CHAPTER 20: Misunderstanding

6.6K 136 1
                                    

CHAPTER
TWENTY

Misunderstanding

Umuwi na ako agad at hindi na siya hinintay pang bumalik. Para ano pa? May isa akong salita. Tulad ng sinabi ko, wala na siyang girlfriend na babalikan. Ayokong pagmukhaing tanga ang sarili ko.

Nakahiga na ako sa kama ko at kahit naririnig ko ang doorbell ay hindi ako nag-aabalang tingnan 'yun. Kailangan ko lang maging matatag. Kung ang pagiging matatag ay pag-arteng tila isang bato, sige! I would do it.

Tumigil na rin ako sa pag-iyak. Sa tingin ko nga ubos na ang mga luha ko. Hindi ko rin matawagan si Mhe, dahil baka magkaaway pa sila ni Kyle dahil sa nangyari sa amin ni Ronnel.

The thought made my heart clench painfully. Was it normal? Na pinipili kong mag-isa, huwag lang masaktan ang iba.

Napatingin ako sa cell phone ko nang marinig itong tumunog. Hindi iyon si Ronnel dahil block ang calls niya sa akin. Tiningnan ko 'to at sinagot ko agad nang mabasa ang caller ID.

"Hello?" Bati ko kay Mhe.

"Sof! Kamusta ang celebration niyo ni Ronnel?" Tanong niya at unti-unti na namang umagos ang mga luha ko. Akala ko ubos na.

Celebration, wow. That was so fun. Marahan kong pinalis ang aking mga bagong luha. Napapikit ako nang mariin.

"Mhe.." nanghihinang tawag ko sa kanya.

"Sof, are you crying? Why? Si Ronnel ba? Pupunta ako dyan. Hintayin mo ako!"

"Mhe.." magsasalita pa sana ako na huwag na siyang mag-abala pero in-end call na kaagad niya.

Ang best friend ko talaga.

Wala pa ngang ilang minuto akong natulala. The tears won't stop. It was like everytime I closed my eyes, I would see Ronnel's face. Everytime, I opened my eyes, I would see that I was all alone again. Bumuntong hininga ako bago napahagulhol.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero nang marinig ko ang pagpasok ni Mhe sa kwarto ko at niyakap niya kaagad ako. Alam na naman kasi niya ang password ko.

"Mhealyn.." tawag ko sa pangalan niya habang nakayakap sa kanya. Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Nasa labas siya.." humiwalay naman ako ng yakap at tumingin sa mga mata niya.

"Hayaan mo siya, wala siyang kwenta," saad ko habang pinipigilan ang mga luha ko pero failed, naiyak lang ulit ako.

"Hindi ko alam ang buong nangyari pero Sofia, pinakinggan mo na ba siya?" Napalingon ako sa kanya at pinigilan ang mapasigaw.

"Mhe, oo! Pinakinggan ko siya, pero ako? Nagmakaawa . . Nagmakaawa ako na 'wag siyang umalis! Anong ginawa niya? Umalis siya, hinabol niya ang babaeng 'yun!" Himala nang hindi man lang ako napahikbi sa mga sinabi ko dahil siguro sa galit.

"Baka naman may magandang dahilan siya.."

"Magandang dahilan? Mhealyn, sabihin mo nga sa akin, anong magandang idadahilan mo sa pakikipaghalikan sa iba? Ano?"

"Sofia.." Wala siyang masabi.

"Ipaliwanag mo sa akin!"

"Hindi ko alam.." kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang aking paghikbi. "I'm so sorry, Sofia."

"'Di ba wala kang masabi? Walang magandang dahilan! Papayagan ko naman syang mag-explain, kaso pinapili ko siya. Namili siya . . at hindi ako 'yun!" Napahagulhol na ako at niyakap naman niya ako ulit.

"Tahan na.."

"Iba ang pinili niya.." naiyak lang lalo ako nang simulan niyang himasin ang likod ko.

Ayoko sa lahat na pinapapapili ang isang tao dahil takot ako na baka hindi ang gusto ko ang mapili niya. Tama nga, sa pagkakataong 'to, hindi ako ang pinili niya.

"Magiging maayos din ang lahat."

"Sana nga.." humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang palad niya.

"Kaya mo yan, Sofia. You are Sofia Reyes! You're a strong person, kaya alam kong kaya mong bumangon. Kaya mong maging masaya ulit at ang alam ko na pinakakaya mo ay ang makalimutan siya.." panimula niya. "Magiging mahirap sa una, pero mas masisiyahan ka kapag nagawa mo na 'yun. Ipakita mo na kaya mo, ipakita mong wala lang siya sa'yo. Ipakita mo ang Sofia Reyes na kilala ko."

Pinahid niya ulit ang mga luha ko at niyakap ako.

"Nandito lang ako para sa'yo. 'Wag kang mag-alala, hindi kami maaapektuhan ni Kyle dahil dito. Don't worry about that.." napapikit na lang ako nang mariin. "Kung isa lang 'yang misunderstanding, tandaan mo. Babalik siya at 'wag kang mag-alinlangang tanggapin ulit siya."

"Paano kung hindi na siya bumalik?"

"Ang nega mo!" Saway niya sa akin. Bahagya akong natawa nang hampasin niya nang mahina ang aking likod. "Umayos ka nga. Ayusin niyo 'to, ha?"

"Oo na. Kung kaya pa.." pangangako ko.

Kaya ko lahat ng sinabi niya at ang pinakagusto na gawin do'n ay ang huli nyang sinabi, bigyan siya ng second chance.

Sana nga lang misunderstanding lang 'to.

Sana lang.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon