Kabanata 19

4K 183 20
                                    

Halik

"We need to evacuate as soon as possible. Kailangan din natin na humingi ng tulong para mas lumakas pa ang salamangka na magsasarado sa portal."

"I get your point, Tita. Kaya lang, 'di ba sabi mo, hindi dapat malaman ng council kung nasaan si Harper? I think, wala na naman tayong ibang mahihingan ng tulong kundi sila lang."

Nasa sala sina Lian, Maria at Harper habang nag-uusap sina Lian at Maria kung ano ba ang nararapat gawin. Sa palagay ni Harper ay nahihirapan na ang mga ito sa kaniya. Alam niya naman na nagiging pabigat na siya sa mga ito. Kung sana ay sabihin na lang ng mga ito sa kaniya kung ano ang problema para nang sa ganoon ay makapag-isip din siya ng maaari niyang gawin at itulong.

"Oo. Pero may kilala pa akong pwedeng tumulong sa 'tin. Kaya lang, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon."

"Hihingi ako ng tulong sa head mistress ng Academy—"

"'Yan ang h'wag na h'wag mong gagawin, Lian. Hindi nila dapat malaman na nasa atin si Harper!"

Tumayo siya at nagpasyang lumabas. Hindi niya rin naman naiintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito at sa tingin niya ay hindi na rin naman kailangan ang presensya niya rito.

Wala rin naman siyang masasabi sa pinag-uusapan ng mga ito kaya naman lalabas na lang siya kaysa magmukhang hangin na hindi ng mga ito pinapansin.

Kanina ay dumating si Maria at kasama nito si Lian. Ilang araw ring nawala ang mga ito kaya napatanong siya. Ang sabi ng mga ito ay may importanteng ginawa raw ang mga ito. Hanggang doon na lamang ang sinagot ng mga ito at hindi na dinugtungan pa.

Kung may nakasagupa mang kalaban ang mga ito ay alam niya na hindi rin naman mamamatay ang mga ito kagaya ng sabi ng mga ito, pero ayaw pa rin niyang mapahamak sina Lian at Maria.

Nais niya sanang magtanong pa pero para ano? Hindi rin naman siya sasagutin nga mga ito.

Dumiretso siya sa upuang nasa lilim nang nag-iisang puno rito. Napakapayapa ng lugar na ito. Hindi niya nga lubos akalain na nasa totoong mundo pala siya. Ang sabi sa kaniya ni Zeid ay totoong mundo raw ito at hindi gawa-gawa ng mahika.

Pilit niyang inalala muli ang sinabi sa kaniya nang matandang babae noong nakaraang linggo. Hindi niya ito lubusang naintindihan. Sa tingin niya ay niloloko lamang siya nito.

Kahit nga ang pangalan niya ay hindi nito alam dahil tinawag pa siya nitong Mellania, pero may parte ng puso niya na gustong tuklasin kung ano man ang ibig nitong sabihin.

Ilang araw na ring hindi umuuwi rito si Zeid. Hindi niya alam kung bakit. Magmula noong nangyari sa mall ay hindi na siya nito kinausap.

Marahil ay galit ito sa kaniya.

Nagmumuni-muni siya sa ilalim ng puno. Hawak ang isang tangkay ng dahon ay tumayo siya at tumingala. Ang ganda ng kalangitan at kitang-kita ang mga nagkikislapang mga bituin.

Ang mga bulaklak ay tila nagsasayawan din kasabay ng ihip ng hangin. Ang mga alitaptap na nakapalibot sa mga ito ay napakarami na kasabay na lumilipad ng ilan sa mga dahon na nalalaglag mula sa malaking puno.

Ang lamig na dala ng simoy ng hangin ay parang nanunoot sa balat niya.

Napapiksi siya nang bigla na lang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Malamig ang balat nito ngunit ang hininga nito ay mainit na dumadampi sa tenga niya.

Bigla na lamang tumayo ang mga balahibo niya dahil sa naramdaman pero hindi iyon dahil sa takot. Ang dalang lamig ng yakap nito ay parang nagbigay nang mainit na haplos sa kaniyang puso.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon