CHAPTER 9: Flirt

9.5K 197 1
                                    

CHAPTER
NINE

Flirt

"Stop that," sabi niya kaya lalong kumunot ang noo ko. Sa totoo lang, gusto kong matawa. 'Yung pagkakasabi niya kasi ay ang cute - pangit masyado. Parang bakla, kainis.

"Huh?" Hindi ko rin siya maintindihan. Ano ba kasing sinasabi nito?

"I said, stop that.." ulit niya. Puno pa rin iyon ng awtoridad na para bang siya talaga ang boss sa aming dalawa. Wala pa ring nagbabago sa ekspresyon ko, naguguluhan.

"Anong stop? Alin ba?" Iritado kong tanong sa kanya. Magsasabi na nga lang, eh, ayaw pang buuin. Linawan naman!

"Stop wearing that kind of clothes.." sagot niya kaya awtomatikong napatingin ako sa kabuuan ko.

I was wearing a loose plain white shirt and a short shorts na halos 'di na makita dahil sa haba ng damit ko.

Anong meron?

"Bakit? Nasa bahay lang ako, ah? Alangan namang mag-long gown ako dito at panay ang rampa ko," pagdadahilan ko.

Totoo naman kasi, 'di ba nga ayokong magsuot ng mga damit na akala mo naubusan na ng tela, pero nasa loob naman ako ng bahay ngayon.

"Not obeying my rules, ha?" Nanlaki naman ang mga mata ko noong nakangisi pa siyang magsalita. Na-imagine ko tuloy na tinubuan siya ng dalawang malaking sungay sa ulo, pumula 'yung mga mata niya at nagkaroon siya ng itim na pakpak.

Napakurap-kurap ako saka umatras ng isang beses.

"Fine. Wait here, I'll change. Five minutes!" Sabi ko at dali-daling tumakbo papuntang kwarto. Narinig ko pa siyang tumawa bago ko isara ang pinto.

Sira talaga! Pinagtitripan yata ako ng lokong 'yun, eh! Kainis! Hindi naman kasi pwedeng hindi ko siya sundin.

After five minutes nga, lumabas na ako ng kwarto ko. Ang sinuot ko na lang ay plain light yellow shirt at jogging pants na black. Hindi lang din bra ang suot ko sa loob kundi sando rin.

Naabutan ko siyang nagluluto sa kitchen kaya umupo na ako sa hapag. Kung paano siya nakapasok ay ayoko ng hulaan pa. Parang ang niluluto niya ang adobo. Yes, adobo. Gusto ko ng adobo.

"Are you okay?" Tanong niya nang hindi man lang lumilingon. Tumingin ako sa likuran ko. Ako naman siguro ang kinakausap niya, 'di ba? Paano kung may iba pala siyang nakikita?

"Ah, ako ba ang k-kausap mo?"

Lumingon siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. "Sino pa nga ba?"

"Aba, malay ko," nakahinga ako nang maluwag. Akala ko may sixth sense siya! Tumuwid ako sa pagkakatayo nang may matanto. "Don't tell me may mata ka sa likuran mo!"

"Ano bang pinagsasabi mong babae ka?" Tuluyan na siyang humarap. "Narinig ko ang yabag mong naglalakad papunta dito kaya alam kong dumating ka na. Sigurado naman akong walang multo dito kaya tinanong na kita kahit pa kita nilingon."

Napatango ako. Nag-iwas ako ng tingin saka tumikhim.

"O-Okay. Hm, I think I'm already fine. I can already walk or run as fast as I want.." naalala ko noong tumakbo ako kanina papunta sa kwarto ko para lang makapagpalit ng damit.

Naglakad na ako palapit sa lamesa at umupo. Humalumbaba ako at tumalikod naman na siya para harapin ulit ang kanyang niluluto. Damn, ang laki pala ng tewup niya.

"So, makakasama ka na sa akin mamaya," biglang sabi niya. Napatuwid ako sa pagkakaupo nang humarap muli siya sa akin.

"Saan?" Tanong ko. Alangan namang basta ako pumayag nang hindi ko man lang alam kung saan.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon