Kabanata 15

5.3K 253 65
                                    


Laban

Nakapalibot kay Maria ang itim na usok at hindi niya makita nang maayos ang paligid. Nasa isang abandonadong gusali siya sa gitna ng kagubatan.

Nagpakawala siya ng hangin galing sa mga kamay niya para mawala ang itim na usok pero napalitan lang iyon ng panibago.

Wala siyang makita! Inilibot niya ang paningin niya para hanapin si Lian pero hindi niya ito nakita. Siguro nga ay tumakas na ito gaya nang sinabi niya.

Pabalik na sila ng isla kung saan nila dinala si Harper nang nakasalubong nila ang kalaban. Alam niya na sinusundan sila nito. Hindi siya nagkamali dahil nakasalubong nila ito sa gubat.

Alam niya na hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha si Harper pero hindi siya papayag na magtagumpay ito sa mga plano nito.

Napasinghap siya at mabilis na napaluhod nang bigla na lang may tumamang malamig na bagay sa likod niya. Bumakas agad sa mukha niya ang naramdamang sakit.

Umikot ang yelo sa katawan niya at kinulong siya nito sa lamig.

Ramdam na ramdam niya ang mainit na lamig na dala ng yelo. Halos manginig ang buong katawan niya dahil doon. Alam niya na kaya niya ang lamig dahil may kapangyarihan naman siya ng apoy pero kakaiba ang yelong ito!

Sinubukan niyang paganahin ang apoy niya. Hindi niya nagawa noong una pero sinubukan niya ulit at binigay niya ang lahat ng makakaya niya. Nilakasan niya ang loob niya at sinubukan na muling tunawin ang yelong nakapalibot sa katawan niya at hindi naman siya nabigo.

"Magaling, magaling. Impressive," ani nang malalim na boses sabay palakpak. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"If you don't want to die, why not tell me, kung saan mo siya itinago?" anito saka nagpakita sa kaniyang harapan. Tiningnan siya nito nang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Wala akong sasabihin sa 'yo," mariin niyang ani rito. Agad na may pumulupot sa leeg niya. Sinasakal siya nito mula sa likod gamit ang isang bakal na unti-unting humihigop ng lakas niya.

"I will not think twice in killing you... Sister," anito saka tumawa.

Alam niya. Alam na alam niya na kaya siyang patayin ng kapatid niya dahil wala itong puso at kaluluwa. Wala itong awa. Kaya siya nitong patayin dahil nasa pangangalaga nito ang makapangyarihang sandata na maaaring pumatay sa kahit na sino mang imortal. Kaya siya nitong patayin kagaya nang pagtapos nito sa buhay ng kanilang mga magulang.

Umikot siya at agad na sinipa nang malakas ang tiyan nito. Tumilapon ito at nawala ang usok na nakapalibot sa kanila.

Bago pa man ito makatayo ay agad niya itong tinapunan ng mahika na nagkulong dito.

Tumayo ito at ngumisi. Ang mga kamay niya ay nakagiya pa rin sa direkyon nito para hindi mawala ang salamangkang nilagay niya.

"Sa tingin mo ba talaga ay mapipigilan mo ako? Come on! Come to your senses, my dear sister. Alam mo na hindi niyo siya kailanman mapapakinabangan. She will only be your greatest nightmare—"

"—Our nightmare," putol niya saka nginisihan ito. "Alam ko 'yon at hindi ko 'yon kahit kailan makakalimutan. Pero mas mabuti nang nasa amin siya at hindi sa inyo. Siguro nga, makakasama siya sa amin pero naniniwala ako na mawawala ang sumpa. Hindi magiging totoo ang nakasaad sa propesiya. Mananaig pa rin ang kabutihan."

"Oh, Dear. Cut the crap. I might vomit if you'll continue what you're saying. Nag-aaksaya ka lang ng panahon. Alam natin na hindi kailanman nagkamali ang mga nakasulat sa propesiya. Baka nakalimutan mo na nanggaling ka sa angkan natin. Nasa panig ka lang nila ngayon pero tandaan mo pa parehong dugo ang nananalaytay sa 'tin. Hindi ko man siya makuha ngayon, may iba pa ring kukuha sa kaniya. Just be sure, na kakampi mo ang lahat ng nasa paligid mo."

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon