Act 32

106 7 0
                                    

Date
Part I

DOROTHY's P.O.V
Ika-14 na ng Pebrero, naka-upo ako ngayon sa isang bangko sa hardin. Nakakain na ako ng umagahan..nakabihis na ng maayos, iisa na lang ang kulang, si Althea.

Pinahintay niya ako dito dahil may pupuntahan daw kami. Lumipas ang ilang minuto at dumating na siya. Naka-uniporme siya. "Dorothy." Ngiti nito.
Nang makalapit siya sa akin, napansin ko ang buhok niya na makinang-kinang. "Bagong ligo?" Tanong ko. Lalong lumawak ang ngiti niya at tumango. "Anong akala mo, hindi ako maliligo?" Sabi nito, natawa naman ako.
Hinawakan niya ang mga kamay ko.

ALTHEA's P.O.V
Humawak ako sa kamay niya. Tiningnan siya ng diretso sa mata.
"Oo nga pala. Nagpaalam kaba kina mama't papa?" Tanong nito. Tumango ako.

"Oo...at ito ang sinabi nila..."

Naglalakad ako sa pasilyo nang makita ko ang reyna at ang hari. Natandaan ko na ipapasyal ko nga pala si Dorothy kaya lumapit ako sa kanila. Lumingon sa akin ang mag-asawa at ngumiti. "Ano iyon Leñor?" Tanong ng reyna sa akin. "M-magandang umaga po." Ngiti ko. Ngumiti ang dalawa at binati rin ako. "Anong kailangan mo Leñor?" Nakangiting tanong ng hari.

"Uhm...m-maaari ko...p-po bang....i-ipasyal---" Natigil ako nang biglang magsalita ang hari. "Sure...Leñor. You can take Dorothy for a walk." Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa batok. "T-Talaga ho?" Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag ang hari. "Oo Leñor...basta't uuwi kayo bago mag-alas sais ng hapon." Paalala ng reyna. Sumaludo ako at tumango. "S-Sige po...salamat." Sabi ko't lumisan.

"Eh...pumayag sila?" Humarang si Dorothy sa harap ko. Tumango ako. "Yey!" Sigaw nito at napatalon. "Tara na." Napatango siya at humawak sa aking baraso. Humilom na pala ang sugat ko. Iniwan ako ng marka..markang hindi ko na ma-aalis.

"T-Teka lang...nasaan sina Amelia at Freddy?" Tanong ni Dorothy. Tumingin ako sa kanya. "Araw natin ito Dorothy. Nais kitang makasama. Ikaw lang at wala ng iba." Namula ang pisngi ng prinsesa at umiwas ng tingin. "T-Tara na nga." Bumitaw siya sa aking baraso at naunang maglakad. Marahan akong natawa dahil sa kanyang inakto.

Humabol ako sa kanya at hinawakan ang kanyamg mga kamay. Lumingon siya sa akin. "OPEN THE DOOR!" Hiyaw ni Dorothy. May sumilip na lalaki mula sa tore at tumango. Kasunod non ang pagbukas ng pinto. Napanganga ako. "Tara na.." Sabi ni Dorothy at hinigit ako palabas.

Sinuot na niya ang sombrero na kanina pa niya hawak. May balahibo ito ng ibon sa gilid. Namula ang pisngi ko. "A-Ang..ganda." Bulong ko. Humangin ng kaunti dahilan para lumipad ang sombrero niya. Tumakbo ako at sinundan ang kanyang sombrero. "Althea!" Tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon, tumalon ako at inabot ang sombrero. Matagumpay ko naman itong nakuha. Lumingon ako sa likod ko, nandoon si Dorothy,nakahawak sa puso niya.

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang sombrero. "S-Salamat." Sabi nito at tinabon sa mukha ang sombrero. Hinawakan ko siya sa kamay. "Tara na...baka maubusan pa tayo ng oras." Napangiti siya at sumabay sa akin.

Tumawag ako ng kalesa. "Saan po kayo?" Tanong ng kutsero. "Hm...sa Berdendo po." Sabi ko, tumango ang kutsero. Pinagbukas ko ng pinto si Dorothy. Lumingon siya sa akin saka umakyat, sumunod naman ako sa kanya.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon