Kabanata 30

2.9K 101 3
                                    


Sakripisyo

"Are you out of your mind? Bakit ka nagdala ng tao rito sa bahay ko?"

"Chill, okay? I can't do anything. She saw me in the forest doing my stuff but she said she'll never tell anyone about it."

"How sure are you? Hindi mo pa nga kilala 'yan nang mabuti."

"I'm sure. I have this gut feeling. Just trust me on this one."

"Okay, but it's your call, kapag nalaman ni Tita ang tungkol dito— What the hell are you doing?" paasik na baling ng lalaki kay Harper.

Nasa likod kasisiya nito dahil sinisipatniya ang tindig nito. Ngayon lang siya nakakakita ng lalaki sa personal! Napakatikas ng tindig ng lalaki!

Mabilis na hinila ni Lian si Harper papalapit dito.

"What... is she?" nakasalubong ang mga kilay na tanong muli ng lalaki.

"Don't mind her. Ewan ko ba sa batang ito. Walang alam sa mga bagay-bagay."

"Ibig sabihin hindi normal na tao ang dinala mo rito sa bahay ko, kundi isang tanga at baliw. Tama ba?"

Mabilis na hinampas ni Lian ang lalaki.

Hindi naman siya baliw— kung siya nga ang tinutukoy nito.

"Shut up, will you?! Kahit ganiyan 'yan, naiintindihan ka niyan. Kahit kailan talaga ang sama ng ugali mo. Her name's Mellania." Bumaling sa kaniya si Lian.

"Mellania, this is Zeid. Dito ka muna pansamantalang titira sa bahay niya habang wala ka pang matutuluyan."

Tinitigan niya ang lalaki at nginitian ito. Zeid... Ang ganda naman ng pangalan nito. Kasing ganda ng mukha nito na parang perpekto sa paningin niya.

---

Tulala.

Walang tigil na luha ang tumutulo sa mga mata ni Harper pero hindi niya man lang magawang punasan. Ang bigat ng pakiramdam niya na parang hindi niya na alam kung saan pa siya kukuha ng lakas.

Paano nangyari ang mga bagay na iyon?

Naaalala niya na ang lahat.

Hindi siya makapaniwala. Walang Harper. Hindi totoo si Harper. Hindi siya si Harper! Paano nangyaring nadala siya sa kasinungalingan na iyon sa loob nang halos dalawang taon?

Ako si Mellania!

Naaalala niya na ang lahat. Mula pagkabata ko ay tinatawag na siya ni Hedia sa pangalang Mellania dahil iyon ang ipinangalan sa kaniya ng mga magulang niya.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.

Noon, akala niya ay hindi pa siya nakakalabas ng isla kahit na minsan pero hindi pala iyon totoo.

Naaalala niya na. Naaalala niya na ang lahat. Nakalabas siya noon ng isla noong ika-labing anim na kaarawan niya. Ang sabi ni Hedia sa kaniya ay lalabas lang ito para bumili ng cake. Sinundan niya ito sa gubat at doon niya nakita ang portal na nakalimutan nitong isarado dahil sa pagmamadali.

Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakakita siya nang kakaiba at nakalabas siya ng isla.

Iyon din ang panahon na nakilala niya si Lian. Para silang itinadhana. Mula noong una ay ito pa rin pala talaga ang tumulong sa kaniya at nakakita sa kaniya.

Tinulungan siya nito pero wala siyang ibang nakilala maliban kay Lian at Zeid dahil ang sabi nito ay hindi tanggap ng lahi ng mga ito na makipagkaibigan sa mga normal na tao.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon