Natutuwa ako sa mga wagas kong imagination eh.. Napakalawak! HAHAHAHA. Sige na nga, mag-aaupdate na ko. Masaya ko kahapon dahil kaya Anoh, tas badmood din ako dahil sa kanya din. HAHAHA. Lakas tama ko e noh? Tss.. To na nga..
ENJOY!! ^__^
--------------------
DJ’s POV
November na pala. Di ko namalayan ang buwan. Naka dalawang buwan na rin pala ko dito sa Pilipinas. Woooa. At malapit na din kameng mag3months ni Michelle. Dahil wala namang pasok, mapuntahan nga sa kanila. Syempre, kelangan kong maging gwapo. Bihis-bihis din. Konting ayos.. ok na. Madala nga ung kotse ko. Palabas na sana ko ng pintuan ng magsalita si..
Hey Kuya! Where are you going? Napaatras bigla ako e. Si Magui. Hinarap ko siya.
Secret. Bye. Saka ko siya tinalikuran.
Magaling na lalake. Shoot! Si Mommy yan. Hinarap ko naman siya. Pagkakita ko sa kanya, nakapamewang.. Tapos nakataas ang kilay.. Nilapitan ko..
Yes Ma?! ^___^ Nginitian ko siya ng malake.
Oi wag kang gumanyan. At san ka pupunta?!Tanong niya skin.
Eh sa gf ko. ^__^
Girlfriend? Yung Michelle ba yun? Tanong niya.
Yap. Kaya mauna na po ako wa.. Akmang tatalikod ako pero nagsalita siya ulit.
Heeep.. Aalis ka, ganon-ganon na lang? Saka di na masyado nagpupunta dito sa bahay si Kath wa. Baka naman nagkakatampuhan kayong magbestfriend dahil jan sa girlfriend mo!?!
Maaa, ok kame ni Kath. Gusto nyo itext ko si Kath tas papuntahin ko dito? Ayan lang siya oh.. Sabay turo ko sa bahay nina Kath.
Batang ito.. Eh pa ---
Ma, late na ko. Bye na po. Sabay kiss sa cheeks niya.
Oi, magaling na lalake, hindi pa--- Di ko na siya pinatapos, kumaripas agad ako ng takbo at dali-daling sumakay ng kotse. Pinaharurot ko agad to. Daan muna ko sa flower shop. Syempre, papaGOOD SHOT TAYO. After kong makabili ng bulaklak, diretso agad ako sa kanila. Pagkarating ko sa kanila, may nakita kong kotseng nakapark sa labas. Bumaba agad ako ng kotse.
Kanino kaya yung kotse na yun? Sabi ko. Agad akong nagpark. Bababa na sana ko kaso, nakita ko ng lumabas sina Michelle at may kasamang isang lalake? Pinanood ko lagn sila mula dito sa sasakyan. At nakita ko silang nagkiss. Bumaba na agad ako ng kotse after makaalis ng sasakyan nung lalake. Pumunta agad ako kay Michella bago siya makapasok ng bahay nila.
Michelle.. sabi ko.
Yeeeee---- DJ? Pagharap niya skin bakas pa sa muka niya ang kaligayahan pero ng malaman niyang ako yun, biglang nabago aura niya. Kanina ka pa? Palingon-lingon siya sa paligid.
Tapatin mo nga ako.. Sino yung lalakeng yun? Tanong ko sa kanya.
Ahhh… Ehh.. Wala yun..
Wala? Eh bakit kayo nagkiss!? Tanong ko. Ano mo yun? Pinagtataksilan mo ba ko? Naghanap ka pa ng iba.
Hey DJ, don’t talk to me like that. Wala lang nga talaga yun. Kung ayaw mong maniwala. Bahala ka. Bigla na lang siyang pumasok sa gate. Gara din nung babaeng yun e, siya tong may ginawang kababalaghan tapos siya pa may ganang magalit?! Tss. Sobrang inis ko, binalibag ko yung bulaklak na dala ko.
BINABASA MO ANG
My Guy Bestfriend..
FanfictionHave you ever had that one guy? yeah, you call him your [best friend] but really, you're in love with him?