Kabanata 17

4.6K 212 42
                                    


Kahilingan

Ngayon lang si Harper nakakita nang hubad na katawan ng isang lalaki sa personal!

Parang tumaas ang dugo niya papunta sa mukha niya. Nag-iinit din ito. Pakiramdam niya ay pulang-pula na siya.

Hindi niya maalis ang paningin niya rito. Maganda ang hubog ng katawan ni Zeid o nasasabi niya lang iyon dahil ngayon lang siya nakakita ng mga bato sa katawan ng lalaki.

Napatulala na lang siya rito. Mahinang naglakad si Zeid papunta sa kaniya. Para itong modelo nang isang magasin.

Tumigil ito sa harap niya at pumitik.

"What?" masungit nitong tanong. "Kung makasigaw ka naman. What now? Hindi ka pa ba lalabas? Sasama ka sa akin na maligo?" dagdag pa nito.

"Ha?"

Maaari bang magsama sa paliligo ang lalaki at babae?

Ano 'yon? Sasabunan ng lalaki ang likod ng babae o baligtad?

"Pwede ba iyon?" natutop niya ang kaniyang bibig nang magsalita siya.

Hindi niya akalain na lalabas sa bibig niya ang akala niya'y iniisip niya lang!

Tumaas ang sulok ng labi nito na para bang nagpipigil itong tumawa. Wala naman yatang nakakatawa sa sinabi niya.

Parang kanina lang ay masungit ito tapos ngayon tumatawa na. Marahil ay nababaliw na ito.

"Lumabas ka na. Hintayin mo 'ko sa sala. Nagluto na ako kaya mauna ka nang kumain. May pupuntahan tayo pagkatapos," sabi nito at nilagpasan siya. Dumiretso ito sa banyo na nasa loob lang din ng silid nito.

Nang makapasok ito sa banyo ay agad siyang lumabas.

Hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang napahiya sa harap ni Zeid. Kung sana ay hindi siya natutulala kapag narito ito.

Habang naglalakad siya ay hinawakan niya ang kaniyang mukha na nag-iinit dahil sa sobrang hiya. Hindi niya na dapat tinanong iyon. Iniling niya na lang ang kaniyang ulo.

Tumayo siya nang tuwid at pilit na inalis sa isipan niya ang nakita niya kanina. Pagkaliko niya sa kaliwa ay nakita niya ang hagdan kaya agad siyang bumaba.

Pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan niya ay sakto namang bumaba si Zeid. Ang bilis naman nitong maligo.

Naroon pa rin ang naglalaro nitong tingin kaya naman siya na lang ang umiwas.

Inabot nito sa kaniya ang isang sombrero at pang-ipit ng buhok.

"Pin your hair. Itago mo 'yang buhok mo para walang makakilala sa 'yo."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay naglakad ito papuntang sala. Umupo ito sa sofa saka tumingin sa kaniya.

"Go ang change. May pupuntahan tayo."

"Ngayon na?"

Napailing ito sa tanong niya. Bakit? Nagtatanong lang naman siya.

"Tsk. Oo, dalian mo."

Tumango na lang siya at hindi na nagsalita. Umakyat siya ng hagdan. Nasa gitna pa lamang siya nang naisip niya na wala pala siyang dalang damit dahil biglaan lamang at hindi inaasahan ang pagpunta niya rito.

Pababa na na siya nang narinig niya ang boses ni Zeid.

"May damit sa loob ng cabinet. 'Yon na ang gamitin mo."

Baka naman damit iyon ni Lian.

Pagpasok niya sa silid ay agad niyang binuksan ang cabinet. Marami ngang damit ang narito at halos lahat ay gusto niya. Ito ang mga tipo niyang damit.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon