Kabanata 14

5.3K 258 80
                                    


Salamat

"Bakit? B-Bakit sa ganitong lugar niyo ako dinala?" tanong ni Harper. Ginala niya ang kaniyang paningin. Dinala siya ng mga ito sa isang lugar na napapalibutan ng tubig.

Tubig!

Nahihibang na ba ang mga ito? Pinaglalaruan ba siya ng mga ito?
"Bakit dito?"

"Mas ligtas dito at walang makakahanap sa 'yo rito."

"Nagbibiro lang kayo, 'di ba? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo noon pa na sa isla ako nanggaling? Buong buhay ko ay roon ako tumira. Ngayon lang ako nakalabas sa islang 'yon tapos ngayon ay i-ikukulong niyo na naman ako?"

Napalunok siya.

Masamang-masama ang loob niya. Hindi niya akalain na gagawin din ng mga ito sa kaniya ang ginawa ni Hedia. Ayaw niyang manatili na naman sa isang lugar na nag-iisa. Gusto niya nang bagong lugar. Gusto niya na may kasama siya. Hindi iyong ganito.

"Sorry, Harper pero para naman 'to sa ikabubuti mo. Kung hindi ka namin ilalayo, siguradong kukunin ka ng mga taga Belphegor at siguradong mapapahamak ka sa mga kamay nila," ani Maria.

"Bakit? Sabihin niyo sa akin kung bakit nila ako kukunin. May bagay ba silang kailangan sa akin? Bakit ako mapapahamak? Sagutin niyo naman ako. Kung ikukulong niyo lang naman ako rito ay ibalik niyo na lang ako kay Tiya, p-pakiusap."

Alam niya na hindi siya sasagutin ni Hedia kapag tinanong niya ito pero mas mabuti kung kasama niya ang kaniyang tiyahin dahil alam niyang hindi siya nito ipapahamak.

"Wala silang bagay na kailangan sa 'yo, Harper. Ikaw mismo ang kailangan nila. Sa ngayon, hindi ka pa namin mababalik sa tita mo. Kailangan ko rin naman siyang makausap dahil may mga tanong din ako na siya lang ang makakasagot pero hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ni Greta kung nasa'n si Hedia."

Tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita. Wala rin naman siyang sagot kay Maria dahil hindi niya rin alam kung nasaan si Hedia.

"Saka, Harper hindi ka naman mag-iisa rito. I will accompany you. We will accompany you," seryosong sabi ni Lian saka hinawakan ang kamay niya.

---

Kagaya ng dati, ngayon ay nakakulong na naman siya. Hindi sa dating isla pero sa panibagong isla.

Hindi na masaya si Harper sa buhay niya. Wala na talaga siyang kalayaan. Hindi ba siya pwedeng maging masaya katulad nang ibang tao? Gusto niya lang naman na maging masaya.

Alam niya na hindi siya makakalabas sa lugar na ito dahil napapalibutan ito ng mahika.

Ang sabi ni Maria ay hindi raw ito totoong mundo. Nasa loob lang daw siya nang isang ginawang lugar gamit ang mahika at hindi ito mapupuntahan ng kahit sino man, maliban na lang kung malakas ang tinataglay nitong kapangyarihan.

Habang iniisip niya ang mga ito, hindi niya naiwasang manlumo at maawa sa sarili. Para siyang nabuhay sa isang kasinungalingan. Kasinungalingan na ang islang kinalakihan niya sa loob ng labing siyam na taon ay hindi pala totoong lugar at isang gawa-gawa lang ng mahika. Kaya pala kahit anong gawin niya ay hindi siya makalabas doon.

Ngayon ay nag-iisa na naman siya. Lumabas si Maria at Lian dahil may importante raw na gawin ang mga ito sa totoong mundo. Ang sabi ni Lian ay babawi na lang daw ito sa kaniya bukas.

Indi niya maiwasang isipin na ang lahat ng taong nakapalibot sa kaniya ay may sikreto at wala man lang siyang alam.

Naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Wala na rin naman siyang ibang mapupuntahan kaya lilibutin niya na lang itong isla. Kaya pala parang perpekto ang lugar na ito dahil hindi pala totoo.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon