CHAPTER 29: Back To Projects

5.8K 123 0
                                    

CHAPTER
TWENTY-NINE

Back To Projects

Nakauwi na kami kahapon pa kaya nandito ako ngayon sa condo ko maggagawa kasi ang ako ng projects ko. Mamaya naman kasi pupunta na dito si Ronnel. Nagde-design na ako ng project ko para sa Arts nang mabaling ang tingin ko sa regalo sa akin ni Ronnel na nakasabit sa pader dito sa sala.

Mami-miss ko talaga siya. Napailing na lang ako sa naisip.

Narinig ko bigla ang tunog ng doorbell kaya tumayo na agad ako. Baka mamaya makaalis pa 'yun. Dali-dali akong pumunta sa pinto at tulad ng inaasahan ko ay si Ronnel nga. May dala siyang mga materials, pinapasok ko na siya bago pa siya mangalay.

Nagsimula na kami agad maggawa sa projects ko at sa kalagitnaan nang paggagawa naman ay tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Dad sa akin. Umalis muna ako at medyo lumayo kay Ronnel saka sinagot iyon.

"Dad!" Bungad ko kay Dad.

"Baby, tumawag lang ako para ipaalam sa'yo na okay na ang lahat.." pagpaalam ni Dad kaya't napatango na lang ako.

"Gano'n po ba?" hindi ko naiwasang mapabuntong hininga.

"Nasabi mo na ba kay Ronnel?" Napatingin naman ako kay Ronnel na kasalukuyang nagdidikit ng mga glitters nang sabihin 'yun ni Dad.

Ang cute ng boyfriend ko. Parang bata lang.

"Hindi pa po, but don't worry, sasabihin ko rin sa kanya. Hindi muna sa ngayon.." paliwanag ko.

"Ikaw ang bahala, basta tandaan mo na magpaalam ka sa kanya."

"Opo, gagawin ko, Dad."

"Good. Okay, bye, baby, I miss you," pagpapapaalam agad ni Dad. Sana tineks niya na lang ang sinabi niya. Sayang ang load, eh.

"I miss you, too, Dad.." tugon ko at pinatay na ang tawag.

Napatitig naman ako kay Ronnel mula sa kinatatayuan ko. Huminga muna ako ng malalim at lumapit na sa kanya. Pilit akong napangiti nang tingnan niya ako.

"Sino 'yun?" Tanong niya at naupo ako sa tabi niya.

"Si Dad, nangumusta lang.."

"Are you okay?" Tanong niya pero imbis na sumagot ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Hinalikan ko ang pisngi niya. "May problema ba?"

Umiling naman ako habang nakayakap pa rin ako sa kanya. "Wala po."

"Bakit ang lambing mo?"

"I love you.." I will miss you.

"I love you, too.." awtomatikong tugon niya. "Bakit feeling ko may problema tayo?"

Nanatili lang kami sa gano'ng posisyon  at tumawa na lang ako para lang hindi niya mahalata na may tinatago ako hanggang sa mangalay kami. Nagpatuloy na kami sa ginagawa namin kanina.

Sorry.

Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa. Sa tuwing mapapatingin siya sa akin ay ngumingiti lamang ako na para bang ito na ang huling mga sandaling ngingitian ko siya.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon