Kabanata 10

7.3K 333 150
                                    


Kakaiba sa lahat

"Naniniwala ka ba sa magic? Mahika?"

Napapikit si Harper nang mariin sa tanong ni Maria. Bakit ba siya nito tinatanong ng mga ganoong bagay?

Pero mas mabuti nga na tinanong lang siya nito. Hindi katulad ng maglola na dinaan pa siya sa dahas. Hindi niya alam kung kakayanin niya pa kapag sinubukan siya ulit ng mga ito.

Nanatili lang siyang tahimik. Yumuko siya at tiningnan na lang ang mga kamay niya.

"Harper, Iha. Makinig ka—"

"Maria! Maria! Are you here? Where are you?" Hindi na naituloy ni Maria ang sana'y sasabihin nito nang narinig nila iyon.

Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses at hindi siya makapaniwala nang nakita niya si Greta at kasama pa nito si Lian.

Kapwa nanlaki ang mga mata nila nang nakita nila ang isa't isa.

Bakit parang napakaliit naman yata ng mundo at nagkita ulit sila?

"Harper?" Unang nakapagsalita si Greta matapos ang pagkabigla nito. "Bakit ka nandito? Pa'no ka napunta rito?" tanong nito sa kaniya.

Lalapitan sa sana siya nito pero agad siyang nagtago sa likod ni Maria na parang bata. Natatakot siya na baka kung ano na naman ang gawin ng mga ito sa kaniya.

"Anong nangyayari rito, Maria?" tanong ni Greta kay Maria saka muling bumaling sa kaniya. "Paano ka napunta rito?"

Hindi siya sumagot at ganoon din si Maria. Lumingon si Maria sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na nanlalamig.

"H'wag kang matakot sa kanila, Harper. Hindi ka nila sasaktan."

Hindi? Nasasabi lang nito iyon dahil hindi nito alam ang nangyari.

"Harper, s-sorry! I'm really sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya," sabad ni Lian.

"You also ignored my explanations. Hindi mo ako pinatapos no'ng huli tayong nagkita," ani Greta. Bakas ang pagkainis sa mukha nito.

"Nagkakilala na kayo?" tanong ni Maria.

Wala sa sarili siyang tumango.

Ano na ba itong napasukan niya?

---

Ilang oras nang pagulong-gulong si Harper sa kama pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Nang natapos ang usapan nila ay nagpasya si Maria na rito na lang daw muna siya pansamantalang titira habang hinahanap ng mga ito ang kaniyang tiyahin. Gusto niyang pigilan ang mga ito dahil ayaw niya muna sanang bumalik ng isla pero alam niya na wala siyang laban sa mga ito at hindi niya kayang pigilan ang mga ito sa kung ano man ang gustong gawin ng mga ito. Marami siyang gustong malaman at sa tingin niya ay ang mga ito lang ang makakasagot sa kaniya.

Hindi rin siya makatulog dahil sa pag-iisip sa lahat nang isiniwalat ng mga ito sa kaniya.

"Handa ka na ba, Harper?" Hindi siya tumugon.

"Ayokong pangunahan si Hedia pero ayokong makasama ka namin na wala ka man lang idea sa mga nangyayari. Hindi ko naman sasabihin sa 'yo ang lahat. Si Hedia na lang ang mag e-explain sa 'yo nang ibang bagay ." Tumango na lang siya sa sinabi ni Maria.

"Sa tingin ko ay hindi tama 'to, Maria. Paano kung hindi magustuhan ni Hedia 'to?" tanong ni Greta.

"Wala na tayong mapagpipilian, Greta. Kailangan niyang malaman 'to para hindi siya maguluhan habang kasama niya tayo."

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon