Kabanata 18

4.2K 189 29
                                    


Mellania

"Kamusta? I'm hoping that you'll be able to finish this mission immediately, bago pa mangyari ang mga dapat mangyari. She's like a bomb and anytime soon, siguradong madadamay tayo. Kaya dapat unahan mo na sila. Kailangang mapakinabangan muna natin siya bago natin siya patayin," mariing sabi ng lalaki habang nakaupo sa kaniyang trono.

Nakaitim ito at halos natatakpan na ang buong katawan nito. Madilim ang paligid at tanging maliliit na ilaw lamang ang nagbibigay nang kaunting liwanag sa loob nang malaking bulwagan.

"I know what I'm doing. Hindi ko pa natatanong sa kaniya ang tungkol sa bagay na kailangan natin," sagot niya. Nakatayo lamang siya sa harap nito. Seryoso ang kaniyang mukha at nakatago ang kamay niya sa kniyang likuran.

"I hope so. Alam ko ang kakayahan mo at alam mo na ginagawa natin 'to para sa iyong ama. Hindi ba't iyon rin naman ang gusto mo?" tanong ng lalaking nakaitim.

"Yes. I will not fail this mission."

Tumayo ito at bumaba sa trono nito saka lumapit sa isang magarbong mesa. Kumuha ito ng wine at nilagyan ang dalawang kopita. Lumapit ito sa kaniya at binigay sa kaniya ang baso.

Kinuha naman niya ito at muling tumingin sa kausap.

"Siguradong wala nang makakapigil sa atin kapag nagtagumpay tayo sa plano natin," sabi nito at ngumisi nang malapad.

"Cheers to that."

---

Maggagabi na pero sarap na sarap si Harper sa kapeng iniinom niya habang nakaupo sa loob nang isang café. Kanina lamang ay napagpasyahan nila ni Zeid na bumalik na sa bahay pero hindi sila nakaalis nang may tumawag kay Zeid. Ayaw naman niyang iuwi siya ni Zeid sa bahay nito nang mag-isa dahil wala siyang kasama roon.

Umalis lamang sandali si Zeid dahil may kailangan daw itong gawin at pinapatawag ito ni Maria at Greta.

Pinakiusapan niya itong iwanan na lang siya muna rito sa mall at balikan na lang mamaya dahil wala namang makakakilala sa kaniya. Maayos namang nakatago ang buhok niya.

Noong una ay nagdalawang-isip pa si Zeid pero hindi naglaon ay sumang-ayon naman ito dahil sandali lang naman daw itong mawawala.

Binilhan lamang siya nito ng kape.

Habang nakaupo si Harper ay tumingin siya sa paligid. Ngayon lamang siya nakapasok sa isang kapihan. Maraming pumapasok at halos karamihan ay kabataan. Ang iba naman ay parang tumatambay lang dahil wala namang binibili. O baka may hinihintay lang din ang mga ito katulad niya kaya ganoon.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagpapagawa ng mga ganitong lugar ang mga tao. Hindi ba ang mga ito marunong magtimpla nang sariling kape?

Tahimik lamang dito sa loob. Nakaupo siya sa gilid ng kristal na dingding at nakikita niya kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa loob ng mall.

Ano kaya kung lumabas muna siya kahit sandali? Kakaalis pa lang naman ni Zeid at siguradong hindi naman ito kaagad makakabalik.

Mabilis niyang ininom ang natitira niyang inumin saka siya nagpasyang lumabas ng café. Nasa loob lang naman nitong mall ang café na ito kaya hindi naman siguro siya maliligaw.

Paglabas niya ng café ay may nakita siyang mahabang umaandar na sasakyan at may sakay na mga bata. Mayroon din namang nakasakay na matatanda.

Gusto ko ring maranasang sumakay roon!

Tumigil iyon sa isang lugar kaya naman tumakbo siya papunta roon. May isang bahagi roon na walang nakasakay kaya roon siya umupo.

Kakaiba ito kumpara sa sasakyan ni Zeid.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon