CHAPTER 14: His Different Sweet Side

9.1K 190 0
                                    

CHAPTER
FOURTEEN

His Different Sweet Side

Naalimpungatan ako nang marinig ang pagtunog ng cell phone ko.

"Hm.." kinapa ko ang cell phone ko sa sidetable sa tabi ng kama ko para sagutin ang lintik na tumatawag sa akin. Kung bakit ganito kaaga ay tumatawag na sa akin, hindi ko alam. Nang makuha ko ay agad ko itong in-slide ang screen nito at hindi na nag-abala pang tingnan ang Caller ID.

"Good morning.." bati ng nasa kabilang linya.

Nanlaki naman ang mga mata ko, saka napabangon at tumingin sa orasan ko. Twelve pa lang, napahiga ulit ako. Akala ko pa naman tanghali na. Bwisit. Pinakaba pa ako.

"Good morning din. Napatawag ka?" Bati ko at tanong na rin sa kanya. Ang aga-aga naman kasi, eh!

"Wala lang . . I just want to be the one who will greet you first, today.." may pagka-husky pa ang boses niya kaya napangiti na lang ako. Ang sweet naman ng mokong na 'to! Kaninis. Pinawi ko ang ngiti ko. Hindi ako pwedeng kiligin! Pero, kahit anong gawin ko ay umaangat ang magkabilang gilid ng labi ko. Ang hirap pala kapag sweet 'to, nakakabulabog ng tulog.

"Ah, so congrats ikaw ang nauna.." natatawa-tawang pahayag ko, narinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya. Kahit ang tawa niya, pak na pak.

"Okay, alam kong kailangan mong matulog na ulit. Good mornight.." sabi niya kaya nakaramdam ako ng tuwa. 'Yun na nga ang gusto kong gawin! Matulog ulit.

"Okay, good mornight.." hindi ko na pinutol ang tawag at siya na daw dahil hihintayin niya akong makatulog ulit.

Ganoon ang ginawa ko. Kumportable akong nahiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata ulit. The image of him smiling down at me made me almost sleep in heaven.

Pinatay ko na ang alarm clock ko at nag-inat. Mukhang maganda ang gising ko, ah? Pangalawang gising ko na pala 'to.

Inayos ko muna ang kama ko bago pumasok sa banyo. Matapos kong gawin ang lahat ng gagawin ko ay umalis na ako ng bahay. Naghihintay ako ng pagbukas ng elevator at nagulat ako nang magbukas ito dahil nando'n si Ronnel. Pumasok na ako sa loob at tiningnan siya. Ang cool talaga ng dating niya.

"Sana hinintay mo ako makarating sa unit mo.." nabalik naman ako sa realidad galing sa paghanga sa kanya dahil do'n sa sinabi niya.

"Hindi ko naman kasi alam na dadating ka," iniwas ko ang tingin ko at humarap na lang sa unahan namin. Kita ko ang repleksyon naming dalawa. Pati iyong height difference namin ay masyadong halata. Partida ha, hindi pa siya gano'n katangkadan.

"Next time.." sabi niya saka bumukas na ang pinto. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko nang palabas na kami.

Nagulat din ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya sumakay na lang ako nang walang sinasabi. Mukhang maraming kagulat-gulat ngayon, ah?

"Sabay tayong magla-lunch mamaya," sabi niya na puno pa rin ng authority ang tono ng boses niya kaya tumango na lang ako. Maybe, he was trying to be a sweet boyfriend, but at the end of the day he would always be a bossy boyfriend.

"Okay.." pagpayag ko.

Alangan namang tumanggi ako, hindi ba? Eh, 'di nahalikan ako nang wala sa oras. Wala pa ngang ilang minuto ay nakarating na kami sa parking lot ng school. Hindi na ako masyadong nagulat nang pagbuksan niya ulit ako ng pinto.

Pagkababa ko ay iba-iba ang nakita kong reaksyon ng mga tao sa paligid, inis, inggit, gulat, galit, selos, kilig at 'yung iba nanglalaki pa ang mga mata. Sila yata 'yung 'di nakarinig sa announcement ni Ronnel kahapon.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon