Kabanata 33

2.9K 93 9
                                    


Gusto

"Tita... what are we gonna do?" tanong ni Lian kay Maria, habang nakatingin sila kay Harper.

Ilang araw na ang nakalipas nang sabihin ni Hedia ang lahat kay Harper at simula ng araw na iyon, hindi na nila ito nagawang makausap nang matino.

Kahit ang tiyahin nito ay hindi nito kinakausap. Kahit sino sa kanila ay hindi nito magawang kausapin. Nakatulala lang ito palagi sa kawalan. Minsan naman, nakikita na lang ito ito na lumuluha at bigla na lang iiyak. Ni hindi na ito kumakain nang maayos.

Hind niya na alam kung anong gagawin niya kay Harper. Naaawa siya sa kalagayan nito ngayon. Parang naging ibang tao na ito. Hindi na ito ang nakilala nilang Harper o Mellania noon.

"Hindi ko alam, Lian," ani Maria. Bumuntong-hininga ito saka tiningnan si Harper.

Sinubukan kausapin ni Lian ang kaibigan pero wala siyang kahit anong salita na narinig mula sa rito. Ni hindi siya nito magawang tingnan.

Naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito. Alam niya na malaki talaga ang epekto ng mga nalaman nito.

Knowing the reason of her existence is a complete torture—emotionally. Kaya nga kahit na anong mangyari ay hindi sila dapat mawala sa tabi ni Harper. Lalo pa ngayon na sobrang tahimik ng dalaga at palagi na lang itong nakaupo sa isang tabi. Hindi nila alam kung ano ang iniisip nito.

"H-Hindi pa siya kumakain, Tita. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya," sabi niya kay Maria. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. May tumulong luha sa pisngi niya kaya mabilis niya iyong pinahiran.

Hindi niya i-de-deny ang katotohanan na muntikan niya nang mapatay si Harper nang malaman niya ang totoo. Sobra ang galit na naramdaman niya rito na dumating sa puntong ginusto niya talaga itong mamatay kahit na sobra nang nagkalapit ang mga loob nila.

I don't want to live without my magic. I can't. I just can't. No one knows the pain and torture that I've suffered just to be in my place today. Pinaghirapan niyang pag-aralan ang mga bagay na alam at kaya niya ngayon.

Ayaw niyang tapusin ang mga bagay na meron siya ngayon. Ayaw niya pang mamatay. Hindi pa siya handa—Hindi siya kahit kailan magiging handa. Ayaw niya ring mamatay ang pamilya niya kaya siya nadala ng emosyon niya. Kaya siya nagpadalos-dalos na hindi nag-iisip.

Noon, hindi niya naintindihan ang dahilan kung bakit pa nila pinoprotektahan si Harper kung ito lang naman ang papatay sa kanila—sa kanilang lahat. Alam niya na wala itong ititira.

Kapag dumating ang araw ng ika-dalawampung kaarawan ni Harper, mag-iibang anyo na ito. Iyon ang nakasulat sa propesiya. Isa-isa nitong hihigupin ang lahat ng kakayahan ng mga salamangkero sa buong mundo. Walang kahit na sino man ang makakapigil dito, kahit pa ang pinakamalakas na salamangkero. At ang mga imortal na matagal nang nabubuhay sa mundo ay tatanda, malalagas at agad na mamamatay.

That's our worst end. A terrible one.

Sila ang unang mamamatay. Susunod naman ang ibang mga salamangkero. Wala itong ititira na kahit na sino.

The world will be cleaned and the existence of magic will be forgotten.

The existence of magic will be left as a fantasy—a myth. That was written in the prophesy and the prophesy had never been wrong.

Ayaw ni Lian mangyari ang mga bagay na iyon pero isang bagay lang ang pinaintindi sa kaniyang ng kaniyang lola. Hindi man sila papalarin na magtagal sa mundo, pero ginawa nila ang kanilang misyon. Iyon ay ang mahalin at protektahan ang mga taong naging importante sa kanila. Nag mga taong naging rason kung bakit patuloy silang nabubuhay. Kung bakit naging masaya ang mga oras na nabubuhay sila sa mundo.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon