CHAPTER 37: I'll Fight For Us (His)

5.1K 126 0
                                    

CHAPTER
THIRTY-SEVEN

I'll Fight For Us (His)

I expected for the worst. When one of our maids told me that my girlfriend was her, I readied myself for whatever scene that I could see the moment I entered our house. Unfortunately, my preparation was not enough. Nagulat ako eksenang nadatnan ko. Nakaluhod si Mom sa harapan ni Sofia samantalang nakatingin lang siya dito. I could see the coldness in her eyes and felt the sudden anger in myself.

"Mom, what's happening here?" Tanong ko habang inaalalayan na tumayo si Mom. I looked at Sofia who was still looking at us coldly. "Sofia."

She did not say anything. Nag-iwas siya ng tingin bago bumuntong-hininga. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kung sa ibang pagkakataon lang, I would be attracted by her action, but now, I felt nothing.

"Anak, I'm sorry.." umiiyak na si Mom habang sinasabi ang mga 'yun sa akin.

Bahagya akong nakaramdam ng sakit para sa aking ina nang makita ko ang kalagayan niya. She was crying so hard that made her makeup smudge. She looked so vulnerable, and I was afraid that she could break down any moment. Nilingon kong muli si Sofia. Sinalubong niha ang tingin ko sa kanya. For several seconds, we stared at each other. I felt my heart thundered inside my chest, making me remember that I was so in love with this girl. I sighed.

"Sofia," I called her name again. Gusto kong magsalita siya. Gusto kong ipagtanggol niya ang kanyang sarili. Gusto kong baguhin niya ang iniisip ko tungkol sa kanya.

"No, anak. It's not Sofia. Ako. Ako ang may kasalanan dito," pilit akong hinaharap ni Mom sa kanya pero hindi ko iyon ginawa.

I already had known my Mom's side. This time, I would want to hear my princess' side.

"My princess.." nilingon niya naman ako. Kailangan kong malaman ang nangyayari.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at tumingin muli sa mga mata ko.

"We just talked," wika niya. "May mali ba do'n?"

Hindi ako nakapagsalita. Umiling na lang ako para sagutin ang tanong niya. Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin kung bakit ganoong scenario ang naabutan ko kanina.

"Are you okay Mom?" Tanong ko.

"Yes, I'm okay. Don't worry about me," sabi niya at hinarap si Sofia. "I'm so sorry sa lahat ng sinabi at nagawa. I hope you can forgive me, hija."

"Sorry din po, but I can not accept your apology. Ako po kasi yung tipong hindi marunong magpatawad sa mga taong huli na bago ma-realize ang mali nila. Sorry po," diretso at tila walang emosyon na pahayag niya.

Napaiyak na naman si Mom kaya hinawakan ko na lang siya sa balikat niya. Hindi ko pwedeng sumbatan si Sofia. That was her. Wala akong karapatang sawayin siya.

"Pero.." napalingon naman kami sa kanya. "Siguro po ganoon ako dati, pero iba na ngayon. I already changed because of your son. He taught me how to forgive and forget," bumuntong hininga siya.  "Pinapatawad ko na po kayo."

Kahit pa noong sinasabi niya iyon ay wala pa rin akong makitang emosyon sa kanya. Ano ba talagang nararamdaman niya ngayon?

"Salamat, hija! Salamat.." niyakap naman siya ni Mom.

Nakatingin lang ako nang tingnan ako ni Sofia at ngitian. I saw the happiness in her eyes. How I wish that happiness was true.

Sana talaga ako ang nakapagpabago sa kanya dahil ako . . kaya ko ring magbago para sa mahal ko, para sa kanya.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon