Kabanata 28

3.5K 109 12
                                    


Pagkanulo

"Ano? Ayos ka na ba?"

Tinanguan ni Harper si Lian saka tumingin sa gawi ni Hedia. Alam niya na nag-alala ito sa kaniya. Medyo nanghihina pa siya pero hindi na katulad kanina na namanhid halos ang buong katawan niya, kahit na ang kamay niya lang ang napinsala. Mabuti na nga lang at hindi naghinala sa kaniya ang matanda kanina.

"So, what's the next plan?" tanong ni Lian habang nakatingin kay Hedia. Si Hedia lang naman ang makakasagot niyon. Ang mga nakakatanda lang ang may plano.

"Ipagpabukas na lang natin ang sadya natin," sabi nito kay Lian saka siya tiningnan. "Mas mabuting magpahinga ka muna, Iha."

"Pwede ba tayong magtagal? Yes, I'm concerned regarding Harper's condition, pero paano kapag nalaman ng konseho na nandito tayo?"

Natigilan si Hedia sa sinabi ni Lian. Ang plano kasi nila ay isang araw lang ang itatagal nila rito sa Fairlea.

Alam niya naman na kapakanan niya lang ang inaalala ng mga ito. Ayaw rin naman sana niyang sumama sa mga ito dahil alam niyang magiging pabigat lang siya pero kailangan niyang sumama.

"Ate—"

"Oh, you're awake," narinig niyang sabi nang isang babae na bigla na lamang pumasok. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang ito nakita. Tumingin siya kay Lian na may pagtatanong.

"She's Miyara. Siya ang tumulong sa 'min kanina no'ng mawalan ka ng malay," ani Lian habang nakabusangot. Mukha itong naiirita na hindi niya maintindihan. Magkaaway ba ito at ang babae?

"Salamat," nakangiting ani niya kay Miyara. Hindi naman ito mukhang matanda at parang kaedaran niya lang. O baka katulad din ito nina Hedia? Hindi na ito sumagot at ginantihan lang siya nang matamis na ngiti. Ang ganda nito.

"Saka na lang natin isipin 'yon. Sa ngayon, kailangan muna nating magpahinga." Napalingon siya kay Hedia nang magsalita ito.

"Maggagabi na nga naman. Pero, Tita sa'n tayo magpapahinga? Don't tell me, rito?"

"Uhm... excuse me. May matutuluyan ba kayo? Kung wala, I can offer you my place. Malapit lang 'yon dito saka ako lang naman mag-isa ro'n," singit ni Miyara. Mukhang mabait naman ito pero nang magsalita ito ay muli na namang umismid si Lian.

"Salamat, Iha ngunit may matutuluyan na kami," sagot ni Hedia habang nakangiti kay Miyara.

"Oh, okay. Sige, mauuna na ako," sabi nito at nagpaalam na. Pagkaalis ni Miyara ay muling tumingin si Lian kay Hedia.

"Totoo? May matutuluyan ba talaga kayo rito? Kasi ako, meron. Pwede akong matulog sa dorm pero 'di ko kayo pwedeng isama. You know the rules."

Tumango si Hedia. "Meron nga. Nasa labas sina Zeid, Greta at Maria. May bahay ako rito noon. Hindi pa naman siguro pinagiba. May bahay din dito si Maria at Greta 'di ba?" Naikwento ni Hedia sa kaniya bago sila pumunta rito na may bahay ito rito sa Fairlea dahil dito ito tumira kasama ang kaniyang ina noon. Pero matagal na itong hindi nakakabisita rito dahil sa isla na sila tumira.

"Yeah, right! Nakalimutan ko."

---

Kakaiba talaga itong lugar. Ilang beses na silang nagpalipat-lipat noong hindi pa sila nagkikita ni Hedia para lang magtago pero ngayon niyaa pa lang nakita ang ganitong klaseng lugar.

Napakaaliwalas ng kalangitan at ibang-iba ang kapaligiran. Iyong mga bituin ay parang nakasabit lang na pwede makuha agad kahit na tama lang ang tangkad. Parang dyamante ang mga ito na nakabitin sa ere. May lima ring buwan at hindi niya alam kung papaano nangyari iyon. Sobrang laki rin ng mga ito pero hindi ito magkakadikit.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon