Kabanata 27

3.2K 112 10
                                    


Enerhiya

"Napakaganda, right?"

Hindi magawang sumagot ni Harper sa tanong ni Lian. "T-Totoo ba itong nakikita ko?"

"Yup. Welcome to Fairlea," masayang wika ni Lian.

Hindi makapaniwala si Harper na may lugar na ganito sa mundo o baka naman nasa ibang mundo na sila?

Nakatayo silang tatlo at nakaharap sa napakalaking bakod na kulay ginto na hindi kalayuan sa kanila. Hindi niya makita kung saan nagtatapos ang pader na gawa sa itim at puting mga bato dahil natatabunan iyon nang mga puting usok.

Ang tinatapakan naman nila ay puro maliliit na puting mga bato. Sa gilid naman ang mga nakahilerang mga puno na kulay palubog na araw ang mga dahon.

Hindi rin nakikita ang nasa loob ng napakalaking bakod na sa tingin niya'y gawa sa dyamante at ginto dahil kumikinang iyon.

Nilingon niya ang dalawang kasama. "Hindi pa ba tayo papasok?" Gustong-gusto niya nang makita kung ano ang nasa loob.

"Excited ka na, 'no?" tanong ni Lian at tumawa pa.

"Harper," tawag ni Hedia sa kaniya. "H'wag mong kalimutan ang sinabi ko sa 'yo." Tumango siya. Nagsimula na silang maglakad patungo sa napakalaking bakod habang siya naman ay nakasunod lang sa likuran ng mga ito.

Nang makalapit na sila sa gate ay roon niya nakita na may nakatayo roon ngunit nakatalikod sa kanila kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Tumikhim si Lian kaya naman lumingon ito. Nagulat siya nang makita niya ang hitsura nito. Maliit na tao lamang ito na sa tingin niya ay hanggang ibaba ng dibdib niya lang ngunit matanda na ito. Sobrang haba rin nang itim na balbas nito na sumasayad na sa mga bato. Kulubot ang mukha at sobrang kapal ng mga kilay nito.

"S-Sino kayo?" tanong nito sabay ayos ng sariling salamin. Nang ayusin nito iyon ay nalaglag naman ang hawak nitong makapal na librong.

"A-Ay, naku! Pasen-pa-pasensya niya—Ay! Na-Na," nabubulol nitong tanong.

Kumunot ang noo niya. Anong nangyayari sa kanya?

"Papasok kami," narinig niyang sabi ni Hedia.

Tumikhim ang matanda. "Saan ka-ka-kayo g-galing?"

"Mula kami sa kabilang bayan ng Corland. May bibisitahin lang kami sa loob."

Corland? Napatingin siya kay Hedia ngunit sinenyasan lang siya nitong tumahimik.

"S-Sige. Ngu-Ngunit labis na hindi-hindi— ah, ano nga ba-ba-ba 'yon..." sabi nito at tiningnan muli ang libro.

"Hindi pi-pinapa-pap-papyagang pum-pumasok ang mga pangka-ka-karaniwang..." Hindi na nito natuloy ang sinasabi nang biglang umihip ang hangin kaya naman nabalin sa ibang pahina ang binabasa nito. "Ano ba-ba-ba—"

"Can you please stop? My gosh!" Inikot ni Lian ang mga mata nito at maarteng pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Para akong mababaliw habang nakikinig sa 'yo. Hin—aray!" may kalakasang reklamo ni Lian at napatingin Hedia na nanlalaki ang mga mata. Inapakan pala ni Hedia ang paa ni Lian.

"Sinabihan na kita, Lian. Pigilan mo 'yang bibig mo," matigas na bulong ni Hedia.

"Pagpasensyahan mo na itong kasama ko. Ah—alam ko na ang ibig mong sabihin," sabi ni Hedia sa matanda na hindi na magkanda-ugaga sa paghahanap ng pahina sa libro.

"Hindi kayo nagpapapasok ng karaniwang tao kaya kailangan naming ipakita na may kapangyarihan kami, 'di ba?"

"O-Oo. Ta-Ta-tam-ta—"

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon