Kabanata 39

3.1K 101 1
                                    

Gracylla

Mabilis na lumabas si Hedia at Zeid sa narinig. Dahan-dahan namang umupo si Valencia mula sa pagkakahiga. Tinuyo niya ang mga luha niya saka siya pumikit at niyakap ang sarili.

Iniisip niya na hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi niya maaarang iwan ang kanyang mga nasasakupan. Kailangan siya ng mga ito, lalo na ngayon na may paparating na panganib. Bumalot ang kulay asul na ilaw ng mahika sa katawan niya para kahit papaano ay magamot niya ang mga malalalim na sugat niya dala nang pagkakahiga niya sa mga bubog.

Nang umayos na nang kaunti ang pakiramdam niya ay mabilis siyang lumabas at gano'n na lang ang pagkabigla niya nang makita niya pagiging pula ng itim na kalangitan. May mga kuyang puti at pulang usok rin na nagkalat sa buong lugar. Napanganga siya nang makita niyang unti-unting dumidikit ang limang buwan sa isa't isa.

Napaangat siya nang tingin sa isang direksyon nang marinig niya muli ang malakas na sigaw ng isang babae. Umatake ang kaba niya nang makita niyang mataas na nakalutang sa ere si Harper. Ang itim at puting buhok nito ay halos naging puti na lahat. Nakapikit ang mga mata nito. Nakakrus ang dalawang kamay nito habang nakahawak sa magkabilang balikat. May itim na usok na nakapalibot sa mga paa nito.

Naguguluhan si Valencia kung papaano nakarating si Harper dito kung itinago niya ito sa gubat ng Sydana na nasa loob ng bayan ng mga manggagamot; Ang Bethehiel City. Hindi dapat nakalabas si Harper sa gubat na iyon dahil pinabantayan niya ito sa isang higante at walang nakakaalam na roon niya itinago si Harper.

Naguguluhan niyang hinarap si Hedia. Mabilis niya itong nilapitan nang makita niya itong nakatingala lang kay Harper at kitang-kita sa mukha nito ang gulat at pag-aalala. Maging siya ay nag-aalala sa kahihinatnan ng lahat dahil sa nangyayari.

Hindi inaasahan ni Hedia na nagsisimula nang mangyari ang lahat. Hindi na ang pamangkin niya ang nakikita niya ngayon. Ibang-iba ito kumpara sa pamangkin niya hindi kayang manakit. Sa itsura pa lang nito ngayon, sigurado siyang wala silang laban kumpara rito.

"Hedia! Anong nangyayari? Hindi ba may isang araw pa bago ang nakatakdang araw? Bakit nangyayari na 'to ngayon?!" naguguluhan at natatarantang tanong ni Valencia. Hindi nito alam kung ano ang dapat na gawin.

Nag-aalala niyang hinarap si Valencia. "Ito na ang araw na 'yon, Valencia. Dalawang oras na lang, kaarawan na ni Harper." Napalunok siya matapos niyang sabihin iyon.

"What do you mean? Nahihibang ka na ba? Hindi pa 'to ang araw na 'yon!" Naguguluhan si Valencia. Ang alam nito ay may isang araw pa bago ang kaarawan ni Harper pero bakit nagsisimula nang mangyari ang kinakatakutan nila?

"M-Makinig ka. Humingi ako ng tulong kay tandang Aryo para humanap ng kasagutan. K-Kapalit niyon, lilipas ang isang araw na hindi alam ng lahat."

Napasinghap si Valencia. "Pa'no mo nagawa ang bagay 'yon? Isinaalang-alang mo ang kapakanan ng nakararami, Hedia! Mas pinabilis mo lang ang pagpatay sa ating lahat! Sana pala ay hindi na ako nakipagkasundo sa 'yo. Ngayon, hindi ko na alam kung mapipigilan pa natin ang pamangkin mo!" galit na galit na sigaw ni Valencia. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Hedia.

Hindi siya ito maintindihan dahil bilang pinuno ng nakararami, siya ang naatasang magligtas sa mga nasasakupan niya. Hindi niya hahayaan na mabura ang katotohanan na nabubuhay ang mga katulad nila sa mundo.

"Kung hindi ko 'yon ginawa, hindi ko malalaman ang totoo!"

Natigilan siya. Anong totoo? May mali ba sa pinaniniwalaan niya?

"Anong totoo?"

"T-Totoo ang nasa propesiya. Pero Valencia, hindi 'yon hinulaan lang. Isinumpa si Harper—Hindi! Isinumpa tayong lahat!"

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon