Kabanata 40

4.2K 101 2
                                    


Kaarawan

"G-Gracylla?" naguguluhang tanong ni Hedia kay Greta. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga pinagsasabi nito at iisang tao lang ang tinuturo ng lahat nang ipinapahiwatig nito.

"Pagkatapos ng isang libo't tatlong daan at apat na pu't anim na taon, ngayon ko lang ulit na rinig na matawag sa ganiyang pangalan," ani Gracylla.

Inikot nito ang mga kamay nito at kasabay niyon ay umiba ang itsura nito na ngayon lang nilang lahat nakita. Umiilaw rin ang paligid ng katawan nito na tila araw na bumaba sa lupa.

Hindi makapaniwala si Hedia sa nakikita. Hindi niya lubos akalain na buhay pa si Gracylla at ito ay nagtatago lang sa katauhan ni Greta!

"L-Lola... a-anong?" naguguluhang tanong ni Lian. Wala siyang maintindihan na kahit ano. Hindi niya alam kung bakit ito tinawag ni Hedia sa ibang pangalan.

"G-Gracylla? P-Paanong? Sino ka ba talaga? Si Greta ka ba o si Gracylla?"

Tiningnan ni Gracylla si Hedia saka ito malamlam na ngumiti. Pumikit ito at umikot. Napanganga sila nang makita nila ang mukha nito. Mula sa hanggang bewang na kulay abong buhok, maliit na mukha, malalim at nagniningning na kulay asul na mga mata, matangos na ilong at namumulang pisngi maging ang bibig nito. Maputlang kulay ng balat at kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito mula sa suot nitong hapit na kulay abong mahabang bestida na may mga maliliit na bato sa ilalim. Malayong-malayo ang itsura nito sa Greta'ng nakilala ng lahat.

Ang kaharap nila ngayon ay isang dyosa na akala ng lahat ay ilang libong taon nang patay pero buhay pa pala.

"Isinilang ako sa pangalang Gracylla pero ako'y nabuhay sa pangalang Greta sa loob ng dalawang daang taon."

Napalunok si Valencia. "Bakit mo 'to ginagawa? Akala ko kakampi ka nila? Kaibigan mo si Katrina! Napalapit na sa 'yo si Harper! Pero bakit mo ginagawa 'to? Bakit mo sinumpa ang anak ng kaibigan mo?"

Dahan-dahang bumaba sa lupa si Gracylla. "Hindi ko isinumpa si Harper. Isinumpa ko noon na ang magiging panganay na anak ng ika labing-limang pinuno ay siyang tatapos sa lahat. Sadiyang malas lang talaga ang dalagang iyan," ani Gracylla at tinapunan ng tingin si Harper.

"Walang hiya ka, Greta! Pa'no mo nagawa ito? Kung gusto mong mangyari ang bagay na gusto mo, bakit mo pa tinulungan si Harper noong nasa panganib ang buhay niya? Nagtiwala sa 'yo ang pamangkin ko!"

Tumawa si Gracylla pero walang laman iyon. "Kaya ko lang naman siya iniligtas dahil kapag namatay siya, mamamatay na rin ang pag-asa kong makapaghiganti."

Napatiim-bagang si Hedia sa narinig. "Ikaw muna ang uunahin ko!" sigaw ni Hedia. Pinaulanan niya ng apoy si Gracylla pero bumalik lang iyon sa kanya. Hindi ito tinatablan! Ginamit niya ang kapangyarihan niya ng hangin para hindi ito makahinga pero nabigo siya.

Ngumisi si Gracylla. "Baka nakakalimutan mo, Heida? Pareho lang tayo. Kaya ko rin ang mga kakayahan mo."

Napuno ng inis at galit si Hedia. Iniisip niya na parang pinaglalaruan lang sila ni Gracylla! Hindi siya makapaniwala na napaikot siya nito sa loob ng mahabang panahon. Wala siyang kaalam-alam sa pakay nito!

Tiningnan niya si Valencia saka niya ito sinenyasan. Tumango ito at tumingin kay Gracylla. Itinuon ni Hedia ang kamay niya sa pwesto ni Gracylla habang si Valencia naman ay itinuon rin kay Gracylla ang setro nito. Sabay silang nagpalabas ng mahika laban dito pero walang nangyari. Hindi ito tinatablan!

Tuluyan nang tumawa si Gracylla nang makita ang panghihinayang sa mukha ng dalawa.

"L-Lola, bakit mo 'to g-ginagawa? Ikaw pa ba ang Lola Greta ko?" Natigilan si Gracylla sa biglaang tanong ni Lian. Lumamlam ang kaniyang mga mata habang tinitingnan ang dalaga. Sa katunayan ay hindi niya tunay na apo si Lian. Kinilala lang siyang lola ng dalaga dahil matagal silang nagkasama.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon