CHAPTER 42: Good Bye

6.3K 125 6
                                    

CHAPTER
FORTY-TWO

Good Bye

Tonight would be our Grad Ball. Naiinis ako dahil kung bakit kailangan ko pang pumunta doon. Nandito pa ako sa unit ko at nagmi-makeup pa, light make up lang. Hindi rin naman 'yun makikita sa dilim, eh. Sa bagay may ilaw naman pala. Hayaan na nga!

Narinig ko na ang doorbell. Napatingin ako sa orasan ko, 6:30pm. Always in time.

Binuksan ko na agad ang pinto matapos ayusin ang sarili ko at bumungad sa akin ang cool na nakatayo na lalaki na nakasuot ng tuxedo. Napangisi ako.

"Gorgeous.." natigil ako sa pag-scan sa kanya at nag-angat ng tingin sa mukha niya.

Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ang kulit talaga niya!

"Come on," pagkasabi niya no'n ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

Wala sa sariling napatitig ako sa magkadaop naming mga kamay. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon, sapat na para maramdaman kong hindi ako mawawala at hindi ganoong kahigpit para maramdaman kong may kalayaan pa rin ako. Laging ganito. Nasanay na ako, totoo. Mahirap masanay na ganito kami pero naisip kong siguro ito ang magiging parusa ko. Mami-miss ko siya at wala akong magagawa.

"Hey, what are you thinking?"

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang mukha niya. Memorizing every detail of him.

In physical, he was perfect. Hindi masyadong makapal ang kilay, matangos ang ilong, medyo singkit na mga mata, kissable lips at makinis na kutis. Lahat ng magagandang katangian na pangpisikal, nasa kanya na. Height na lang ang kulang.

But at the same time, he was not the Mr. Prefect because he was my bossy rich boyfriend. My pefect boyfriend —

"Hey.." tawag niya ulit ng pansin ko at napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

Naramdaman ko din ang pagtulo ng mga luha ko. I would really miss this guy. It would be so painful, but I would never regret it.

Ang pagiging bossy niya, masungit, magagalitin, ang mga noo niyang laging nakakunot, ang mga yakap, halik, alaga, luto at lahat sa kanya. Mamimiss ko siya, sobra.

Humiwalay na siya ng halik pero niyakap ko agad siya nang mabilis. Trying to hide the tears flowing on my already wet cheeks.

"Are you crying?" Tanong niya na lalong nakapagpaiyak sa akin.

Pinahid ko ang mga luha ko at umiling nang todo.

"Bakit naman ako iiyak?" I managed to ask. Buti at hindi ako pumiyok habang sinasabi 'yun.

Nang makasiguro ako na maayos na ang luha ko ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti nang todo.

"Tara na!" Hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta na sa kotse niya.

Wala pang ilang minuto ay nasa university na kami, hindi kami sabay nagpunta sa loob dahil kailangan pa niyang pumunta sa backstage.

Dapat naman kasi wala si Ronnel dahil hello? College na kaya sila! Mag-i-speech daw ang boss kaya gano'n.

Pumasok na nga ako mag-isa at bulong-bulungan agad ang sumalubong sa akin. Ewan ko ha. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil peymus ang aking peg dito sa university namin o maiinis ako dahil ang daming say ng mga tao.

"Si Sofia ba 'yan?"

"Shit! Ang ganda sana kaso taken na.."

"Ow! Wala pala siyang date, sana niyaya ko."

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon