Kabanata 23

3.6K 154 23
                                    

Paglinlang

"Ate, nakita mo ba si Tiya?" Kanina pa kasi hinahanap ni Harper ang kaniyang tiyahin pero hindi niya ito makita sa buong bahay. Halos nalibot niya na nga ang lahat ng sulok nitong lugar pero hindi niya pa rin ito nakita. Siguro ay lumabas ito.

"Uh, yeah. She went out with Tita. May pupuntahan daw sila, eh," ani Lian habang patuloy pa rin sa pagkalikot ng telepono nito.

Hindi niya rin nakita si Maria at Greta. Marahil nga ay lumabas ang mga ito, pero saan na naman ang mga ito pumunta?

Ilang araw na rin silang hindi nag-uusap ni Zeid, kagaya nga nang sinabi niya rito na mag-iwasan na sila. Hindi naman siya nito binigo dahil sinunod naman nito ang pakiusap niya. Paminsan-minsan nga ay naiisip niya na mali siya. Mali na sinabi niya 'yon kay Zeid. Pero hindi dahil magkakasakitan lang sila. Pareho lang silang aasa sa wala.

Umupo siya sa tabi ni Lian at tumingin sa harapan. Nanood rin ito sa telebisyon.

Matagal na siyang nakalabas ng isla ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita ang ibang parte ng mundo. Akala pa naman niya ay makakapasyal na siya sa ibang lugar kapag nakalabas na siya ng isla pero kabaligtaran pa ang nangyari.

Tiningnanniya si Lian. Hindi naman pala ito nanonood. Abala ito sa pagkalikot ng telepono nito.

"Ate, may tanong pala ako. Kilala mo ba si... ah... M-Mellania?"

Bigla itong lumingon sa kaniya. Nalaglag din ang hawak nitong telepono. Agad niya itong pinulot at binigay rito.

Bakit mukha itong nagulat?

"H-How, h-how... I mean, how did you know her? Paanong... magkakilala ba k-kayo? Do you know w-where she is?" Ang konsentrasyon ni Lian ay nasa kaniya na ngayon nakatutok.

"A-Ah... hindi naman. Nai-kwento lang ni Zeid sa akin."

"Did he tell you that you look like her? I mean, hindi naman talaga ikaw pero kasi p-pareho kayo kung magsalita at kumilos."

"Ah, oo sinabi nga niya. Magkakilala ba kayo, Ate?" Puno ng antisipasyon ang dibdib niya. Kinakabahan siya sa maaari niyang malaman.

Gusto niya sanang kalimutan na lamang ang tungkol kay Mellania pero hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang malaman kung sino ito at ang tungkol dito.

Bumuntong-hininga ito.

"Yes. Kilala ko na si Zeid simula ng bata siya. Actually, ako ang unang nakakilala kay Mellania. Nakita niya akong nagpa-practice sa forest na malapit lang sa City. Eventually, we became friends. Pinakilala ko siya kay Zeid, then boom! Nagka-love story pa 'yong dalawa."

Kung ganoon, totoo nga ang sinabi ni Zeid. Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Ang lahat ng ito ay bago sa kaniya.

"M-Magkamukha ba talaga kaming dalawa?"

"Sa totoo lang, oo na hindi." Nagkibit-balikat ito. "I'm not really certain about it. Hindi ko alam kasi, after niyang mawala, parang nabura ang mukha niya sa alaala namin. Kahit si Zeid, hindi na maalala nang maayos ang mukha niya. Basta ang hirap e-explain. I feel frustrated remembering it. I don't know how it happened. Pero sa tindig and everything, parang ikaw siya. But it's impossible right?"

Tumango siya. Imposible naman talaga. Sobrang imposible. "N-Nasaan na siya ngayon?" Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling magkaharap sila ni Mellania.

Nagkibit-balikat ito. "No one knows. Parang panaginip nga lang ang lahat. Bigla na lang siyang nawala. Ang sabi ni Zeid, umalis daw ang babaeng 'yon dahil hindi raw nito kayang sumama kay Zeid habang buhay. Naiintindihan ko naman si Mellania dahil bata pa siya noon. Alam kong padalos-dalos din siya sa desisyon niya.That girl stayed with us for a year. Noon ko nga lang nakitang naging masaya si Zeid, and it's because of her. Nasa batas kasi namin na hindi pwedeng makipagrelasyon ang isang mortal na walang kapangyarihan sa mga katulad namin. Oh, two years ago nangyari 'yon. I think, 16 is girl and loo—" nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Oh, my gosh! Akalain mo 'yon, magka-age pa kayo! Grabe naman ang coincidence, ha."

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon