Kabanata 29

2.9K 102 15
                                    


Sakit

"Nakakamangha!"

Hindi maipaliwanag ni Harper ang pagkamanghang naramdaman niya. Ngayon lang siya nakakita nang ganito.

Kitang-kita sa bahaging kinatatayuan nila ang ang halos buong Fairlea. Dinala siya ni Zeid sa isang mataas na bundok pero patag ang nasa taas. Wala masyadong mga puno pero hindi mainit at marami ring tao na tumatambay rito.

Kahit sino ay mamamangha sa lugar na ito. Pwedeng dito na lamang siya tumira. Hindi sapat ang ilang araw para malibot niya ang buong lugar sa Fairlea.

"Where do you want to go first?"

"Ha?"

"Sa'n mo gustong unang pumunta?"

"Hindi ko alam! Ang dami naman kasing mamagandang lugar dito."

Hindi talaga siya makapili. Pero gustong-gusto niya na ipasyal siya ni Zeid kahit saan basta kasama niya lang ito.

"Nasaan na ba tayo, Zeid? Saka alin ba ang mas magandang puntahan?" tanong niya kay Zeid habang nakatingin pa rin sa ibaba.

"Marami na ring nagbago sa lugar na 'to. 'Yon..." turo nito sa may bahaging hilaga, "That place is called, Rayland City."

Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita niya ang pagkakaiba ng mga lugar. Ang tinuro nitong Rayland City ay natatabunan nang puti na niyebe at kakaunti lang ang mga bahay na katamataman lang ang mga laki. Hindi rin masyadong marami ang mga puno.

"Malamig sa lugar na 'yon. 'Yon naman..." Turo nito sa katabi nitong bayan, "That's the Witches Meadow. Sa karanasan ko, medyo hindi maganda ang lugar na 'yan. Maraming nagkalat na spell sa paligid. So better not go in there."

Nakakatakot naman pala iyon. Iyong kahit saan ka tumingin ay hindi natural ang mga bagay-bagay. Kung sa bagay, hindi naman normal ang lahat ng naririto sa Fairlea, base sa mga nakikita niya.

"'Yon naman ang Bethehiel City, lugar ng mga manggagamot. Nakikita mo 'yon?" turo nito sa bahaging malawak na taniman. "That's their magical garden."

"And there..." Turo nito sa kabilang bahagi, "That's Vercoast." Turo nito sa bahagi kung saan malawak ang sakop ng dagat na kulay bughaw. Ang lugar na iyon ay sakop ng dagat ang walang mga bahay sa paligid.

"Anong meron doon? Ba't tubig lang?"

"That's the place of the mermaids and other sea creatures."

Mermaids? Gusto niya iyon. Kaso natatakot siya sa mga ito. Ang sabi ni Lian sa kaniya ay hindi naman daw katulad ng sa mga libro ang hitsura ng mga sirena.

"And this place is called Fairbell, the center of Fairlea. Sari-sari ang mga nakatira rito. Nakatayo rin dito ang mga magic schools and training centers. Nakikita mo 'yon?" Turo nito sa napakataas na gusali na parang kaharian ng mga prinsesa at prinsipe. Gawa iyon sa kayumangging kulay na bato at napakataas din niyon. Maraming matataas ang malalaking bintana sa gusaling iyon. May nakita rin siyang kampana sa pinakataas na bahagi.

"Doon nag-aaral si Lian." Umaliwalas ang mukha niya. Gusto niya rin doon! Gusto niya ring mag-aral doon. Papayagan kaya siya ni Hedia? Pero wala naman siyang kapangyarihan.

"Marami rin namang pasyalan dito. I suggest na dito na lang tayo," dugtong nito.

Mas mabuti nga 'yon kaysa sa lumayo pa sila. Hindi rin naman siya kampante roon sa ibang lugar na sinabi nito.

"Let's eat first," sabi nito at hinawakan ang kamay niya. Napatulala na lang siya kay Zeid habang hinihila siya nito.

Bakit ganoon? Wala namang espesyal sa ginagawa ni Zeid pero ang lakas ng tibok ng puso niya. Nagpapawis din ang mga kamay niya sa ginagawa nitong paghawak sa kaniya. Pasimple niyang inalis ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan iyon.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon