Kabanata 38

3.1K 97 7
                                    


Galit ni Zeid

Nanginginig ang mga kamay ni Lian habang hawak si Maria na naging bato na sa bisig niya.

Bakit ba 'to nangyayari? Hindi 'to dapat nangyayari!

Gusto-gusto niyang galawin ito pero pinigilan niya ang sarili niya. Natatakot siya. Takot na takot. Paano kung bigla na lang itong mabasag? Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kay Maria kapag ginawa niya iyon. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang bagay na 'to kahit kailan. This was beyond her imagination!

"T-Tita..." tawag ni Lian kay Maria kahit na alam niyang hindi na siya nito naririnig at hindi na rin siya nito masasagot. Kahit kailan ay hindi niya na makikita pa muli ang nakangiti at galit nitong mukha. Hindi niya na ito makikita pa muli. Hindi niya alam kung bakit kay Maria pa nangyari ito. Isa si Maria sa mga pinaka makapangyarihang salamangkero at napaka importante ng buhay nito kumpara sa kung sino man.

Parang nagkaroon nang malaking butas ang puso niya. Itinuring niya nang pangatlong ina si Maria. Nasasabi niya rito ang mga bagay na hindi niya nasasabi sa mga magulang niya at sa Lola Greta niya. Ito rin ang isa sa mga taong umalalay sa kaniya no'ng mga panahon na lugmok siya at pinagtatabuyan siya ng mga katulad niya dahil sa takot ang mga ito sa kaniya.

Ang sakit-sakit ng pakiramdam niya na bigla na lang siya nitong iniwan. Marami pa siyang gustong sabihin na hindi pa niya nasasabi rito. Gusto pa niyang humingi ng tawad sa mga naging kasalanan niya rito pero huli na ang lahat.

Sunod-sunod niyang pinahiran ang mga luha niya saka niya ito dahan-dahang binaba sa damuhan, sa takot na baka mabasag ito. Pero parang ang puso naman niya ang nababasag habang nakikita niya ang naging bato na nitong mukha. Maging ang huling patak ng luha nito ay naging bato na rin sa pisngi nito.

"Mabuti naman at wala na ang isa sa mga sagabal sa mga plano ko." Naiyukom niya ang mga kamay niya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng isang taong gusto niya nang mawala na sa mundo.

Sigurado siya. Sigurado siyang may kinalaman ito sa nangyari kay Maria!

Dahan-dahang tumayo si Lian saka lumingon sa kaniyang likuran. Marahas niyang tinuyo ang mga luha niya saka ito matalim na tiningnan.

Gusto niyang magwala! Nag-iinit ang buong katawan niya. Gusto niyang sumabog. Gustong-gusto niya itong tirisin nang pinong-pino. Gustong-gusto niya itong sunugin para mamatay agad. Hindi sapat ang buhay nito kapalit ng pagkamatay ni Maria.

Tiningnan niya ito na nakatayo malapit sa kaniya. Nakapaskil ang nakakainis na ngisi sa mukha nito para ipakitang masaya pa ito sa mga nangyayari.

"Pa'no mo nagawa 'to?! Kapatid mo siya!" nanggigigil niyang sigaw rito. Halos pumutok ang mga ugat niya sa sobrang galit kay Argus. Nanginginig ang buong katawan niya. Mula paa hanggang ulo, nag-iinit siya. Nagsisimula na ring dumilim ang paningin niya.

"Bakit?!"

"Lian, Lian," ani Argus na parang nang-aasar pa. "Kapatid? Hindi ko na siya kapatid simula nang tinalikuran niya kami. Sumama siya na inyo. Sa inyo na mga walang kwenta." Tumawa ito nang malakas.

Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala itong karapatan na laitin ang mga kalahi niya at lalong-lalo na wala itong karapatan na patayin si Maria. Wala!

"You fucking monster! Hindi kita mapapatawad! Papatayin kita!" sigaw si Lian. "Ah!" Hindi niya na napigilan at tuluyan na nga siyang nilamon ng apoy.

Ang init na nararamdaman niya na dumadaloy sa dugo niya ay mas uminit pa pero hindi siya nito napapaso.

Tuluyan nang lumagablab ang buong katawan ni Lian. Maging ang mga puno malapit sa kinatatayuan niya ay lumiyab na rin. Nagbabaga ang kaniyang mga mata at ang buhok niya ay tuluyan nang naging kakulay ng pulang apoy.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon