Act 8

184 17 0
                                    

Fight for Escape

ALTHEO's P.O.V

Nagtitigan kami, ang ngalan ng lalaki na nasa unahan ko ay si Ginoong Guredo. Ang pinuno ng isang grupo ng mga tulisan at rebelde. May mga armas sa harap ko. May baril, kutsilyo at sundang.
Umiling-iling ako at tumingin sa kanya.

"Kahit anong armas ang gamitin mo. Basta mapabagsak mo lang ako." Di ako gumalaw sa aking kinakatayuan at pinag-aaralan ang kanyang mga galaw.
"Ayaw kong gumamit ng mga armas na iyan. May sarili ako." Sabi ko at ngumisi. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at naghanda ng kanyang posisyon.
"Hyaaahh!!" Sumugod siya sa akin. Ang armas niya ay espada. Iwinasiwas niya ito sa harap ko pero hindi naman ako natatamaan.

"Hari ka ata ng sablay!" Sigaw ko. "Tumahimik ka!" Muli niya akong sinugod pero naka-iwas ako. Binelatan ko siya at sinipa. Tumumba siya sa harap ng prinsesa. Sumipol ako't pumasok sa loob si Freddy. Bumuka ang pakpak nito dahilan para may mga balahibo na lumipad sa paligid.

"Nandito na ako!" Sigaw nito. "Sige na, sige na! Tapakan mo yan." Tinuro ko ang lalaking naka dapa. "S-sige." Nautal pa itong pegasus na ito. Pumatong ang pegasus sa lalaki at malakas na ipinadyak ang kanan na paa sa likod. "Aray!" Napangiti ako. "Oh...pwede na ba? Tapos na ang laban." Tumingin ako sa prinsesa at nginitian.

"Paalam." Ang sabi ko bago hinayaan si Althea na magkontrol ng katawan.

DOROTHY's P.O.V
Ipinikit na ni Althea ang kanyang mga mata. Nagtaka ako kung bakit siya namaalam eh hindi naman siya umaalis.

"Althea?" Iminulat na niya ang kanyang mga mata. Berde na ulit ito. "Princess Dorothy?" Tumakbo ako sa kanya at yumakap. "P-Princess?" Sabi nito. Bumitaw na ako sa pagkakayakap. "Salamat." Ngumiti lang si Althea. Bumalot ang katahimikan sa buong paligid.

"Tara na?" Tanong nito. Tumango naman ako. Yumuko ang pegasus at sumakay na ako. Nang maka-upo na si Althea. Tumayo na ang pegasus. Tumalon ang pegasus at lumipad.

"Maghintay kayo at maghihigante ako! Pagsisisihan niyo itong lahat!" Sigaw ng lalaki na natalo ni Althea kani-kanina lang.

ALTHEA's P.O.V
Malapit na kami sa palasyo nang sabihin ni Dorothy na bumaba.

"B-bakit?" Tumingin ang prinsesa sa akin. "Baka tayo barilin pag dadaan tayo sa itaas. Mapagkakamalan tayong kalaban." Ang sabi niya.
Tumango na lang ako at inutusan si Freddy na bumaba.

Bumaba na si Dorothy kay Freddy at sumunod naman ako.
Kumatok si Dorothy sa pinto ng palasyo at Bumukas ang pinto. May mga sundalong romoronda sa paligid.
"Nandito na ang prinsesa!" Sigaw ng isang sundalo. Ngumiti ang prinsesa at pumasok.

"D--doro----uhmm princess?" Sinenyasan niya akong sumunod. Sumunod naman ako. "Oy...oy oy...saan ka pupunta?" Tinutok ng mga sundalo ang kanilang mga baril sa amin ni Freddy. "Huwag niyo silang saktan." Napatingin ang lahat sa prinsesa. "Mga kaibigan ko sila." Nakangiti nitong sabi. "O-opo."
Ibinaba na nila ang kanilang mga baril at pinadaan kami.

"Uhmm...princess?" Tumingin sa akin si Dorothy. "Di kaya ako mapapatay ng hari?" Natawa siya. "Baliw ka. Ikaw nga ang nagligtas sa akin. Kung wala ka...siguradong napahamak na ako." Hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kiliti nang dumait ang kanyang mainit na palad sa aking kamay. "Salamat." Ngumiti lang ako.

"Tara na!" Hinigit niya ako papasok. "T-Teka p-paano si Freddy?" Tumingin sa akin si Dorothy. "Pwede naman siyang pumasok. Uhmm...Freddy pala ang pangalan ng pegasus mo?" Tumango ako. Naglakad na kami papunta sa hari.

"Dorothy!?" May tumatakbong babae papalapit sa amin. "Mama!" Niyakap ni Dorothy ang kanyang ina/reyna. "Dorothy." Lumapit naman ang isang lalaki na may balbas. "Papa!" Yumakap si Dorothy sa hari.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Baka mapagkamalan akong isang rebelde. "Anak...sino iyon?" Tumingin sa akin ang hari't reyna. "Ah siya po ba?" Lumapit sa akin si Dorothy. "Siya po ang nagligtas sa akin." Nakangiting sabi ni Dorothy.

"Hm....Anong pangalan mo hijo?" Tanong ng reyna. "A-Ako nga po pala si Althea Leñor at..uhm..babae po ako." Napahimas ako sa aking batok. "B-Babae ka?!" Napasigaw ang hari. "O-opo." Na-utal kong sabi.

"Sayang naman...kapag lalaki ka, sigurong ikaw na ang ipapakasal ko kay Dorothy."
Nanlaki ang mga mata namin ni Dorothy. "P-Pa!" Namumula ngayon ang prinsesa.

"Hm..uhmm...Althea?" Tumingin ako sa reyna. "Mayroon akong pabor sa iyo."
Napalunok ako ng laway. "A-Ano po iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Maaari ka bang maging guardia ng aming anak?"

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon