CHAPTER 46: Yes!

7.1K 133 6
                                    

CHAPTER
FORTY-SIX

Yes!

"Nasaan na ba ang ka-meeting ko?" Inis na tanong ko kay Marjorie, kanina pa ako dito at si Mr.Dela Vega . . hindi pa nadating. Takte siya! Sana man lang kasi umaakto siya na parang isang propesyunal! Naakaiyamot lang.

"Ma'am nasa . . nasa labas daw po siya."

"What?" Inis na tanong ko. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Ang akala ko ba ay ayos na kami ni Ronnel pero ngayon heto siya, pasaway! Hindi ko naman hinihiling sa kanya na maging okay kami, na as in okay. Ang akin lang sana, kahit makipagplastikan na lang siya sa'kin. Jusko.

Paglabas ko ng restaurant ay ang daming media. Gano'n? May shooting yata. Sobrang daming van na may iba't ibang logo ng kung ano-anong istasyon dito sa Pilipinas. Nagkalat rin ang nga naglalakihang camera. Teka, kung nasa labas si Ronnel? Nasaan dito? Don't tell me, nandito siya sa mga cameraman. Baka nagsa-sideline na 'yun.

"Marjorie, nasaan naman dito 'yung lalaking hinayupak na 'yun!"

"Sofia!" Napalingon ako kung saan. Sinubukang hanapin ang pinanggalingan ng boses.

Natigilan ako. 'Yung mga cameraman kasi itinutok sa akin ang mga camera. Bakit? Hindi kaya may hostage taking at ako ang hostage. Imposible. Lalong imposible na ako ang suspect.

"Sofia Reyes!" This time, alam ko na kung saan galing ang sigaw.

Tumingin ako sa building ng Norfos Idustry. Hindi ako nagkamali. Nandoon siya. Nakatayo sa rooftop. Kahit malayo siya, alam ko nakangiti siya. Ang linaw ng mata ko, grabe! Pero syempre hula ko lang 'yun.

Tiningnan ko lang siya at hindi na siya sinagot. Mahirap kayang sumigaw.

"Ronnel!" Hindi ko na napigilan ang hindi mapasigaw ng tumalon siya mula sa rooftop.

Fuck!

Akala ko makakapagkape na ako ng libre sa lamay niya! Hindi pa pala. Dahil may sumalo sa kanyang malaking kama sa baba ng building. Feeling yata niya siya isa siyang action star.

Hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko, samantalang ang dami ng tao dito. Nakita ko siyang tumayo at nag-ayos ng damit.

"Hi, Sofia.." bati niya sa harap ng isang micrphone. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya.

Minsan talaga hindi ko masabayan ang trip niya sa buhay.

"Sabi ko noon, no'ng Graduation Ball niyo, ayokong kakantahin 'to para sa'yo kaso.." he paused. "Umalis ka. Sa pag-alis mo, nagawa ko 'tong kantahin pero hindi na kita kasama noon..

"Magkalayong agwat

Gagawin ang lahat

Mapasa'yo lang ang

Pag-ibig na alay sa'yo.." sinimulan niya itong kantahin at tumigil din.

"Sana alam mo, sana nalaman mo na sinundan kita sa Amerika noon.." nagulat ako sa sinabi niya. Paano? Hindi ko naman siya nakita doon. Ano ba Sofia. Ang laki kaya ng Amerika. Malamang hindi magpapakita sa'yo, lalo na kung ayaw. "Kaso no'ng nakita kita, I discovered how much you wanted to learn all about business so I decided to let you go."

"Ang awit na to ay awit ko sa'yo

Sana ay madama

Magkabila man ang ating mundo.."

Naglakad na siya palapit sa akin pero dahan-dahan lang. Ang drama at korni niya talaga kahit kailan.

"Kahit nasan ka man

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon