CHAPTER 5: I Hate You

9.8K 216 1
                                    

CHAPTER
FIVE

I Hate You

Nang tuluyan na siyang makaalis ay naupo na ako sa upuan ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng Patricia na ito at saka humarap sa akin. Gusto ko siyang sapakin pero agad kong pinigilan ang aking sarili.

Una, dahil first day of class ngayon. Ikalawa, baka ma-guidance ako. Ikatlo, sayang effort ko. Hindi siya ganoong kaimportante para i-risk ko ang tatlo kong dahilan para sa kanya.

"Layuan mo siya.." 'yun lang ang sinabi niya at umupo na sa bandang unahan ng room namin, ni hindi man lang niya ako hinintay na makasagot.

Ano bang mga problema ng mga tao ngayon at ang hilig nilang mag-utos? Nakakainis na ah! Saka, layuan? Sino bang gustong mapalapit sa lakaking 'yun? Sigurado akong hindi ako 'yun.

Maya-maya pa nga ay tumunog na ang bell hudyat na simula na ng klase. Tumayo na kaming lahat, pagkapasok ng teacher namin.

"Okay, good morning, you may take your seat.." sabi ni Ma'am Morales kaya umupo na nga kami.

Nag-check muna ng attendance si Ma'am at hindi na daw namin kailangan pang magpakilala dahil nga Grade 10 na kami at sawang-sawa na kami sa mga pagmumukha naming magkakaklase, 'yung transferee na lang daw.

Buti naman! Nakakasawa na iyang pagpapakilala na 'yan sa unahan. Taon-taon na lang.

"Hi, I'm Patricia Sarmiento, transfered from America. I came back here because of Ronnel Dela Vega, he is mine. So back off, girls!" Nakatingin siya sa akin habang sinasabi 'yun at saka na siya umupo.

Ano ba talagang akala ng babaeng 'to? Na may gusto ako sa Ronnel Dela Vega niya? No freaking way! Masyadong mataas ang standards ko para ma-reach ng lalaking 'yun.

Ang childish ng pagpapakilala niya, ha. Parang tanga lang. Lumipat siya dito para sa lalaking 'yun? Wow. Tapos wala namang pake sa kanya iyong tao. Wow again. Katangahan 101.

Nagsimula na si Ma'am balikan ang mga na-discuss namin noon sa Mathematics Class namin no'ng last school year. Wala na nga akong tanda eh!

Dumaan ang almost four hours ng morning classes namin at malapit na rin mag-bell kaya excited na ako! Ang tagal nga lang, eh. Parang last school year naman, five minutes before the time ay nagri-ring na kaagad. Ngayon yata ay ten minutes after the time. Damn.

Nang tuluyan na ngang mag-bell, pakiramdam ko umapaw ako sa ulap. Umapaw talaga!

Nagpaalam na si Ma'am Kalaw, ang aming English teacher kaya nagsilabasan na kami. Magkasabay na kaming naglakad ni Mhe papuntang cafeteria.

"Grabe, wala na akong naaalala sa past lessons natin last school year!" Sabi ni Mhe habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Sino pa bang meron 'no? Kulang na nga lang, mag-excuse muna ako at magbabanyo lang kahit hindi naman.." honest na sagot ko. Plano ko na kasi 'yun, eh, kanina pa.

"Kahit kailan ka talaga, magbago ka na at graduating na kaya tayo 'no!" Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. Akala mo naman kung makapagsalita 'to, napakabait niya eh!

"Whatever," sabi ko na lang at nakarating na pala kami sa cafeteria.

Ang daming tao, dumami na kasi marami ng mga transfers ngayon. Lilipat na nga lang ng school, dito pa. Dahil rin sa K to 12 curriculum ay marami na ang nadagdag na estudyante. At least, kumonti 'yung mga college.

Humanap na lang kami ni Mhe na medyo mahangin na upuan at dahil magaganda at masuswerte kami, nakahanap na kami at naupo na.

"Order na tayo.." yaya ni Mhe kaya tumayo na nga kami.

Sosyalin ang school namin dahil pipila ka lang at titigilan niyo na ang iba't ibang klase ng dishes at ikaw na ang bahalang kumuha. Hindi namin 'to binabayaran dahil na rin kasama na 'to sa tuition fee namin. Okay, binabayaran pa rin pala, in a different way nga lang. Lugi nga mga naka-diet dito. Lugi naman ang school sa mga ang lalakas kumain.

Bumalik na kami sa upuan namin at nagsimula na kaming kumain.

"Si Ma'am Morales kanina, tinanong ako hindi ko naman alam ang sagot muntik tuloy akong mapatayo!" Iritang pahayag ni Mhe habang kumakain kaya natawa na lang ako.

"Buti nga ako hindi pinapansin ng teachers natin! Kung hindi nakapagbanyo ako nang wala sa oras!" Binatukan naman niya ako dahil sa sagot ko. Eh, totoo naman, eh.

"Ikaw talaga! Minsan nga isusumbong-" natigilan siya sa pagsasalita dahil may naunahan na siya ng nasa gilid naming dalawa.

"Hi, mga miss, pwedeng makiupo?" Napalingon kaming dalawa sa lalaking nagsalita. May kasama pa siyang dalawa, at guess what? Kasama niya si Mr. BRG!

Ang swerte-swerte talaga.

Tumango naman si Mhe kaya nagsiupuan na nga sila. Mahaba naman ang upuan namin at katabi ni Mhe yung lalaking nagtanong kanina, sunod si Mr. BRG at katabi ko naman 'yung isa pa sa kanila.

"Ah, thank you, ha? Junior high schools ba kayo?" Tanong ng lalaking nagtanong kanina at dahil sa inis ko, ako na ang sumagot sa kanya.

"Hindi ba obvious sa uniforms namin?" Pambabara ko habang nakikipagsukatan ng titig kay Mr.BRG.

Magkaiba kasi ang uniforms ng juniors sa seniors, lalo na sa college.

"Ah. Sorry, naninigurado lang. Ako nga pala si Kyle Villarosa at 'yun namang katabi mo si Harry Anderson at mukha namang magkakilala na kayo ni Ronnel Dela Vega, 'di ba?" Napaharap naman ako sa kanya.

"Nice meeting you.." at tumingin din ako sa katabi ko at gano'n din ang sinabi ko.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Mr. BRG habang nagpapakilala sila kay Mhe. Inirapan ko na siya sa wakas at ipinagpatuloy na ang pagkain ko.

Wala pang ilang minuto ay natapos na ang pagkain namin, umiinom na lang ako ng juice ngayon at sila rin naman.

"Pare nga pala, mamaya sa bar invite ka naman ng bands?" Sabi no'ng Kyle kay Mr.BRG.

"Hindi ka pa ba kuntento sa mga babae mo ha?" Sabi niya at saka uminom ng orange juice niya.

"Ano ka ba naman, ha? Babae talaga.." awkward na natawa si Kyle at hinampas ang likod ni Mr. BRG dahilan para maibuga nito ang juice na iniinom.

Napapikit ako nang mariin sa sobrang inis sa demonyong lalaking 'to! Tama ba namang bugahan ka ng orange juice galing sa bibig niya?

Medyo nakaharap kasi siya sa akin kaya ako ang nabugahan niya ng juice niya nang hampasin ng engot na Kyle na 'to ang likod niya.

"Naku!" Nagpa-panic na sabi no'ng Harry na katabi ko. Kumuha siya ng tissue at ipapahid sana sa mukha ko pero pinigilan ko siya.

Tumayo na ako at inis na naglakad palayo sa kanya, ayokong magsalita baka kung ano pa ang masabi ko sa kanila.

"Sofia, sorry.." hinabol talaga ako ni Kyle at pinaharap sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango habang pilit pa rin na pinipigilan ang inis ko. "Ako ang may kasalanan, hindi si Ronnel.."

Humarap siya kay Mr.BRG na tila walang pake sa nangyayari.

"Mag-sorry ka rin Ronnel."

"Ayoko nga," walang kagatol-gatol na sabi niya at hindi na ako nakapagpigil pa at dali-dali akong nagpunta sa harap niya at hinampas ng malakas ang desk namin.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami lalo na't sobrang lagkit ko na.

"Ayaw mo? Eh 'di wag! Hindi naman ikaw kasi 'yung nabugahan ng juice na may laway ng ibang tao! Kung ayaw mo, ayoko rin sayo!" Sigaw ko sa kanya pero may naalala akong sasabihin ko dapat kaya humarap ulit ako sa kanya. "One more thing, I hate you!"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng pesteng cafeteria na 'yun!

Ayoko sa kanya, naiinis ako sa kanya, galit ako sa kanya . . I really hate him!

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon