lang ako habang nagmumuni-muni. Ngunit hindi ko pa masyadong napi-feel ang pagbababad nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ka sa bossy kong boyfriend.

"What are you doing?"

"Nagbababad lang.." narinig ko naman ang paghinga niya nang malalim sa kabilang linya. Bakit na naman? Minsan na nga lang makapag-beauty rest, eh.

"Aah . . bath?"

"Oo! Saan ako magbababad sa internet? Syempre sa bath tub 'no!" Natatawa kong sagot. May utak nga, 'di naman ginagamit.

Mukhang nainis ko na siya dahil hindi na siya sumagot pa. Nanatili lang kaming tahimik habang ako pinaglalaruan ang mga bula dito.

Napatingin ako sa cellphone ko. Bakit tumahimik kami? Wala bang magbabalak magsalita?

"Ronnel.." tawag ko sa kanya. Nagsalita na ako. Sayang load niya 'no!

"Hm?"

"Magsasalita ka ba o ano?"

"I don't have anything to say. I just want to feel your presence, my princess."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at itinuon ako likod ng ulo ko sa gilid ng bath tun sa aking likuran.

"Sorry nga rin pala.." I said instead.

"For what?" Nakita-kita ko na ang expression ng mukha niya ngayon, kunot-noo.

"Sorry for everything — for being childish sometimes, for not obeying your rules, for being a bitch, for being so loud, for being heartless, for being selfish, for-"

"Cut it off.." pagpapatigil niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. He sounded angry.

"You don't have to say sorry because it's you, you don't need to feel sorry for being you. Always remember that, my princess," napangiti na lang ako.

See? He was always thinking of me. Lagi siya 'yung nag-a-adjust pagdating sa aming dalawa dahil siguro alam niyang ayoko 'yung nag-a-adjust. Ganoon pa man, hindi siguro siya aware na parehas kaming panay adjust. Sa bawat adjust na 'yun ay siya namang pagtatagpo namin sa gitna.

"Thank you for loving me, Ronnel," nasabi ko na lang. "I love you.."

"Umahon ka na dyan at baka mangulubot ka na. Sige na, I love you, Sofia. I'll call you later.." biglang sabi niya kaya natawa ako.

"Okay, bye!"

Umahon na nga ako at nagbihis. Napaisip naman ako. Later? Teka, hindi pa ako nagla-lunch.

Nag-order na lang ako ng pagkain para makakain naman ako ng masarap-sarap kahit pa'no. Nandito ako ngayon sa sala at sinasaulo ang graduation song namin. Wala eh, it was already March.

Sakto naman na napatingin ako sa calendar ko.

Napatayo pa ako. Takte!

Month-Anniversary na namin bukas!

Dali-dali akong nagbihis at magpupunta ako sa mall. Bakit ko nakalimutan 'yun? Bakit ko nakalimutan ang gano'n kaimportanteng bagay.

Dahil na siguro sa dami ng nangyari sa month na ito. Ano kayang ireregalo ko sa kanya?

Naku! Sorry talaga Ronnel! Nakalimutan ko.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon