Kabanata 25

3.6K 135 11
                                    

Kwintas

"Harper! Bumaba ka na!" Narinig ni Harper na sigaw ni Lian mula sa ibaba.

Mabilis niyang niligpit ang gamit niya at nilagay ang mga ito sa may kalakihang bag. Sinarado niya ito at inilagay sa gilid ng kama.

Lumabas siya at bumaba. Walang tao sa sala kaya tiyak niya na nasa hapagkainan na ang mga ito para kumain. Hindi pa man siya nakakarating doon ay narinig niya na ang matinis na halakhak ni Lian.

"Ikaw naman kasi Zeid. Ayan tuloy, napagsabihan ka ni Tita."

Pagkarinig niya niyon ay bigla siyang nataranta. Ni hindi niya magawang maglakad papasok ng hapag. Nandito si Zeid?

Ilang araw rin silang hindi nagkita. Minsan ay iniisip niya na mali ang naging desisyon niya na iwasan ito.

Papaano na ito? Hindi niya alam kung paano niya ito iiwasan. Aakyat na sana siya ulit nang tawagin siya ni Maria.

"Harper? Ano pang ginagawa mo r'yan?"

"H-Ha?"

"Ano ka ba. Kumain na tayo. Zeid's here," ani Maria at inakay siya papuntang hapagkainan. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon? Umiiwas na nga siya.

Magkatabi sina Lian at Zeid pero kay Lian lang siya tumingin. Pilit niyang iniiwasan na mapatingin sa mukha ni Zeid. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin kapag nagkasalubong ang mga tingin nila.

Napahagikhik si Lian nang makita siya nito. Agad pa nitong sinundot sa tagiliran si Zeid na ikinatawa ng huli.

Ang lambing nila. Sa harap pa talaga namin?

Inilibot niya ang kaniyang tingin. Si Maria lang at ang dalawang naglalampungan sa harap niya ang naririto.

"Nasaan si Tiya?"

"May binili lang. Malapit na naman sila," sagot ni Maria.

"Sige na, umupo ka na, Iha." Tumango siya at umupo sa harap ni Lian. Tumingin siya sa plato. Nabalot sila ng katahimikan. Hindi ba magsasalita ang mga ito? Nakakailang kasi.

Nabasag iyon nang magsalita si Maria.

"Harper, hindi mo ba babatiin si Zeid? Ilang araw din kayong hindi nagkita." Napapikit siya nang sabihin ni Maria iyon. Sana pala ay nanahimik na lang ito.

Inangat niya ang tingin niya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang mga tingin nila ni Zeid.

Ngumiti ito. "Kamusta, Harper?"

Napalunok siya. Ngumiti ito? Paano nito nagawa iyon? Siya nga ay parang nanigas na ang mga labi at hindi niya man lang ito magawang ngitian.

Nakalimutan na ba nito ang nangyari noong huli nilang pag-uusap? Parang hindi ito galit sa kaniya.

Kung siya ang tatanungin ay hindi naman siya galit sa ginawa nito. Nasaktan siya, oo, pero hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit hindi niya man lang magawang magalit dito nang matagal.

Gusto niya na lang sana na kalimutan iyon.

"A-Ayos la—" Napapiksi siya nang may narinig siyang nabasag.

Napatingin siya sa pintuan at nakita niya ang namumutlang mukha ni Hedia habang pabalik-balik ang tingin sa kaniya at kay Zeid.

"Gosh, Tita! Why did you drop the juice? Okay ka lang ba?" herestikal na tanong ni Lian. Tumayo ito at lumapit kay Hedia.

"Hedia, nakuha ko na 'yong—What happened here?" gulat na tanong ng kararating lang na si Greta.

"Ah... w-wala. Nadulas lang iyong inumin sa kamay ko," ani Hedia pero nakatingin pa rin ito kay Zeid. Ilang beses itong kumurap at umiling saka ibinaling ang tingin kay Lian.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon