Epilogo

7.6K 148 16
                                    

Epilogo

"Nababaliw ka na ba? Hindi ka ba natatakot kay Tita Maria at sa Lola mo? You're breaking the rules!" naiinis na sabi ni Zeid kay Lian habang tinitingnan niya ang babaeng dinala nito na nakaupo sa sala habang pabalik-balik na tinitingnan ang mga gamit.

"You know exactly that I like to break those freaking rules," ani Lian.

Lian brought a crazy girl. Hindi lang iyon. Hindi ito dapat nakikipagkaibigan sa isang normal na tao at hindi nito dapat dinala ang babae sa bahay niya. Lian was giving him headache!

Akala niya ay magiging madali para sa kaniya na paalisin ang babae sa bahay niya pero nagkamali siya. Mas naging madali sa babae na pasukin ang buhay niya. Ang puso niya. He wasn't expecting to fall inlove with a mortal and a normal person, but he did. He was ready to break the rule just because he fell in love.

Akala niya ay hindi niya iyon mararamdaman. Sinubukan niyang pigilan ang puso niya. Sinubukan niya itong itaboy pero sa huli, siya rin ang nagpalapit dito.

Who wouldn't fall in love with a mortal goddess? Ang inosente nitong abong mga mata na parang siya lang ang nakikita.Ang pagiging ignorate nito sa mga bagay-bagay ang isa sa mga nagustuhan niya. Gusto niyang maranasan nito ang lahat na kasama siya. Mellania's the one he wasn't waiting for but the heaven gave her to him.

Akala niya ay perpekto na ang relasyon nilang dalawa kahit na walang alam ang iba sa nangyayari sa kaniya. One year of living with someone whom he loved was pure pleasure and he didn't want it to end. But he was not careful enough.

Akala niya ay kaya siyang samahan ni Mellania hanggang sa huli. Akala niya ay hindi siya nito iiwan kagaya ng pinangako nito pero nagkamali siya. Umalis ito ng walang paalam at hindi na ito kailan man bumalik.

At sa araw ng pag-alis nito ay para siyang tinamaan nang malubhang sakit. Hindi niya na lubos na maalala ang mukha nito. Kahit si Lian ay hindi na rin maalala ang mukha ni Mellania.

Everything went blur. Maybe he was cursed because he broke the rules for someone who would just leave him. Kaya niyang talikuran ang pinakaimportante niyang misyon para lang kay Mellania pero ito ang unang tumalikod sa kanilang dalawa.

Years passed and he completely forgotten the face of the mortal he once loved. Pero ang sakit at pagmamahal niya para rito ay hindi pa rin niya nakakalimutan. Maging ang pangalan nito ay para nang nakaukit sa pagkatao niya. Araw-araw niyang sinusubukan na alalahanin ang mukha nito pero hindi niya nagawa. Remembering her face was imposible.

"Ikaw na lang ang inaasahan ng ating lahi, Zeid. Hanapin mo ang anak nang ika-labing limang pinuno ng Elites. Siya lang ang tanging makakapagbalik ng buhay ng iyong ama. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo noon pa?"

Sunod-sunod niyang nilagok ang inumin na binigay sa kaniya ni Argus. We wanted his father to be alive again. Pinangako niya sa kaniyang ama ng namatay ito na gagawin niya ang lahat para mabuhay ito ulit.

Kahit pa ang sumapi sa pamilyang tinalikuran niya na noon dahil sa kasamaan ng mga ito ay gagawin niya. Maria didn't need to know. Alam niyang magagalit lamang ito lalo na at pinagbawalan na siya ni Maria na makipaglapit ulit kay Argus. Sa kapatid ng kaniyang ama. Ang kapatid ng kaniyang ama na naging sakim sa kapangyarihan.

Nagpakamatay ang kaniyang ama para mapunta sa kabilang buhay. Labis na binilog ni Argus ang ulo ng kaniyang ama para sa kapangyarihan kaya nagawa ng kaniyang ama na putulin ang buhay nito para mapunta sa mundo ng mga patay at kuhanin ang mga malalakas na kapangyarihan at salamangka na nandoon.

Sinisisi niya rin ang kaniyang ina. His mother that never stood as his guide. She was the one who pushed him away and his father, dahil lang sa magkalaban ang lahi na pinagmulan ng kaniyang ama at ang lahi ng kaniyang ina. He would never ever forget what his mother did. Nang dahil sa pagmamahal ng kaniyang ama sa kaniyang ina ay kaya nitong gawin ang lahat, but she never appreciated. Kung hindi naging sakim sa kapangyarihan ang kaniyang ina ay hindi sana nabilog ni Argus ang ulo ng kaniyang ama.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon