Kabanata 32

2.9K 95 3
                                    


Galit at sakit

"Hedia, ano na ngayon—"

"Hindi ka na dapat lumapit at humingi ng tulong kay Valencia! Ngayong nakita niya na si Harper, siguradong hindi na siya titigil hangga't hindi niya ito nahahanap! Nag-iisip ka ba, Maria, ha?! Ipinain mo lang ang pamangkin ko! Paano kung hindi tayo agad nakatakas?!"

"Bakit ba galit na galit ka sa ginawa ko? Bakit ba ako ang sinisisi mo sa lahat ng nangyayari, Hedia? Kung hindi kami dumating ay siguradong wala na ngayon si Harper at nagtagumpay pa si Argus. Alam mo na hindi natin sila kakayanin dahil nasa kanila ang mahiwagang sandata! I just want to protect Harper, kahit na alam kong ipapahamak niya rin kami. Hindi mo ba nakikita ang pagmamalasakit ko, Hedia? Magkaibigan tayo! Bakit ka ganiyan?!"

"Hindi mo ako masisisi, Maria. Kasabwat ng pamangkin mo ang Belphegor at kapatid mo si Argus! Kapatid mo rin ang pumatay sa kapatid ko at sa mga magulang ni Harper! Paano kung nagpapanggap ka rin katulad ng pamangkin mo, ha?! Paano kung sa likod ng maskara mo ngayon ay ang umaalingasaw mong budhi?!"

Malakas na tumunog ang pisngi ng Hedia nang dahil sa pagkakasampal ni Maria.

"P-Pagkatapos nang lahat ng ginawa ko? Pagkatapos kong iligtas ang pamangkin mo ay ganiyan ang isusumbat mo sa akin? Why? Why?!" sigaw ni Maria sabay duro kay Hedia.

"Ilang taon tayong magkakilala, Hedia! Halos sabay tayong lumaki at natuto ng lahat pero hindi mo pa rin ako kilala?! Kahit kailan ay hindi ko ginusto na maging katulad ng mga kapatid ko at alam mo 'yan! You should have known me more than anyone in this world!"

"T-Tama n-na," mahinang tawag ni Harper sa mga ito.

"Wala kang karapatan na pagbuhatan ako ng kamay, Mithrellas! Mababang uri ka lang kumpara sa akin!"

"T-Tama na... p-pakiusap."

"Ha! Ako? Mababang uri?" Tumawa nang pagak si Maria. "Baka nakakalimutan mo na ang mababang uri na 'to ang siyang nagligtas sa 'yo!"

"Tama na!!" malakas na sigaw ni Harper. Taas-baba ang dibdib niya habang nakatingin sa dalawa.

Umaapaw ang mga emosyon sa puso niya. Nagagalit siya na nalulungkot at naguguluhan! Para siyang sasabog na hindi niya maintindihan.

"Tama na!" mas malakas niya pang sigaw. Sunod-sunod na nagsilaglagan ang mga luha niya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Para siyang sinasakal. Umaapaw ang galit sa kaniyang puso!

Gusto niyang magwala! Gusto niyang sumigaw!

Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito? Hindi dapat nag-aaway ang mga ito! Ang mga ito ang dapat na nagkakampihan! Nang dahil sa kaniyaay nagkakagulo ang lahat. Nang dahil sa kaniya!

Pilit siyang lumunok kahit na parang may bakal na bumibikig sa lalamunan niya saka tumingin kay Maria.

"K-Kapatid k-ka ni Argus?" mariing tanong niya kay Maria, "K-Kung ganoon ay kapatid mo ang p-pumatay sa mga magulang ko? A-Alam mo ito noong una pa lang?" nabasag ang boses niya nang itanong niya iyon.

Ang mga magulang ko... hindi ko sila nakita kahit minsan. Hindi ko sila kahit minsan nayakap! Pinagkait nila ang mga magulang ko sa akin!

"B-Bakit? Tinanong kita noon. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" Umigting ang panga niya.

Nalukot ang mukha ni Maria. "Iha... makinig ka... H-Hindi ako katulad nila. Hindi kita makakayang s-saktan. Nakikita mo naman iyon 'di ba?"

Lumapit ito sa kaniya at sinubukan siya nitong abutin ngunit inilayo niya ang katawan niya mula rito.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon