Kabanata 20

3.9K 181 13
                                    

Kulong

"I can't believe it! So, totoo nga na kayo pa mismo ang nagtago sa kaniya! Alam ko na alam niyong magkakaroon kayo ng karampatang parusa dahil sa mga ginawa niyo! Hindi niyo ba alam na pagtataksil ang ginawa niyo?" dumadagundong na sermon ni Valencia.

Hindi rin lubos akalain ni Maria na ito ang nagpadala ng espiya sa kanila!

"I was not wrong after all. Mabuti na lang at pinadala ko ang dalawang tauhan ko para mag-espiya sa inyo at mabuti na lang nagdala pa sila ng mga kasama! I already had doubts the last time we talked. Hindi ko akalain na totoo ang lahat ng kuro-kuro namin! Nilalagay niyo sa kapahamakan ang lahi natin!" Nanlilisik na ang mga mata nito dahil sa galit. Kung may kapangyarihan lamang ito ng apoy ay siguradong kanina pa ito sumabog.

Lumapit ito kay Maria at dinuro siya. "Baka ikaw pa ang mapatay ko dahil sa kabobohang ginawa mo!" sigaw nito sa kaniya.

Nanahimik na lamang siya at hindi na sinabayan pa ang galit nito. Alam niya na hindi nito maiintindihan ang punto niya.

Maaaring kapag nasobrahan na si Valencia sa galit nito ay hindi na nito makontrol ang kapangyarihan nito at baka masabuyan sila nito.

Pero alam ni Maria na alam nito kung hanggang saan lang ito. Pwede itong maparusahan kapag ginamit nito ang kapangyarihan nito laban sa kanila, kahit na ito ang may pinakamataas na ranggo sa konseho dahil hindi si Valencia ang naatasang magbigay ng parusa.

Hindi nagawang kalabanin ni Maria ang mga humarang sa kanila kanina dahil marami ang mga ito at dahil sa pinagsamang pwersa ay mas malakas ang kapangyarihan ng mga ito kumpara sa kaniya—sa kanila ni Lian.

Kung kakalabanin nila ang mga ito ay walang mangyayari.

Hindi niya rin nagamit ang kakayahan niya na mag teleport dahil tumilapon sa malayo si Harper at ayaw niya rin naman itong iwan na mag-isa.

Nadakip sila ng mga ito pati na rin si Harper. Ni hindi niya alam ang kondisyon nito dahil sa tumama ang ulo nito sa malaking bato.

Alam niya na pagkatapos ng pagpupulong na 'to ay didiretso ang mga ito sa kulungan ni Harper at papatayin nila ito. Kung sana ay narito lang si Zeid o si Greta para tumulong sa kanila.

Nakita niya ang pagpikit ni Valencia ng mga mata nito. Tinawag nito ang isa sa mga bantay.

"Hanapin niyo si Greta. Alam ko na kasabwat din siya," mas mahinahon nitong sabi.

Tumango ang lalaki. "Masusunod." Tumalikod ito at lumabas.

Nagkatinginan sila ni Lian. Hindi na nila pwedeng sabihin na walang kinalaman dito si Greta dahil mas lalala lang ang lahat.

Bakas sa mga mata ni Lian ang pag-aalala at takot. Maging siya man. Ibinalik niya ang tingin sa konseho. Alam niya na hindi magtitira ng awa ang mga ito kay Harper.

"I just did the right thing. Malaki ang utang na loob natin sa mga magulang niya! Baka nakakalimutan niyo na ang mga magulang niya ang nanguna noon sa laban." Tiningnan niya si Valencia. "Kung hindi dahil sa mga magulang niya siguradong patay ka na ngayon." Hindi niya ito gustong kutyain pero dapat itong magbalik-tanaw!

Niyukom nito ang mga kamay nito at mabilis na lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang leeg niya at halos tumusok sa kaniya ang mga daliri nito pero hindi siya natatakot! Alam ni Maria na tinamaan ito dahil sa sinabi niya.

"Wala ka sa posisyon para sabihin sa akin 'yan, Maria! Kapakanan lang ng lipi nating mga salamangkero ang inaalala ko!"

"Hindi namin gusto na itago siya. We just want to protect her." Napantig ang tenga niya nang nagsalita si Lian.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon