Kabanata 5

9.9K 458 261
                                    


Kakaiba

Ilang araw na ang lumipas mula noong nagkasagutan si Harper at Hedia. Simula ng araw na iyon ay bumagabag na kay Harper ang sinabi ni Hedia na ginawa niya raw ngunit hindi niya naman naaalala ang bagay na sinabi nito. Maaaring nagkamali lang ito ng sinabi pero hindi.

Nakita niya ang gulat sa mga mata nito na para bang maging ito man ay hindi nito inaasahan na lalabas sa bibig nito ang mga salitang binitawan. Sa palagay niya ay may nangyayari na wala siyang kaalam-alam.

Hindi rin maalis sa isipan niya ang lalaking iyon.

Hindi niya mawari kung saan ito nanggaling. Ang sabi ni Hedia sa kaniya ay walang nakakaalam sa lugar na ito. Maging siya man ay hindi niya alam kung nasaang parte ba sila ng mundo.

Sino siya at bakit niya ako kilala?

Alam niya na hindi ito normal na tao dahil papaanong bigla na lang itong nawala sa gitna ng karagatan at kaya rin nitong lakarin iyon!

Hindi kaya, imahinasyon niya lang ang lahat? Baka naman namamalikmata lang siya dahil sa kagustuhan niyang makakita nang ibang tao? Pero parang hindi! Parang totoo ang lahat! Dahil kung imahinasyon lamang niya ang lahat ay hindi niyon maipapaliwanag kung bakit siya muntikan nang malunod. Hindi niya rin maalala ang sumunod na nangyari.

Ang daming katanungan sa isip niya na padagdag nang padagdag ngunit hindi man lang nababawasan. Wala man lang nasasagot kahit na isa. Punong-puno na ang utak niya sa mga katanungang walang sino man ang kayang makapagbigay ng kasagutan.

Simula ng araw na iyon ay hindi pa sila muling nakakapag-usap ni Hedia. Gusto niyang humingi ng dispensa rito dahil sa mga sinabi niya. Alam niya naman na may kasalanan din siya. Alam niya na may hinanakit ito sa kaniya. Siguro ay dapat muna nilang pahupain ang mga bagay-bagay para makapag-usap sila nang maayos.

Pero hindi niya kaya na matagal silang hindi nagkikibuan. Dalawa na nga lang sila rito sa isla tapos hindi pa sila magkikibuan. Siguro ay kakausapin niya ito mamaya kapag nakabalik na ito mula sa bayan.

Lumabas siya mula sa silid niya at lumiko papunta sa silid kung saan nakalagay ang lahat ng libro nila ni Hedia.

Pagpasok niya sa silid-aklatan ay bumungad sa kaniya ang medyo may kalumaan nang silid. Gawa rin sa lumang kahoy ang dingding at kisame nito. May mga lumang gamit rin na nakatambak dito.

Marami-rami na ang alikabok dahil hindi siya madalas pumapasok dito at hindi rin niya ito madalas nalilinisan. May sarili siyang maliit na lagayan ng libro sa silid niya kaya hindi siya madalas pumupunta rito. Mga lumang libro lamang ang nakatambak dito.

Halos lahat ay nabasa niya na ngunit matagal-tagal na rin iyon kaya naman nais niya sana na basahin muli ang ilan sa mga paborito niyang libro.

Umakyat siya sa ikalawang palapag na may mga nakatambak din na mga libro. Marami-rami na rin ang mga libro nila dahil nadadagdagan iyon sa paglipas ng mga taon. Mahilig siyang magbasa kaya naman parati siyang dinadalhan ni Hedia ng libro kapag umuuwi ito galing bayan.

Lumapit siya sa ika-apat na pangkat para mamili ng libro. Ang lahat ng narito ay nabasa niya na at may kalumaan na. Nakita niya ang isa sa mga paborito niya at madalas niyang basahin noon. Kinuha niya ito ngunit nang inalis niya ito sa lagayan ay may nakita siyang nakakubling libro sa likod.

Mukhang luma na at napakakapal pa nito. Mas luma pa ito kumpara sa ibang libro na naririto. Ngunit sa pagkakaalala niya ay ngayon niya lang nakita ang librong ito at hindi niya pa nababasa.

Pinagpagan niya ang libro para maalis ang mga nakadikit na alikabok. Napaubo siya nang nalanghap niya ang may kakapalan na alikabok. Tiningnan niya muli ang libro.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon