Act 27

81 8 0
                                    

I'm Not Your Property

DOROTHY's P.O.V
Kumakain kami ngayon ni Althea ng mansanas. Kanina pa tumila ang ulan, gusto lang namin magtagal dito...dahil lamang..sa oras na para sa aming dalawa. Gusto ko siyang makasama ng masmatagal pa. Dahil...noong nagdaang araw.. hindi niya ako pinapansin dahil nagseselos pala siya

"Dorothy?" Tawag nito. Tumingala ako sa kanya. "B-bakit?" Tanong ko sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi?" Tumingin ako sa araw na ngayon ay palubog na. "Mamaya pa...gusto kitang makasama pa." Napangiti ako at lumingon sa kanya. "Pwede mo naman ako makasama mamaya ah...sa hardin...sa pasilyo, sa.." Natigil siya at namula. Marahan ko siyang tinulak. "Uy...ano yang iniisip mo?" Umiwas siya ng tingin at napangiti. "W-Wala..."
Kumunot ang noo ko.

"Ikaw talaga! Ang bastos mo!" Sigaw ko't pinalo siya sa likod. "A-Aray! Hindi naman kita aanuhin ah..." Lalong kumunot ang noo ko. "Maiwan na nga kita dyan!" Sigaw ko at tumayo, sabay talikod. "D-Dorothy....ayan ka na naman. Ang bilis talaga uminit ng ulo mo." Narinig ko siyang tumawa ng marahan. Lumingon ako sa kanya at pinigilan ang pagngiti.

"I don't care." Sabi ko at tinalikuran ko siya. Dahan-dahan akong naglakad palayo at ngumiti. Naramdaman ko ang kamay ni Althea sa akin. "Dorothy..." Tawag nito sa akin. Humarap ako sa kanya. Nakakunot ang noo ko. "Dorothy....galit ka pa ba?" Tanong nito. Ngumiti ako at tumikdi dahilan para magdikit ang ilong namin. Nanlaki ang mga mata ni Althea. Tumawa ako ng marahan at sinabing: "Bakit naman ako magagalit? Napakaliit na bagay lamang Althea." Napangiti si Althea at ikiniling ng kaunti ang ulo para magdampi ang mga labi namin.

Yumakap ako sa kanya, naramdaman kong hinawakan niya ang aking baywang. "Ehem...Mag-gagabi na." Narinig kong sabi ni Amelia. Iminulat ko na ang mga mata ko, nakita kong nakamulat na ang mata ni Althea pero hindi parin niya nilalayo sa akin ang kanyang mukha. "Tara na?" Tanong nito. Tumango ako at ngumiti.

Naghiwalay na kami at naghawak ng kamay. Nagtinginan kaming dalawa at parehong tumango. "Tara na baka umulan ulit." Nakapikit na sabi ni Freddy. Palihim kaming natawa ni Althea dahil..nakita namin na tinabihan ni Amelia si Freddy, parang hindi nga siya mapakali nang sumandal sa kanya si Amelia.

Sumakay na si Althea sa kanyang pegasus at kinindatan ako. "Huh?" Tumingin siya sa langit at binalik ulit ang tingin sa akin. "Tara...karera tayo." Nakangiti nitong sabi. Napasinghap ako at tumango. "Kaya niyo ba kaming talunin?" Tanong ni Freddy. Kumunot ang mga noo namin ni Amelia. "Oh...you earn it!" Sigaw ko. "Hahaha! Isa...dalawa...Tatlo!" Hiyaw ni Althea at pinatalon si Freddy. "Dali Amelia!" Sigaw ko at pinatakbo si Amelia.

ALTHEA's P.O.V
Malapit na kami sa kastilyo nang malampasan kami ni Dorothy. "Bilisan mo Freddy!" Sigaw ko. Tumango si Freddy at naramdaman kong bumilis nga ang kanyang lipad.

Magkasing pantay na kami ni Dorothy. Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata. Nginitian ko siya at pinabilis lalo ang lipad ni Freddy. "Woooohoo!!" Sigaw ni Freddy at lalong bumilis. "Pre! Dahan-dahan!" Sigaw ko at pumikit.

Pagmulat ko...nakalapag na kami at kakalapag pa lamang nina Dorothy. "Ang daya naman!" Sigaw ng prinsesa at yumakap kay Amelia. Kumunot ang noo ni Amelia at tumingin sa amin. "Bakit?" Tanong ko at bumaba mula kay Freddy. "Ang daya nyo eh!" Sigaw naman ni Amelia at pumadyak, lumayo naman ako at napahawak kay Freddy. "Freddy...ah...ito na ba ang katapusan natin?" Tanong ko sa kanya dahil masama ang tingin sa amin dalawa ng pegasus at prinsesa. Dahan-dahang tumango ang pegasus. "Mukhang ito na nga...kaibigan." Sabay kaming tumumba.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon