Injured
DOROTHY's P.O.V
Mag-uumaga na. Nasa tabi ako ni Althea, nakahawak sa kanyang mga kamay. Nililinisan parin ni Ashley ang sugat ni Althea, inalis na namin ang armor ni Althea kanina para makahinga siya ng maayos."Dorothy..Magiging maayos na ang kanyang pakiramdam. Kaya mo ba siyang bantayan?" Tanong sa akin ni Ashley. Tumango ako. Umalis na ang dalawang kasambahay na kasama ni Ashley kanina. "Sige..aalis na ako, alagaan mo siya ha." Tumango ako at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik at lumabas.
Lumipas ang isang oras ata, may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito, si Ate Lilian. "A-Ate Lilian?" Umiwas siya ng tingin. "M-Maaari ba ako pumasok?" Tanong nito. Tumango lang ako at pinapasok siya. Lumapit siya kay Althea at umupo sa tabi nito. Hinawakan nito ang noo ng guardia ko. Umangat ng kaunti ang aking labi at lumapit kay Lilian. "Uh..A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. "Tinitingnan ko lang kung may lagnat siya." Napatango ako at lumingon kay Althea. Dalawang oras na ang nakalipas at hindi parin siya nagigising. "Kamusta na siya?" Tanong ni Lilian habang hindi lumilingon sa akin. "Ayos na naman siya, nasa normal na ang kalagayan niya." Nakita ko siyang tumango. Bigla siyang namula nang aksidente niyang mahawakan ang labi ni Althea. "P-Pasensya na, h-hindi ko sinasadya." Nautal nitong sabi. Umakto ako na parang wala akong nakita. "Bakit? Anong nangyari?" Inosente kong tanong.
Umiling lang siya at umiwas ng tingin, ibinalik niya ang kanyang atensyon kay Althea."Dorothy?" Lumingon ako kay Ate Lilian. "Salamat." Sabi niya. "Para saan?" Tanong ko ulit sa kanya. "Sa..pagkakataon na mabisita si Althea..kahit..kaunting oras lang." Sabi nito at ngumiti. "Ayos lang naman na bumisita ka ah, wala namang mali dun at tsaka...para na rin kitang ate." Yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko siyang yumakap pabalik. Ilang segundo ang lumipas at bumitaw na siya.
"Oh...kailangan ko nang bumalik sa kwarto at may babasahin pa ako." Tumayo na siya. Tumango lang ako, nagtungo na siya sa pinto, bago pa siya lumabas, lumingon muna siya sa amin. Ngumiti at tumango, lumabas na siya at naiwan kami ni Althea.
Sumandal ako sa kama ni Althea, hinawakan ko ang kamay niya't pinikit muna ang mga mata.
***
Third person's P.O.V
Alas sais ng umaga, dahan-dahang iminulat ni Althea ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang isang mahapding kirot mula sa kanyang beywang.Naramdaman niya ang isang mabigat na bagay sa kanyang kamay. Lumingon siya dito, nakita niya si Dorothy na nakahawak sa kanyang kamay, mahimbing na natutulog sa tabi niya. Huminga ng malalim si Althea.
"Dorothy?" Bulong ni Althea. Iminulat kaagad ni Dorothy ang kanyang mga mata. "A-Althea! Salamat at nagising ka." Niyakap ng prinsesa si Althea. Tumulo ang mga luha ni Dorothy. "D-Dorothy....h-hindi ako maka-hinga." Sabi ng dalaga at hiningal. Nanlaki ang mga mata ni Dorothy at bumitaw.
"Masaya lang ako na...nagising ka na." Napangiti si Althea at hinawakan ang pisngi ni Dorothy.
"Masaya rin ako...na makita kang muli." Nilapit ni Althea ang ilong niya kay Dorothy, namula ang pisngi ng prinsesa. Mabilis na dinampi ni Althea ang kanyang labi kay Dorothy. Napalunok si Dorothy at nanlambot.Babagsak sana ito nang hawakan ni Althea ang mga balikat nito saka iniharap sa kanya. "Masyado bang mabilis ang pangyayari? Babagalan ko na lang." Sabi ng dalaga at idinampi ulit ang labi kay Dorothy. Lalong namula si Dorothy, yumakap siya sa batok nito. Naramdaman ni Dorothy ang kamay ni Althea na humawak sa kanyang likod at inihiga siya. Tinigil na ni Althea ang paghalik at ngumiti. "Mukhang...napalayo ata tayo." Napatango si Dorothy.
![](https://img.wattpad.com/cover/130342735-288-k817696.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...