Act 4

261 18 0
                                    

Confused

7 years later

ALTHEA's P.O.V
"Gahh!" Nagising ako sa isang panaginip. Ang panaginip na lagi kong napapanaginipan tuwing gabi. Isang babae....babaeng nagtatangis sa likod ng apoy. Nagsasabi,nagtatanong...kung bakit ko siya iniwan...kung bakit ko hindi tinupad ang pangako ko?
Teka lang...anong pangako? May nangyari ba? Baka may kinalaman ito sa trahedya na nangyari sa buhay ko. Baka lang...baka.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. "Hays....ano ba yan...dahil sa panaginip na iyon, nadadagdagan pa ang problema ko." Tumayo na ako at umunat. Naglakad papunta sa palikuran para maghilamos. Pagbalik ko, nakita ko si Michael na naglalakad sa labas.

"Uy...uhmm...Althea! Yung pegasus mo nagwawala na. Nagsisigaw ng 'katapusan na ng mundo ko'. Pakainin mo na. Nakakarindi ang sigaw eh."
Utos nito. Kaibigan ko siya na tinuring kong kapatid. Ganun din ang turing niya sakin.
"Sige." Sagot ko.

Inayos ko na ang higaan. At dali-daling bumaba. Dun...naabutan ko si Brent na may dalang mga mansanas. "Pahingi!" Kumuha ako ng tatlo sa kanya. "Oopss....teka lang!" Hinigit niya ang damit ko. Si Brent ang pinaka-strikto sa bahay na tinitirhan ko ngayon. Sa tuwing may problema ako...pupunta ako sa kanya at hihingi ng payo.
"Bakit?" Lumingon ako sa kanya.
"Saan mo yan dadalhin?" Tanong nito. Inerapan ko siya. "Sa pegasus ko. Gutom na eh." Kumaripas ako ng takbo. Baka kung ano pa ang sabihin nun.

"Uy Freddy!" Nakahiga ang pegasus at nagkukunwaring patay. "Wag ako..Freddy." Kiniliti ko ang tyan nito. "Gaghahaha!" Tumawa ito. "Tama na!" Tinigilan ko na ang pangingiliti sa kanya. "Oh..eto na." Binigay ko na kay Freddy ang isang mansanas. Ayaw niya na may magpapakain sa kanya na iba. Di daw siya nagtitiwala at sa akin lang daw siya magtitiwala.

Umupo ako sa tabi niya. Lumingon siya sa akin.

"Bwakit bwa ang twagal mwo? Mway pwoblema ka bwa?" Tanong nito habang nagtatatalsik ang kanyang kinakain. "Kadiri ka! Lumurin mo muna iyan." Nilunok na niya ito. "Ang tanong ko?" Paalala nito. "Hm..." Tumingin ako sa kanya. "Tanong ko?" Napatingin ako sa bintana.

"Panaginip..." Sagot ko. "Iyon ulit? Parang araw-araw na ata iyan ah?" Napahinga ako ng malalim. "Oo nga eh. Nang dumating ang taong 1911, napapanaginipan ko na siya."
Napatango si Freddy. "Ano ba ang itsura ng babae?" Tanong nito. "Lila ang mga mata, maputi, at itim na buhok na may kulay lila sa dulo nito. Umiiyak siya habang sinisigaw ang salitang 'bakit mo ako iniwan!?' "
Sagot ko sa tanong ng pegasus.
"Ganun ba?" Tumango ako.

"Alam mo? Napapaisip nga ako...kung may kinalaman ito sa trahedya ng buhay ko." Umiwas ako ng tingin. "Thea....kalimutan mo na yan. Mag-isip ka na lang ng iba. Alisin mo iyan sa isipan mo." Ngumiti ako at yumakap sa pegasus. "Salamat, salamat at nandito ka Freddy para ako'y intindihin."  Bumitaw na ako sa pagkakayakap. "Kaya nga ako nandito, para pasayahin ka." Ginulo ko ang buhok nito.
"Kaw talaga!"

"Uy Althea! Nandito ka lang pala." May isang lalaking lumapit sa akin. Si Jan lang pala. Siya ang pinaka-unang nakilala ko sa bahay na tinitirhan ko kaya siya ay isa sa malapit kong kaibigan(kasama doon ang dalawang lalaking pinakilala ko kanina). Siya ang pinaka maingay sa lahat.

Hinahabol niya ang hininga niya. Pawis na pawis at hingal na hingal siya. "Oh...ano iyon Jan?"
Itinaas niya ang palad niya na may sobre. "Eto." Binigay niya sa akin ang sobre. Binuksan ko ito.
May apat na papel. Kinuha ko ito at binasa.

"November 25, 1911. 7:00 pm.
Ika-labing walong kaarawan ng prinsesa." Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita ko ang salitang prinsesa. Ang petsa... ang petsa, parang pamilyar sa akin ito. "Jan. Uhmm...anong petsa ngayon?" Tanong ko kay Jan. "Ika-24 ng Nobyembre." Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin bukas na ang kaarawan...ng prinsesa.

"Pupunta tayo bukas." Napatingin ako sa bintana. Nandoon si Michael at Brent. "Oo nga. Magiging masaya iyon." Sabik na sabi ni Michael.
Napatingin ako ulit sa papel.
"May problema ba, Althea?" Narinig kong tanong ni Brent.
"Althea?" Natauhan ako dahil nilaksan ni Brent ang boses niya.
"Ah....w-wala" Ngumiti ako ng bahagya.

Third person's P.O.V
May isang dalaga na naglalakad sa mahabang pasilyo. Balak niyang bisitahin ang prinsesa. Nasa harapan na siya ng pintuan at kumatok. "Princess?" Tawag nito pero walang sumagot.

"Princess?" Tawag ulit nito. Ngunit..wala paring sumagot. Inilapit niya ang tenga sa pintuan. Narinig niya ang mga mahihinang hikbi. Dahan dahan niyang binukas ang pintuan at saka pumasok.

Umiiyak nga ang prinsesa pero tulog ito. Mukhang binabangungot ito. "Princess?!" Niyugyog ng dalaga ang prinsesa. "ALTHEA!" Sigaw ni Dorothy na napatayo. "D-DJ!?( pina-ikling pangalan ni Dorothy.) A-Ako toh si Jella." Si Jella ang matalik na kaibigan ni Dorothy. "J-Jella?" Napayakap ang prinsesa sa dalaga.

"A-Anong nangyari?" Tanong ni Dorothy kay Jella. "Binabangungot ka." Bumitaw na ang prinsesa sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha niya. "Napanaginipan ko nanaman."

"Ang alin? Yung...kababata mong namatay sa sunog. Ang nagligtas sa iyo?" Napatango si Dorothy. "Di pa siya patay. Nararamdaman kong hindi pa siya patay." Niyakap na lang ni Jella ng mahigpit si Dorothy para mapatahan ito.

Nang tumahan si Dorothy, ngumiti ito kay Jella. "Oh...ayos ka na pala." Ngiti ni Jella. "Ano nga pala ang araw ngayon?" Tanong ng prinsesa. "November 24. It's your birthday tomorrow." Hinawakan ni Jella sa magkabilang balikat si Dorothy. "Kalimutan mo muna ang mga problema mo. Bukas ay kaarawan mo na kaya dapat masaya ka." Payo nito sa prinsesa. Tumango ang prinsesa.

"Sige..bukas na lang ulit. Binisita lang naman kita."
Yumakap si Jella kay Dorothy.
"Mag-ingat ka." Sabi ng prinsesa.
Tumango lang si Jella at lumabas ng pinto.

****

Gabi na at oras na ng pagtulog. Nakahiga ngayon si Althea sa kama. Hindi siya dinadalaw ng antok. Iniisip niya ang babaeng napapanaginipan niya. Alas nuwebe na ng gabi hindi parin siya makatulog kaya naisipan niyang magdasal.

"Panginoon...sana..makita ko na ang babaeng napapanaginipan ko tuwing gabi." Panalangin nito.
Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at dinalaw na rin ng antok.

Si Dorothy naman ay kakatapos lamang magbasa ng isang libro. Kaarawan na niya bukas. Tumingin siya sa isang malaking bituin.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon