Kabanata 31

2.9K 100 2
                                    


Tulong

Halos mamanhid ang kaliwang pisngi ni Maria dahil sa pagkakasampal ni Hedia.

"Mga walang hiya kayo. Sa oras na may mangyaring masama kay Harper, ako mismo ang papatay sa pamangkin mo!" asik nito sa kaniya.

Alam niyang galit ito at hindi niya ito masisisi. Pero hindi ito dapat sa kaniya nagagalit. Wala siyang alam sa plano ni Zeid at kung alam man niya ay hindi niya susuportahan ang gusto ng pamangkin!

"Ilang beses ko nang ipinaliwanag sa 'yo, Hedia. Wala akong alam sa iniisip at binabalak ni Zeid!" mariin niyang balik kay Hedia. "Hindi dapat tayo ang nag-aaway rito. Parehong kapakanan lang ni Harper ang iniisip natin!"

Tiningnan ni Maria ang nag-aalab na mga mata ni Hedia. Alam niyang sobrang pag-aalala ang nararamdaman nito ngayon. Kahit siya man. Natatakot siya para kay Harper pero kailangan niyang maging matatag!

Mabilis na lumapit si Hedia sa kaniya saka mahigpit na sinakal ang leeg nito. Ramdam na ramdam niya ang galit nito at hindi niya gustong mag-away sila.

"Paano ko paniniwalaan ang sinasabi mong iyan gayo'ng kalahi mo ang magpapahamak sa kaniya, ha?!" Nagtagis ang panga nito. "Kaibigan kita, Mithrellas pero sa oras na mamatay si Harper ay hindi kita sasantuhin," mariing ani Hedia na halos manuot na kaibuturan niya, saka ito biglang naglaho.

Mabilis siyang humagilap ng hangin at napatingin kay Lian na ngayon ay nakatulala lang habang nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang gulat at takot. Alam niya na dahil iyon sa nakita nitong galit ni Hedia. Alam niyang kayang-kayang gawin ni Hedia ang mga banta nito.

Inialay ni Hedia ang buong buhay nito sa pag-aalaga at pagprotekta kay Harper kaya sigurado siyang makikipagpatayan ito, mailigtas lang ang pamangkin nito.

"T-Tita...kailangan nating iligtas si Harper." Maayos siyang tumayo saka mabilis na lumapit sa kay Lian.

"Oo, Lian. But we need help. Hindi natin kakayanin na tayo lang dahil marami sila. Ngayon pa na galit na galit si Hedia. Siguradong hindi siya sasama sa atin."

"P-Pero, Tita... what if, nagawa na nila ang pakay nila? What if, nabuhay nila si G-Gazrad? 'Yong ama ni Zeid? What will h-happen to us?"

Lumunok siya. No. That will never happen.

"H'wag mo nang isipin iyon. Hindi pwedeng magtagumpay ang balak nila Argus dahil kapag napabalik nila si Gazrad ay siguradong mapapasailalim ang lahat sa kaniya at wala na tayong magagawa pa." Pumikit si Lian. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan ni Lian dahil sa takot.

Hindi alam ni Maria kung huli na sila o kung ano na ang nangyayari. Dalawang araw na simula nang nawala si Harper at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matunton ang kinaroroonan nito.

Niyukom niya ang mga kamay at tiningnan ulit si Lian. "Listen. Hanapin mo si Greta. Magkita tayo mamayang hapon sa boundary ng mga babaylan at mga tao. Pupunta tayo sa disyerto. Hindi natin kakayanin na tayo lang kaya hihingi na ako nang tulong. Wala na tayong ibang pwedeng kapitan."

Alam niyang hindi dapat at mali itong desisyon niya pero wala na siyang maisip na paraan. Ang importante ay mailigtas nila si Harper at saka niya na lang poproblemahin ang pwedeng maging kapalit niyon.

Alam niyang pwede pa ring mapahamak si Harper dahil sa gagawin niya pero...

Nakita niya ang pagtango ni Lian. Maharan niyang hinawakan ang balikat nito saka tumalikod. Pumikit siya at sa pagmulat niya ay nasa harapan na siya ng pakay niya.

Tiningnan ni Maria ang babaeng nakatayo sa harapan niya. May hawak itong kopita sa kanang kamay nito. Ang silk nitong bestida ay halos umabot na sa sahig. Ang maalon nitong buhok ay malayang nakalaglag sa balikat nito.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon