Kabanata 37

3K 91 1
                                    

Pagsalakay

"Valencia, h'wag na nating hintayin si Hedia. No one can reverse what's bound to happen! Nag-aaksaya lang tayo ng oras. Tatlong araw na ang dumaan pero hindi pa siya bumabalik!"

"Sinabi ko na. May usapan na kami ni Hedia. Binigyan ko siya ng pagkakataon. H'wag mong madaliin ang lahat, Leon. May natitira pang isang araw—"

"Napag-usapan? Ikaw lang naman ang nagdesisyon niyon. You didn't bring this up to the council. You know how dangerous she is!"

Natahimik si Valencia dahil sa malakas na sigaw ni Leon. Bilog na bilog ang boses nito at halos lumabas na ang ugat nito sa galit.

"We need to give Hedia a chance. Baka tama siya—"

"Pa'no kung mali siya? Pa'no kung maging huli na ang lahat? Hindi na natin dapat paabutin sa karaawan niya ang batang iyon. Paano kung mas maagang mangyari ang mga nakasaad sa propesiya?" malamig na tanong ni Vera—Isa sa miyembro ng konseho.

"Hin—"

Napalingon silang tatlo nang bigla na lamang tumunog nang malakas ang kampana na ngayon lang nila muling narinig. Ang kampana na pinatutunog lang kapag may masamang nanyayari o kapag nilulusob ng mga kalaban ang Fairlea. Pero dalawang dekada nang hindi tumutunog nang ganoon ang kampana...

Nanlaki ang mga mata ni Valencia. Biglang umakyat ang kaba sa kaniyang katawan. Tiningnan niya si Leon. Tumango lang ito saka mabilis na naglaho. Gano'n din si Vera.

Mabilis siyang tumakbo sa malawak na veranda at tiningnan ang nasa labas. Sinalakay siya ng kaba nang makita ang mga taong hindi magkamayaw sa pabalik-balik na pagtakbo.

Anong nangyayari?

Huwag naman sanang mangyari ang iniisip niya. Pumikit siya nang mariin saka hinawakan niya ang kaniyang sentido.

"Phiryo, nasa'n ka? Anong nangyayari?" tawag niya gamit ang kaniyang isipan sa nangungunang tagabantay ng Fairlea.

Ilang Segundo ang dumaan at saka niyang narinig ang boses na hinahanap niya.

"Madam Valencia, pinasok tayo! Pinasabog nila ang harapang bahagi ng Fairbell! Nakapasok na sila ng Fairlea!"

Naiyukom niya ang kaniyang mga kamay dahil sa narinig.

Imposible! Mahigpit ang Fairlea at walang sino man ang makakaapak dito na hindi nila pinahihintulutan. Maliban na lang kung... Hindi maaari ito!

"Sino ang nakapasok?"

"Ang Belphe— Ah!" napakunot-noo siya nang bigla na lamang itong sumigaw.

"Phiryo? Phiryo!" Tawag niya rito pero hindi na ito sumagot.

Ang Belphegor? Sinalakay sila ng Belphegor? Ito na ang pangalawang pagkakataon na sinira ng Belphegor ang kasunduan sa pagitan nila. Sa palagay niya ay alam niya na kung bakit sila sinalakay ng mga ito.

Kinuha niya ang kaniyang guwantes at agad na sinuot iyon. Mabilis siyang pumasok sa bulwagan. Lumapit siya sa gitna kung saan makikita ang isang malaking puting bato na napapalibutan ng kumikinang na kristal at mahika.

Hinugot niya ang kaniyang may katamtamang haba na setro mula sa bato. Ang kulay nito ay madilim na pula at matulis ang dulong bahagi nito na napapalibutan ng limang puting bilog na nagsisilbing puso ng limang bayan ng Fairlea.

Siya lang ang pwedeng gumamit ng setro dahil siya ang pinuno ng Elites.

"Madam Valencia!" napalingon siya nang biglang pumasok ang isa sa mga bantay. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at taas-baba rin ang dibdib. "Ang training ground... nawasak na nila. Pati ang mahiwagang gubat sa likod niyon ay sinunog nila. Madam Valencia, sa tingin ko ay pupunta sila sa kulungan." Napalunok ito. " Marami sila at nagkalat na sila sa buong Fairbell. Hindi ko alam kung nakaapak na sila sa ibang bayan dito sa Fairlea."

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon