Kabanata 35

3K 89 1
                                    

Huwag


Tahimik na tiningnan ni Harper sina Maria at Lian na nasa kaniyang harapan na kumakain ng agahan. Tahimik lang din ang kaniyang tiya Hedia at mukhang wala itong balak na magsalita.

Mukhang hindi pa nagkakaayos ang mga ito. Hindi iyon mabuti para sa mga ito dahil matagal na itong naging magkaibigan.

Mabuti nga at dinalaw ng mga ito si Harper. Dalawang araw na rin mula nang huli nilang pagkikita. Nais niya rin sanang humingi ng tawad sa mga ito dahil sa inasal niya noon. Nasabihan niya ang mga ito nang mga masasakit na salita at pinagsisihan niya ang mga bagay na ginawa niya.

Alam niya na may mga itinago ang mga ito sa kaniya pero mabilis niya itong napatawad. Alam niya na ginawa lang nito ang mga iyon para protektahan siya at nagpapasalamat siya dahil doon.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Iha?" ani Maria.

Matamlay siyang ngumiti. "A-Ayos lang naman po."

"'Nga pala." Tumikhim si Maria. Ibinaba nito ang sariling kutsara saka mataman siyang tiningnan.

"Pumunta kami rito para bisitahin ang kalagayan mo. Saka kanina ko lang naalala ang ikinuwento mo sa 'kin noon." Bumaling ito kay Hedia. "This place is not safe for the both of you, Hedia. Naikwento niya sa 'kin na muntikan na siyang malunod dati dahil sinundan niya ang isang lalaki. Napag-alaman ko rin na ang lalaking 'yon pala ang anak ni Mero. Alam mo na sila ang nangungunang mga babaylan 'di ba?"

Mahinhing pinunasan ni Hedia ang bibig saka tumingin sa malayo. Hindi man lang nito nagawang tingnan si Maria. Masama pa rin ang loob ng mga ito sa isa't isa. Pero hanggang kailan?

"Alam ko. Mas hinigpitan ko pa ang mahikang nakapalibot dito para hindi na sila makapasok." Napahinga naman si Harper nang maluwag dahil sa sinabi ni ng kaniyang tiyahin. Akala niya'y masusundan siya ng mga iyon hanggang dito.

"May imumungkahi sana ako, Hedia. Hindi ba't naghahanap ka ng tulong para kay Harper? Kahapon, nakasalubong ko si tandang Beryo at ang sabi niya, baka pwede ka niyang matulungan pero hindi ko sinabi na tungkol sa propesiya ang problema mo. He's now staying on the southern part of Corland." Tumingin si Maria sa akin. "Pero, Hedia alam natin na wala nang makakapagbago ng mga nakasulat sa propesiya. Ang kailangan na lang nating gawin ay tanggapin ang—"

Napatigil si Maria sa mga sinasabi nang marahas at malakas na hinampas ni Hedia ang mesa. Napasinghap si Harper at napatingin kay Hedia. "Iyan ba ang ipinunta mo rito?" malamig na tanong ni Hedia kay Maria. "Kung iyan lang ang ipinunta mo rito, maaari ka nang umalis."

"Tiya..." tawag ni Harper dito. Hindi na dapat nag-aaway ang mga ito. Naiintindihan niya pareho ang mga ito. Tama naman si Maria. Masakit mang isipin pero si Hedia na lang ang umaasa sa lahat ng ito.

"Walang sino mang makakapigil sa akin. Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ang nakasaad sa propesiya. Kahit pa buhay ko ang kapalit niyon."

---
Napahiga si Harper sa damuhan dahil sa pagod. Napapikit siya habang pinakakalma ang sarili.

"Ano? Suko ka na?" Napapikit siya nang mariin nang marinig niya ang boses na iyon ni Lian.

Dahan-dahan siyang napaupo habang nakapikit pa rin. Ang sabi ni Lian ay dapat daw siyang matutong protektahan ang kaniyang sarili at dapat daw siyang matutong lumaban. Sa totoo lang ay hindi na naman iyon kinakailangan dahil ilang araw na lang ang nalalabi sa kaniya.

Hindi maintindihan ni Harper ang mga ito pero ayaw rin naman niyang sabihin ang mga hinanaing niya sa mga ito dahil alam niyang malulungkot at magagalit lang ang mga ito.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon