Kabanata 22

3.7K 174 5
                                    


Tiya

"S-Sis... I'm really s-sorry. Hindi ko talaga sinasadya. My emotions just carried me away. Lola explained everything... sorry talaga. Sorry kung nagging makitid ang utak ko. P-Please say something. Alam kong walang kapatawaran sa ginawa ko. Galit ka ba? Okay lang, n-naiintindihan ko," humihikbing ani Lian.

Nakahawak pa ito sa kamay ni Harper habang paulit-ulit na sinasabi iyon. Sa totoo lang ay kanina pa ito humihingi ng dispensa. Hindi naman niya alam kung para saan 'yon.

Kakagising lang ni Harper at hindi niya na maalala ang mga nangyari. Iginala niya ang paningin niya at nakita niya ang hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang dingding at halos walang laman itong silid. Walang kagamitan at ang tanging nandito lang ay ang kamang hinihigaan niya at ang isang maliit na sofa malapit sa pintuan. Nasaan na ba siya?

"H-Harper... magsalita k-ka naman, o'."

"Bakit ka ba humihingi ng tawad, Ate? Sa pagkakaalam ko ay wala ka namang ginawang masama sa akin," naguguluhan niyang tanong kay Lian.

Kumunot ang noo nito at tinitigan siya nang mabuti. Bakas ang pagkabalisa sa mukha nito.

"H-Hindi mo naaalala ang nangyari? Hindi mo ba naaalala ang ginawa ko? Ang g-ginawa mo?"

Ginawa nito? Ginawa niya? May ginawa siya?

"Ang huli kong naaalala ay nakita kitang pumasok sa silid kung saan ako nakakulong. H-Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari," mahinang aniya.

Iyon lamang talaga ang huli niyang naaalala. Hindi niya nga alam kung bakit wala na siya roon sa kulungan at kung paano siya nakaalis doon. Marahil ay tinulungan siya ng mga ito.

"Bakit? May nangyari po ba? Ano bang ginawa natin? Saka para saan at humihingi ka ng dispensa? Nasaan ba tayo ngayon?" dugtong niya pa. Sunod-sunod ang tanong niya rito na sana naman ay sagutin nito.

Tiningnan ni Lian si Greta na tahimik lang na nakatayo sa paanan ng kama.

Ano bang meron?


"Lol—"

"Nothing happened, Iha. Iniligtas ka namin. Si Lian ang tinutukoy ko na hihingan ko ng tulong. Nasa kabilang bayan tayo ngayon habang hinihintay si Maria. Pupunta tayo sa ibang lugar. Pasensya ka na kung palagi tayong palipat-lipat." Ngumiti ito. Bakit parang pilit lamang ang ngiti nito? "Nga pala. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Anim na araw kang tulog," dugtong nito.

Tumango siya. Anim na araw? Ang tagal naman. Siguro ay dahil sa pagod ang bugbog niyang katawan dahil sa pagkakakadena niya roon sa kulungan.

"Nasaan po ba si Mar—" Hindi niya na naituloy ang sana'y sasabihin nang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok si Maria. Seryoso ang mukha nito at nakakunot ang noo.

"O', ayan na pala siya," ani Greta habang nakatingin kay Maria.

"Bakit ngayon ka lang, Tita?" tanong ni Lian.

Tumigil si Maria malapit sa kanila at tiningnan si Greta.

"May kasama ako," ani Maria saka tumingin sa kaniya. Hindi niya alam ang nangyari kay Maria mula noong napunta siya sa kulungan. Ngayon niya lang din ito muling nakita.

Tumingin siya sa pintuan at unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang taong pumasok. Totoo ba ito?

"T-Tiya!"

Kumabog nang husto ang dibdib niya. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya. Hindi niya inaasahan na mangyayari pa ito—na magkikita pa sila ulit.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon