Act 1

513 29 0
                                    

The Land Outside

==============
1904
==============

"Mahal na prinsesa wag na po kayo magtago.Oras na po ng 'Piano lesson' nyo!"Tinakbuhan ng batang prinsesa ang butler. "Princess Dorothy nasaan na po kayo!"
Muling natakasan nito ang butler at dumiretso sa isang abandonadong parte ng kaharian.
May na kita siyang butas dito at sinilip ito.

"Ano kaya ang mangyayari kung lumusot ako dito."Pag-iisip nito kung ano ang nasalabas ng kaharian. Ang totoo di pa siya nakakalabas sa kaharian kahit kailan, di niya alam kung ano ang nasa labas.

Di nagtagal at nakalusot siya sa butas."Ang ganda pala dito sa labas!"Ang mga berdeng damo, mga magagandang bulaklak at isang malaking puno sa tabi ng isang ilog."Ang presko ng hangin......huh?"May nakita siyang bata na nasa ilalim ng puno.May kasama itong puting pegasus (Batang pegasus)
at mukhang namamahinga ito.

Dahan dahan lumapit ang prinsesa dito upang hindi magising ang bata.Ngunit nabigo siya dahil natapilok siya sa ugat ng puno at natumba siya sa batang namamahinga.*tud*
"Aray! Ano ba yun?"Mabilis na naimulat nito ang mata at nabigla sa nakita niya."P-pasensya ka na. Di ko sinasadya. Natalapid lang ako."
Mabilis na tumayo ang prinsesa at lumayo ito ng kaunti sa bata na natumbahan niya.
"A-ayos lang yun. Uhmm......anong pangalan mo nga pala?"Tinanong nito ang prinsesa."D-Dorothy, Dorothy Jane
Ikaw.....anong pangalan mo?"Tinanong ni Dorothy ang matangkad na bata na nasa tabi niya."Althea, Althea Leñor" Ngumiti ang bata at umupo."Umupo ka dito"
Tinapik tapik nito ang lupa sa tabi niya. Nag-alinlangan ang prinsesa dahil baka madumihan siya at baka isipin ng mga kasambahay o magulang niya na napa-upo siya sa tae o napatae siya.

Napansin ni Althea si Dorothy na hindi mapakali. Inalis niya ang coat na suot niya at inilagay tabi niya. "Dorothy?" Tumingin ang prinsesa sa bata at ngumiti.

Na-upo na ang prinsesa sa tabi ng bata at palihim na pinagmamasdan ang mga berdeng mata ni Althea.

"Bakit ka nakatitig sa akin?"
Nagulat ang prinsesa at tumalikod ito para di makita na namumula siya."W-wala" Natawa dito si Althea at ang prinsesa naman ay lalong namula'Anong nangyayari sa akin bakit ako namumula?'Nalilito ang prinsesa sa nararamdaman niya. Ilang minuto sila nanahimik. "Uhm...s-saan ka nga pala nakatira?" Binasag ni Althea ang katahimikan.
"D-Doon." Lumingon si Althea kung saan nakaturo ang prinsesa.
"Doon? I-ibig sabihin...i-ikaw ang prinsesa?!" Tumayo si Althea at nagbigay galang. "Ah..eh.. hindi mo na kailangan gawin iyan." Tumingin si Althea sa prinsesa. "B-bakit?" Tanong nito. "Dahil wala ako sa loob ng palasyo." Nakangiting sabi ng prinsesa. Umupo si Althea sa tabi ng prinsesa. "Kahit na..prinsesa ka parin. Kahit nasaan ka man."
Nakangiting sabi ni Althea.

Nagkwentuhan silang dalawa hanggang sa makaramdam na ng gutom si Althea. "Gutom ka na ba?" Tanong nito kay Dorothy "K-Kaunti."

Tumayo si Althea at umakyat ng puno. Kumuha siya ng tatlong mansanas.
"Bakit tatlo ang kinuha mo?" Tinanong niya si Althea na bumababa ng puno." Di mo ba napansin? May pegasus ako ah" Nakangiting sabi nito."Ah...oo nga pala may pegasus ka." Natawa na lang silang dalawa.
============================
"Kailangan ko na ata umuwi baka magalit si Ama." Ang sabi ni Dorothy.

Aalis na sana si Dorothy nang biglang hawakan ni Althea ang kamay nito dahilan para magulat at mamula ang prinsesa. "T-Teka!" Binitawan ni Althea ang kamay ng prinsesa at biglang nahiya. "Maari ba kitang makita bukas?" Ngumiti ang prinsesa. "Oo naman, anong oras?" Nag-isip-isip si Althea. "Mga alas dos ng hapon. Pwede?" Tumango si Dorothy.  "Sige Alas dos." Nagpaalam na si Dorothy at umalis na ang pegasus at si Althea. Nang maka alis na ang dalawa. Umuwi na si Dorothy

Nang maka-uwi na si Dorothy sa kanila. Dahan-dahan siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Pagdating niya doon, dali-dali niya itong sinarado pero hindi padabog, mahina lang.

Naglakad siya papunta sa balkonahe at pinagmasdan ang paglubog ng araw. "Ang ganda---" Di na natapos ni Dorothy ang sasabihin niya nang may bumagsak sa harapan niya. "S-Sino ka?" Tumayo na ang kakaibang nilalang. "Princess...ako toh..si Althea." Lumapit si Althea sa may liwanag. Nang maaninaw na ni Dorothy si Althea, nawala ang kaba nito.

"Ikaw lang pala. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Dorothy. "Uhm...saan tayo pwede magkita?" Napahimas si Althea sa kanyang batok. "Pwede sa abandonadong parte ng kastilyo." Nakangiting sabi ni Dorothy. Ngumiti naman si Althea at tumango. "Sige salamat...bukas na lang ulit."
Nag paalam na si Althea at sumakay sa pegasus na kakalapag lang. "Mag-ingat ka."
Nginitian lang ni Althea si Dorothy at pinalipad ang pegasus.

Nang makalayo na sina Althea, lumabas na si Dorothy sa kanyang kwarto para maghapunan kasama ang kanyang ama at ina.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon