ANO BA TALAGA TAYO?

91 9 0
                                    

"Ano Ba Talaga Tayo"

By.Jenny Rose Alberto Legaspi

Sa kalahating taong naging tayo nais ko lang ipaalam o ikwento sayo ang nararamdaman ng puso kong hindi ko masabi-sabi kapag ikaw na'y nasa harapan ko,
Sapagkat wala akong lakas ng loob na humarap at sabihin lahat ng 'to.
Ilang beses mo na nga ba akong sinaktan at pinaasa?

Isa,sa tuwing susuko na ako.
Ipinaaalala mo sa akin na ang mahal mo'y ako.

Dalawa,sa mga post at shares mo umasa akong para sa akin lahat ng 'yon sapagkat mayroong tayo.

Tatlo,sinasabi mong mahal mo pa ako ngunit kasalungat naman nito ang nararamdaman ko.

Ang lamig-lamig mo,
Ako ang karelasyon mo ngunit bakit ganyan ang pakikitungo mo?

Mahal mo ba talaga ako?

Nais kong paniwalain ang sarili ko na ako pa rin ang mahal mo;
Ngunit tama na mali pa ang ipilit ang sarili ko sa taong hindi karapat-dapat sa tulad ko.

Nag seryoso ako sayo pero pinag-laruan mo lang ako.

Nagtataka ka siguro kung bakit nagagawa ko pa rin na ngitian ka kahit harap-harapan na ang pang-gagago mo,
Mukha lang akong manhid pero pre nasasaktan din ako.

Sinusubukan ko lang ang sarili ko kung hanggang kailan ko kayang panghawakan ang pagmamahal ko sayo.
Hintayin mo lang talagang maubos at mawala ito,
Kapag nangyari 'yon mawawala na ang dating ako.

Ang dating ako na pumapayag na maging tanga sayo.
Ang lakas din naman kasi ng tama ni kupido papanain na lang ako doon pa sa taong hindi ako gusto.
Tanggap ko na 'wag kang mag-alala,
Tama na ang pagpapaka-tanga.
Kailangan ko ng sumuko sa labanang pilit kong inilaban,
Mayroon ngang karapatan ngunit hindi na 'yon sapat para ito'y pang-hawakan.

Lilisanin ko na ang mundong binuo ko na ikaw ang kasama ko,
Ang mundong ikaw ang mapapangasawa ko at ako ang magiging ina ng mga anak mo.
Mundong ako lang ang nagpumilit na mabuo sapagkat habang binubuo ko ito nasa kabilang banda ka naman at sinisira ang natapos ko.
-SlayerJrell_wp

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon