Kabanata 21

3.6K 176 5
                                    

Kalaban

Naririnig ni Harper ang mga yabag ng paa na parang papalapit sa lugar kung saan siya nakakulong. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kaniya. Hindi niya man lang alam kung nasaan siya.

Sa tingin niya ay ilang oras na rin ang lumipas mula nang umalis si Greta pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik.

Hindi niya na alam kung may plano pa itong balikan siya.

Sana ay hindi siya nito nakalimutang balikan. Pero paano kung nadakip na rin ito ng mga nagkulong sa kaniya kaya hindi na siya nito mababalikan?

Ang mga yabag na papalapit sa kaniya ay unti-unting nawala. Sa tingin niya ay tumigil na ang mga iyon pero hindi niya alam kung saan.

Pagkalipas nang ilang sandali ay muli niya na namang narinig ang mga ito.

Sa tingin niya ay marami na ang mga ito ngayon!

Saan ang mga ito patungo? Kung sa kaniya man ay tiyak niya na hindi siya makakatakas sa kamay ng mga ito!

Tumigil muli ang tunog na iyon. Kasunod niyang narinig ay ang pagbukas ng bakal na pintuan. Tiningnan niya ang pintuan kung saan siya nakakulong ngunit hindi iyon bumukas. Ibig sabihin ay sa ibang silid ang mga ito pumasok.

Napapikit siya at marahas na napabuga ng hangin.

Akala ko ay ako na ang pupuntahan nila—

"H'wag!" Bigla siyang napamulat nang narinig niya ang boses ng babaeng sumigaw.

Ang boses nito ay nanggagaling lamang sa kabilang silid!

"Hindi! Please, h'wag! Maawa kayo sa 'kin!" sigaw pa nito muli. Nanginginig ang boses nito na parang takot na takot.

Bumulusok ang kaba sa dibdib niya.

"Bilang parusa sa pagtataksil mo at pagpanig sa Hallucinatra, napagkasunduan ng mga nakatataas na alisin sa 'yo ang iyong kapangyarihan. Puputulin din ang iyong mga kamay upang hindi ka na muli pang makagamit ng kahit anong mahika na pwede mong matutunan. Panghuli, susunungin ang kalahati ng katawan mo gamit ang kapangyarihang ginamit mo laban sa ating angkan."

"No! Hindi pwede! Maawa kayo! N-Nagsisisi na ako! Hindi ko na uulitin. Patawarin niyo ako!"

Ano? Nanigas siya at parang tinakasan ng dugo.

Ang bigat naman ng parusang ipinataw ng mga ito! Napakalupit!

Nanginginig siya. Ayaw niya! Wala siyang kasalanan! Baka gawin din sa kaniya ng mga ito ang gagawin ng mga ito sa babae dahil alam niya na may rason kung bakit din siya ikinulong dito.

Hindi na siya makapag-isip nang maayos. Ang gusto niya lang sa ngayon ay ang makaalis dito. Sinubukan niyang alisin ang kadenang nakapulupot sa kamay niya pero hindi niya talaga ito maalis!

Ayoko na rito!

"Ah!" malakas na sigaw ng babae.

Ayoko na! Gustong-gusto niyang takpan ang tenga niya para hindi niya marinig ang sigaw nito at hinaing pero hindi niya maabot ang mga tenga niya dahil sa mga kadena.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang ang babae naman ay patuloy pa rin sa pagsigaw dahil sa sakit.

Pilit na sumisiksik sa utak niya ang ginagawa ng mga ito sa babae. Napakawalang hiya ng mga ito! Mga walang awa!

Ang kaninang madilim na lugar ay naging maliwanag na dahil sa apoy na ginagawa ng mga ito. Sa tingin niya ay walang puso na nitong sinusunog ang babae. Wala bang kaluluwa ang mga ito at kayang gawin ang bagay na iyon?

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon